DECEMBER 15, 2017
NAGMULAT ng mga mata si Gia at sumalubong sa kanya ang kisame at ilaw na hindi pamilyar sa kanya. Nakakainis pero mabilis naalala ng isip niya ang mga nangyari kanina. Baka kahit wala siyang malay, pinoproseso pa rin ng utak niya ang mga kaganapan bago siya nawalan ng ulirat.
'Yong drug addict version ni Kuya Jeremy...
2017 theory...
At nasa'n na naman ako?
"Gia?"
Napabangon si Gia nang marinig ang tumawag sa kanya. Napasinghap siya nang makita 'yong addict version ni Kuya Jeremy na nakatayo malapit sa pintuan. Mabilis niyang hinila ang comforter at tinakip 'yon hanggang sa leeg niya. Nasa kuwarto siya ng isang lalaking hindi naman niya kilala! "Anong ginawa mo sa'kin?" natatarantang tanong niya. Well, fully-clothed pa rin naman siya at wala siyang nararamdamang weird sa katawan niya pero hindi siya magtitiwala sa ibang tao lalo na't hindi pa niya maintindihan ang nangyayari! "Sisigaw ako kapag hindi ka agad sumago–"
"Wala akong ginawang masama sa'yo," mabilis at mukhang natatarantang paliwanag naman ng lalaki na tinaas pa ang mga kamay para siguro hindi siya sumigaw. "Dinala lang kita dito sa ancestral house namin kasi hinimatay ka kanina. Tumawag ako ng doktor at no'ng tingnan ka niya, in-assure niya sa'kin na hindi naman daw malala ang kondisyon mo. Fatigue daw ang dahilan kung bakit nawalan ka ng malay kaya sinabihan niya kong pagpahingahin ka lang muna at painumin ng–"
"Bakit hindi mo ko dinala sa ospital?" nagdududang tanong niya rito. "Kung matinong tao ka, dapat sa ospital mo ko dinala at hindi sa bahay mo!"
"Hindi kita puwedeng dalhin sa ospital dito sa Malolos kasi baka may makakilala sa'yo," paliwanag nito sa pasensiyosong boses kahit na sinisigawan na niya ito. "A lot of things have changed in this town. Pero marami pa ring residente dito na nag-stay na puwedeng makakilala sa'yo. Magtataka sila kung bakit hindi ka tumanda sa ten years na dumaan. Baka magkagulo kung mangyayari 'yon. I-iyon lang talaga ang reason kung bakit dito kita dinala..."
Namumula ang mukha nito na para bang naeeskandalo sa iniisip nitong iniisip niya. Inosente ba talaga ito o magaling lang umarte? Kung 'yong latter, posibleng con-artist ito na nagpapanggap na kakilala niya para lokohin siya!
Tama! Con-artist ang lalaking 'to!
"Bakit mo 'to ginagawa?" tanong ni Gia sa basag na boses. Wala naman siyang nararamdamang panganib sa lalaking nagpakilala bilang Kuya Jeremy pero hindi pa rin siya puwedeng magtiwala dito. Isa pa, natatakot siya sa nangyayari ngayon. "Wala akong pera kaya kung kidnapper o con-artist ka, ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yong wala kang mapapala sa'kin kasi mahirap lang kami." Humigpit ang pagkakayakap niya sa comforter na binalot niya sa sarili. "A-At kung may masama kang balak sa puri ko, m-maawa ka sa'kin..."
"Wala akong masamang balak sa'yo, Gia! Hindi nga ako pumapasok sa kuwarto para hindi ka matakot o ma-threaten masyado sa presence ko, eh," natatarantang giit ng lalaki na nanlaki pa ang mga mata. "I'm your Kuya Jeremy, okay? We were sort of friends before, you know."
Humikbi lang siya. Sana nga, wala talaga itong balak na gawan siya ng masama. Mukha naman itong disente pero kailangan pa rin niyang maging alerto.
"You once talked to me about the dreams you don't remember," parang desperadong sabi ng lalaki na nagpahinto sa mga hikbi niya. "No'ng binili mo 'yong night sky painting na binenta ko no'ng art exhibit namin no'ng junior year ko at sophomore year mo naman, sinabi mo sa'kin na parati kang nanaginip pero hindi mo naman maalala kung tungkol saan."
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Kay Kuya Jeremy niya lang 'yon sinabi. Kahit kay Vincent, hindi niya 'yon sinabi dahil ayaw niyang magselos ang lalaki. Para sa kanya, random talk lang 'yon dahil gumaang ang loob niya sa night sky painting nito. Kaya bakit naaalala pa nito ang usapan nilang 'yon kung sa panahon nito, ten years na ang lumipas?

BINABASA MO ANG
Night Sky
Storie d'amoreAno'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? Honestly, akala ng fifteen-year-old Gia eh 'yon na ang pinaka-bad news na matatanggap niya nang mapun...