20th Chapter

1.7K 92 42
                                    

HINDI na nagulat si Vincent nang pagdating niya sa condominium unit niya, naabutan niya si Wendy sa kusina. Tiningnan lang siya ng babae at nagpatuloy na ito sa paglalagay ng stock ng mga pagkain sa cupboard niya. Mukha namang patapos na ito kaya hindi na siya nag-offer tumulong.

Isa pa, mabigat ang pakiramdam niya ngayon.

"Don't worry, I'm about to leave," malamig na sabi ni Wendy, saka ito tumalikod sa kanya at may binuksang panibagong drawer sa cupboard na hindi niya alam kung para saan. Bahay niya 'yon pero sigurado siyang mas alam ng babae kung saan nakalagay ang mga gamit niya. "Nagdala lang ako ng grocery. Ang sabi kasi ng manager mo sa'kin, masyado kang busy lately at wala ka ng time para lumabas at mamili ng stock. Nagmamadali ka rin daw umalis sa shooting niyo kanina."

"Nagkita kami ni Gia," sagot ni Vincent, saka siya umupo sa silya. Itinukod niya ang mga siko sa dining table at sinalo ng mga palad ang kumikirot niyang sentido. Sumasakit ang ulo niya dahil sa pag-iisip at pag-iyak kanina. "Binuksan ko ang mauseloo niya para sa kanya at nag-usap kami. And she has easily forgiven me. She even told me to stop blaming myself for what happened."

Nilapag ni Wendy sa tapat niya ang isang baso ng tubig at gamot pampatanggal ng sakit ng ulo. Meron pang Pepero– ang snack na madalas nitong ibigay sa kanya noon para mawala ang adiksyon niya sa paninigarilyo at maingatan niya ang boses niya. Ah, napaka-thoughtful talaga nito dahil alam nito ang kailangan niya kahit hindi pa siya nagsasalita. "Sinabi ko naman sa'yo na hindi mo kasalanan ang nangyari dahil aksidente 'yon. See? Gia thinks the same."

Umayos siya ng upo at ininom ang gamot na inabot nito sa kanya. "Gia said she doesn't want to see me anymore. Hindi pa raw niya kayang tanggapin ang realidad sa panahong ito at nasasaktan daw siya sa tuwing nakikita niya ako."

Umupo ang babae sa katapat niyang silya, pagkatapos, pinag-krus nito ang mga hita at humalukipkip na parang nag-iisip. Mayamaya, ngumiti ito ng mapait habang iiling-iling. "Gia is really too mature for her own age."

Mariin siyang umiling. No'ng mga teenager sila, mature ang tingin niya kay Gia. Pero no'ng umiyak ito kanina, nakita niyang bata pa rin ito na nahihirapang i-handle ang mga emosyon. Ang sakit makitang nagtatapang-tapangan sa harap niya si Gia dahil alam nitong hindi na ito puwedeng sumandal sa kanya. "Nasaktan ko siya, Wendy. Nasaktan ko siya kasi kinalimutan ko ang feelings ko para sa kanya. Kung alam ko lang na babalik siya..."

Na-realize niyang hindi niya dapat 'yon sinabi nang gumuhit ang matinding sakit sa mukha ni Wendy. Pero huli na para bawiin 'yon kaya tumahimik na lang siya at tumingin sa hawak na baso.

"Kung alam mo lang na babalik siya, anong gagawin mo?" paghihinanakit ni Wendy. "I-re-reject mo ko para hintayin siya? Bakit, Vincent? Pinagsisisihan mo na ba ang naging relasyon natin?"

"After Gia left, I thought no one could hurt me anymore because I was sure my heart died with her," maingat na pagsisimula niya. "Alam mo naman kung ano ang naging lifestyle ko sa New York no'ng university student ako. Naging party boy, womanizer, smoker, at naging gago ako kasi wala na kong pakialam sa sarili ko no'ng nawala si Gia. Wala akong lakas ng loob para magpakamatay kaya sinayang ko na lang ang buhay ko. Gano'n ako kaapektado nang iwan niya ko lalo na't alam kong may kasalanan talaga ako sa nangyari." Tiningnan niya ang babae at sigurado siyang nakita niya ang simpatya sa mga mata nito. "Ever since I came back to the country five years ago, you've never left my side and you helped me get my shit together. Naging mabuting kaibigan ka sa'kin kahit naging aloof ako sa'yo. Pero nagtiyaga ka at sinubukan mong ayusin ang buhay ko. Sinusundo mo ko sa tuwing wasted ako sa kaka-party, dina-drive pauwi ng condo, at ginagawan ng soup para matagal ang hang-over. Aabutin ako ng bukas kung iisa-isahin ko ang lahat ng nagawa mo para sa'kin no'ng panahong nagpapakagago ako. Hindi ko alam kung awa lang ba o gusto kong bumawi sa dedication mo kaya pumayag akong sumali do'n sa prestigious TV singing contest na pinilit mo sa'kin." Sa pagkakatanda niya, kaibigan ni Wendy ang producer ng show at ni-recommend siya nito. Wala siyang matinong trabaho no'n dahil hindi niya natapos ang kursong Civil Engineering. Dahil bored siya, pumayag siya. Nadismaya ang mga magulang niya at hindi na siya kinibo no'ng umuwi siya ng Pilipinas kaya bilang pagrerebelde na rin siguro, sinubukan niyang maging singer. Akala niya, ginagawa niya lang 'yon para galitin ang mommy at daddy niya hanggang sa na-realize niyang nag-e-enjoy na siya. "Hindi ako ang nanalo sa contest pero kinuha ako ng Music&Blues bilang exclusive artist at do'n na ko nagsimulang magseryoso at bumangon. Four years later, I now have three sold-out solo concerts, two full albums and three EPs, a handful of gold and platinum music awards, and just recently, I've finished my first Asian tour. I even get acting stints from time to time. Hindi man planado pero nagkaro'n ng bagong direksyon ang buhay ko. I fell in love with music once again. If it weren't for you, I would have probably ruined my life further."

Ngumiti si Wendy pero mapait 'yon. "Gusto kong maging masaya at kiligin sa mga sinasabi mo ngayon pero hindi ko magawa. Why does it feel like you're saying goodbye to me, Vincent?"

"Maybe I am," malungkot na pag-amin naman niya. "Wendy, nagpapasalamat ako na tinulungan mo kong buuin ang sarili ko. Pero na-realize ko na wala akong binibigay sa'yo bilang kapalit. Hindi maayos ang trato ko sa'yo at marami din akong pagkukulang sa naging relasyon natin. Siguro tama ka no'ng sabihin mong ginagamit ko lang ang nagawa mong pagkakamali para lumayo sa'yo. Ang totoo kasi niyan, hindi na ko makahinga kapag nand'yan ka. I'm sorry but you are a living reminder that I can't love another person the way I loved Gia." Humugot siya ng malalim na hininga bago niya sinabi dito ang pinaka-point ng mahaba niyang litanya. "I know this is selfish but please stop."

"It's because of Gia, right?" paghihinanakit ng babae na nagiging emosyonal na.

And rightfully so. "It's not about her, Wendy. Nararamdaman ko na 'to bago pa siya bumalik."

"Pero mas nabuo ang desisyon mo no'ng makita mo uli siya, 'di ba?" sumbat nito sa kanya. "Oh, God, Vincent. I know how much you loved Gia in the past but how can a person still love someone who's long gone even after so many years? Ano bang meron sa batang 'yon para hindi mo siya makalimutan? Ganyan ba talaga kahirap kalimutan ang first love?"

"You should know, Wendy."

"We're different!" giit nito. "You are my first love and I still love you even after ten years, yes. Pero ikaw, hindi mo makalimutan ang first love mong matagal nang patay. Vincent, kahit bumalik siya, tingin mo ba puwede ng maging kayo uli? Hindi gano'n katagal ang ten years para makalimutan ng pamilya niya at ng ibang nakakakilala sa kanya ang hitsura niya noon. Plus, in this era, she's a child!"

"I didn't say I'd pursue Gia! I just want to look after her as a friend because I still feel guilty–"

"Bullshit!" mangiyak-ngiyak nang sigaw ni Wendy na hinampas pa ang mga kamay sa mesa, saka ito tumayo. "You still love Gia, you pathetic loser. I am so done with you, Vincent Eusebio!"

And then just like that, she stormed out of his place.

Pinigilan ni Vincent ang sarili na sundan si Wendy at sabihin din na mahal niya ito kahit iyon ang gustong gawin ng malaking bahagi ng puso at isipan niya. Pero hindi niya ginawa dahil mababale-wala ang pananakit niya sa babae kung bibigyan na naman niya ito ng panibagong rason para umasa.

He loved Wendy, he really did. But maybe his love for her wasn't enough to risk his heart because he didn't want to go through the painful process of loving and losing again. Maybe at the end of the day, he was still scared of the "darkness".

***

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon