19th Chapter

1.9K 117 36
                                    

DECEMBER 17, 2017 (5:55PM)

PAGBALIK ni Gia sa sementeryo, nakita niya si Vincent na nakatayo sa harap ng mausoleo niya.

Nakatalikod ang lalaki mula sa kanya pero may pakiramdam siyang naramdaman nito ang pagdating niya kahit hindi ito humarap. Gaya ng madalas, lowkey na naman ang porma nito para siguro hindi makilala ng fans: gray hoodie, black pants, at dark gray athletic shoes. Siyempre, ang black cap ang kumumpleto sa "disguise" nito.

"Jeremy, kaya ko na 'to," sabi ni Gia sa lalaki na hinatid siya ro'n. "Pakihintay na lang ako sa kotse mo. Gusto ko sanang makausap in private si Vincent."

Tumango naman si Jeremy at marahan siyang tinapik sa balikat. "Okay. Just call me when you're done talking to him."

Marahan siyang tumango. "Thank you."

Ngumiti lang si Jeremy at binigyan ng mabilis na sulyap si Vincent bago ito umalis.

Humugot ng malalim na hininga si Gia habang naglalakad palapit sa mausoleo.

Kaninang umaga, habang nag-a-almusal sila ni Jeremy sa Mcdo, tinawagan nito si Vincent at sinabing gusto niya itong makausap ngayon.

Ang sabi raw ni Vincent, tatapusin lang daw nito ang shooting ng music video sa Batangas at tatawag na lang kapag malapit na. Mukhang tinanong ng singer kung nasa'n sila dahil narinig niya si Jeremy nang ipaalam nito sa lalaki na kagagaling lang nila sa sementeryo.

Nagulat siya nang nagdesisyon daw si Vincent na sa mausoleo niya makipagkita.

Pagkatapos no'n, umuwi muna sila ni Jeremy sa bahay. Natulog lang siya buong maghapon dahil nanghihina at antok na antok siya simula kaninang umaga. Isa pa, napagod din siguro ang utak niya sa pag-intindi at pag-absorb sa mga natuklasan niya na hindi pa siya handang i-share sa iba.

Ginising lang siya ni Jeremy no'ng mag-a-ala singko ng gabi para sabihing malapit na daw si Vincent. Kaya hayun, naligo at nagbihis agad siya.

"Sorry, natagalan ako sa pagpunta," sabi ni Vincent nang tumayo siya sa tabi nito. "Dumaan kasi muna ako sa condo ko para kunin 'to."

Nilingon ni Gia ang lalaki nang iabot nito sa kanya ang isang susi. Nagtataka man, kinuha pa rin niya iyon. "Susi ba 'to ng mausoleo ko?"

Marahan itong tumango. Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito nang binanggit niya ang mausoleo. "I have a spare key. Ang sabi ni Jeremy, hindi raw kayo nakapasok ng mausoleo kanina. Naisip ko na baka gusto mong makita ng malapitan ang nasa loob."

Hindi na nakakapagtaka na may spare key ito ng mausoleo niya dahil ang pamilya nito ang nagpagawa niyon.

Pero hindi niya muna iyon tinanong. Nanginginig man ang mga kamay, nagtagumpay pa rin naman siyang ipasok ang susi sa naka-install na lock sa gate at binuksan iyon. Sa totoo lang, nag-aalangan siya sa gagawing pagpasok sa sarili niyang mausoleo kaya siguro hindi agad siya nakagalaw.

Nauubusan ka na ng oras, paalala niya sa sarili. Gawin mo na 'to, okay?

Humugot ng malalim na hininga si Gia, saka siya humakbang papasok ng mausoleo, palapit sa nitso kung saan nakadikit ang lapida niya. Hindi niya alam kung malamig ba talaga ang hangin dahil December na o kinikilabutan siyang makita ang sariling nitso.

Nag-squat siya sa harap ng nitso at marahang pinaraan ang daliri sa pangalan niyang nakaukit sa kulay abong lapida. Iba pa rin pala ang pakiramdam ngayong kaharap na niya iyon kesa no'ng nakasilip lang siya sa labas ng gate kanina. Mas mabigat sa dibdib, mas malamig sa pakiramdam.

Totoo na nga ito...

Dumaan ang daliri niya sa mga salitang nakasulat sa ilalim ng birthday at araw ng kamatayan niya. Iyon ang hindi niya nabasa kanina dahil masyadong maliit ang mga letra.

Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon