17th Chapter

1.8K 99 20
                                    

DECEMBER 17, 2017 (1:03AM)

"CAN'T SLEEP yet, Gia?"

Nalingunan ni Gia si Jeremy na nakasilip sa bintana ng attic habang nakapatong ang mga braso sa windowsill at nakatingin sa kanya.

Siya naman, nakaupo sa bubong at may kumot na nakabalot sa katawan niya dahil manipis ang pares ng pajama na suot niya. Kahit naka-medyas na siya, giniginaw pa rin siya. Pero kahit malamig ang simoy ng hangin, nagtiis siya dahil gusto niyang titigan ang malawak at madilim na kalangitan. Napansin niyang kakaunti ang mga bituin ngayon na nagpalungkot sa hitsura ng langit.

"I can't," sagot ni Gia kay Jeremy, saka siya muling tumingala sa paborito niyang night sky. "Kahit nakahiga at nakapikit ako, hindi pa rin tumatahimik ang isip ko kaya umakyat na lang ako dito."

Nagpasundo siya kay Jeremy kanina dahil pakiramdam niya, mababaliw siya kasama sina Vincent at Wendy. Tinext din niya sina Maj at Aron para sumbatan ang dalawa sa pagsisinungaling sa kanya pero hindi niya inasahan na mapapasugod din ang mga ito sa bahay. Nang makita niyang kumpleto ang barkada at na-realize niyang siya lang ang nanatiling "bata" habang adult na ang mga ito, bigla siyang na-overwhelm.

Kaya sinabahan niya si Jeremy na ayaw na niya do'n at nagpapasalamat siya na naintindihan siya ng lalaki. Sinabihan nito ang mga dati niyang kaibigan na ito na ang bahala sa kanya. Mukhang nirerespeto naman ng lahat ang desisyon niya kaya walang kumontra.

Heto nga't nakabalik na siya sa bahay ng lalaki.

"Gusto mo bang itimpla kita ng gatas para makatulog ka?" tanong ni Jeremy mayamaya. "Masyado na ring late at kailangan mo ng magpahinga."

"Hindi na ko bata."

"You are, Gia. Hindi mo kailangang magpaka-adult sa panahon na 'to dahil lahat kami dito, mas matanda at mas may experience kesa sa'yo. Kaya hindi mo kailangang sarilinin ang emosyon mo," gentle na sabi ni Jeremy na halatang iniingatan ang damdamin niya. "Hindi tayo nagkaro'n ng chance maging close no'ng high school dahil mas ahead ako sa'yo ng one year. Nakikita lang kita kapag lunch break tuwing Tuesday kasi iyon lang ang araw na sa canteen kayo kumakain ng squad mo."

Nilingon niya ang lalaki dahil sa kakaibang term na narinig niya. "'Squad?'"

"Uhm, 'squad' na ang millennial term para sa 'barkada.'"

"'Millennial?'"

"Iyon ang tawag sa generation natin. People born from the 80's and 90's are called that way."

Tumingin lang uli siya sa madilim na kalangitan dahil lalo lang siyang nalulungkot kapag na-re-realize niya ang mga bagay na hindi na niya naabutan sa pag-evolve ng mundo.

"Anyway, you were famous back in high school and I'd lie if I say I hadn't been interested in you... I mean, you and your squad," pagpapatuloy ng lalaki sa parang nahihiyang boses. Hindi pa rin niya maintindihan kung ano ang point nito kaya tahimik na lang siyang nakinig sa mga sinasabi nito. "Sa mga moment na nakikita kita, napapansin ko na ikaw ang pinaka-mature sa inyo. Hindi ko alam kung dahil 'yon sa masyado pang immature ang mga kaibigan mo o talagang natural na iyon sa'yo. Pero I bet natural na 'yon sa kanya kasi panganay ka rin pamilya niyo, 'di ba?"

Tumango lang siya. No'ng una, nagtaka siya kung bakit parang ang dami nitong alam tungkol sa kanya. Pero na-realize din niya na baka nalaman nito iyon dahil sa kapatid na si Jericho.

"I'm sorry to say this but in this era, you are a child and we're all adults here," deretsang sabi ng lalaki pero may kung ano sa gentleness sa boses nito na hindi masyadong tumusok sa puso niya. "Hindi lang 'yon dahil sa edad namin, Gia. Kapag tumatanda ang isang tao, dumadami rin ang mga emosyon niya. At bawat emosyon na 'yon, siguradong nakuha mo sa mga experience na nalagpasan mo. Sa aspeto na 'yon, lamang kami sa'yo. Hindi ko 'to sinasabi para saktan o palungkutin ka pero sorry kung 'yon ang nararamdaman mo ngayon. Ang gusto ko lang namang sabihin, okay lang kahit mag-breakdown ka ngayon. Hindi mo kailangang magpakatatag para sa ibang tao kasi kaya na namin ang mga sarili namin. It's our turn to take care of you."

Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon