24th Chapter

1.7K 105 30
                                    

TWELVE OPM rock songs later, they had reached their stop.

Sumilip si Gia sa labas ng bintana pagkatapos mag-park ni Jeremy sa tapat ng isang cute na establishment. Sa labas, mukhang maliit pero cozy house ang café. Nang makita pa lang niya ang pangalan niyon, muntik na siyang mapaiyak agad.

GIA'S ENDLESS SKY

"Jeremy, may question ako," sabi ni Gia, saka isinuot ang bull cap at surgical mask na iniabot ni Jeremy. "Kilala ka ba ng parents ko?"

"Uh, sort of." Binuksan na ng lalaki ang pinto sa gilid. "Let's go, Gia."

Tumango lang si Gia at bumaba na rin ng kotse. Sumunod agad siya kay Jeremy sa loob ng maliit na café. Binigyan siya ng kakaibang tingin ng female staff na sumalubong sa kanila kaya siguro ipinaliwanag agad ng lalaki na may ubo siya kaya ganoon. Pagkatapos, in-assist na sila ng babae paakyat sa second floor kung saan walang ibang customers.

Habang umo-order ng merienda at kape si Jeremy (na hinayaan niyang um-order para sa kanya), inilibot naman niya ang tingin sa kabuuan ng café. Two-storey iyon at maliit ang space kumpara sa concept café na napuntahan na niya. Sa floor na iyon, tatlo ang table for two, tatlo ang table for four, at may isang pahabang mesa sa gitna na puwede siguro sa anim hanggang walong katao.

Sa sulok ng palapag na iyon, may elevated floor kung saan may mababang mesa at dalawang green beanie cushion. Pero may nakapatong na note sa mesang iyon na may nakasulat na 'RESERVED.'

Simple lang ang mga mesa at silya,pero pamilyar sa kanya ang nakikitang mga display sa buong second floor.Ang isang dingding doon, puno ng hilera ng laminated certificates at medals mula sa mga singing contest at quiz bee na sinalihan niya mula elementary hanggang junior year sa high school. Maycabinet din sa dingding kung saan naka-display naman ang mga trophy at plaque niya.

Sigurado si Gia na kanya ang mga iyon dahil sa panahong pinanggalingan niya, kaka-display pa lang ng kanyang ina sa trophy niya nang mag-4th place sila ni Vincent sa singing contest for a cause ng Stella Academy.Bukod sa mga certificate, plaque, medal, at trophy na naroon, napansin din niya ang magandang mural sa dingding na iyon.

Her favorite night sky, of course.

"Gia, 'you okay?" nag-aalalang tanong ni Jeremy. Noon lang niya napansin na tapos na pala itong um-order at nakaalis na rin ang staff na nag-assist sa kanila. "Bigla kang natahimik diyan."

Ibinaba muna niya ang surgical mask bago sumagot. "Jeremy, puwede bang lumapit muna ako do'n sa wall na may night sky mural?"

Dumaan ang pang-unawa sa mukha ng lalaki bago tumango. "Sure."

Ngumiti lang siya, saka tumayo at naglakad palapit sa mural. Pero hindi pa nakakalayo, may narinig na siyang pamilyar na boses mula sa likuran.

"Jeremy, totoo nga ang sinabi ng staff na nandito ka."

Nanigas si Gia sa kinatatayuan. Ang boses na iyon...

Mama!

Pumihit siya paharap sa pinanggalingan ng boses. Nakatalikod sa kanya ang babaeng nakaharap kay Jeremy na mabilis tumayo habang nakikipag-usap sa ginang.

Maiksi ang kulot na buhok, kumupas na pink cardigan, mahabang skirt.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang fashion sense at hairstyle mo, Mama.

Namalayan na lang niya na naglalakad na pala siya palapit sa kanyang ina nang marinig ang boses ni Jeremy.

"Tita, please sit down," magalang na sabi ni Jeremy, saka ipinaghila ng silya ang mama ni Gia.

Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon