MASYADONG mabilis ang naging mga pangyayari para kay Gia.
Pero kasalanan ko naman ang nangyari.
Nakatingin kasi siya kay Vincent habang kumakanta kaya ang mga tao, napatingin din sa tinitingnan niya. Kaya hayun, nakilala ng karamihan sa mga guest ng bar ang singer kaya sinubukan ng ibang fans na lumapit sa lalaki. Mabuti na lang, may mga bouncer na humarang sa mga ito.
Nagulat naman siya nang umakyat sa stage si Vincent pagkatapos niyang kumanta, saka nito hinawakan ang kanyang kamay at hinila siya pababa. Sinundan niya ang lalaki nang walang tanong-tanong habang igina-guide sila ng staff ng bar palabas sa 'secret exit' daw.
Hayun sila ngayon, nakaupo sa open cargo space ng red pickup truck na ipinahiram ni Ace sa kanila dahil kilala raw ng ibang fans ang kotse ni Vincent. Ang kotse naman ni Vincent ang ginamit ng front man at ng mga kabanda nito nang umalis sa bar para lituhin ang fans kung sakali mang may sumunod. Samantalang sila ni Vincent, hindi umalis sa parking space ng bar. Nasa madilim na parte naman sila ng parking space at may nakabantay ding bouncer sa kanila. Sigurado si Gia na naghihintay lang din sa kanya si Jeremy kahit hindi siya nakapagpaalam nang maayos dito.
"It's unfair to sing that song to me, you know," gentle na reklamo ni Vincent mayamaya. Gaya ni Gia, nakatingala rin ang lalaki sa madilim na kalangitan. "Hindi ako biglang nang-iwan. Hindi ako biglang naghanap ng iba. At lalong hindi kita biglang ipinagpalit."
"Hindi mo 'ko masisisi kung gano'n ang naramdaman ko kasi galing ako sa panahon kung kailan katatapos lang nating mag-confess ng feelings sa isa't isa. Akala ko, akin ka pa rin kasi nagsinungaling ka no'ng una," marahang paliwanag ni Gia, nakatingala sa night sky na habang tumatagal yata, pakaunti na nang pakaunti ang mga bituin. "Imagine kung ano ang naramdaman ko no'ng ma-realize ko na sa panahong ito, 'yong dating walang hanggan, matagal na palang nagkaro'n ng katapusan."
"I wanted to love you forever, Gia," halos pabulong na sabi nito, may kalungkutan sa boses. "Hindi naman 'yong pagmamahal ko sa 'yo ang tinapos ko. I merely ended my sufferings."
"Kasama ba sa suffering na 'yon ang mahalin ako?"
"Alam mong hindi 'yan kasama," mariing tanggi ni Vincent sa mapait na boses. "Love is never painful, but everything that stands in the way can be. The loneliness I felt when you left was too much to bear, Gia. I had to bury your memories, I had to forget you so I could go on with my life. But it doesn't mean I don't feel guilty for doing so.That's why I feel sorry to you right now. Ever since you came back, hindi na naalis 'tong guilt sa dibdib ko."
She felt gutted but she had to continue. "What was it like when I... I died?"
"Like the night sky has clouded my vision," sagot nito sa malungkot na boses. "I don't see any light, I can't even see the stars. I felt like a traveler whose Polaris was taken away and so I lost my way. I got lost real bad, Gia. How could my Polaris disappear on me just like that?"
Nanikip ang dibdib ni Gia dahil ramdam na ramdam niya ang sakit at pait sa boses ni Vincent. Narinig niya ang mga kuwento tungkol sa pagkaligaw ng lalaki ng landas noon at napanood din niya ang pag-iyak nito sa audition clip habang kumakanta ng 'Stars.'Hindi mahirap isipin kung gaano kasakit para dito ang pagkawala niya. Siya lang naman itong nabulag sa galit kaya hindi nagawang tingnan ang kamiserablehan ng mga tao na aksidente siyang nasaktan. "I underestimated your pain and I unknowingly played the victim card," pag-amin niya sa basag na boses. "Masyado akong naging naïve para isiping walang magbabago sa dumaang ten years. 'Tapos, malalaman ko na hindi lang pala kayo nagbago. Wala na rin pala ako sa mundong 'to."
"I haven't had the chance to properly apologize for lying to you," halatang nakokonsiyensiyang sabi nito mayamaya. "Gia, I'm really sorry for hurting you. Pero kung posible lang, gugustuhin kong itago na lang sa 'yo ang totoo. When I saw how hurt you were after you discovered the truth, a huge part of me was broken. I felt like I failed to protect you again. Just like the night you got into that accident because I selfishly asked you to meet me."
BINABASA MO ANG
Night Sky
RomanceAno'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? Honestly, akala ng fifteen-year-old Gia eh 'yon na ang pinaka-bad news na matatanggap niya nang mapun...