Takte ano ba naman ito ang aga-aga ang ingay ng cellphone ko. Sino na naman ba itong walang hiyang nangdidisturbo ng tulog ko inaantok pa ko eh.
Takte si Chloe lang naman pala akala ko ba mamayang hapon pa alis namin bakit tumatawag ito ng ganito ka aga.
"Ano?" bungad ko pag ka sagot ko ng tawag takte kasi eh
"Nakapag-ayos ka na ba babae?" tanong niya takte ang aga-aga pa pero takte pagtingin ko sa orasan dito sa kwarto ko mag-aalas dose na pala
"Hindi pa kakagising ko lang"
"Ano hoy babae papunta na kami jan kaya mag-ayos ka na"
"Oo na sige na sige na" sabi ko sabay baba ng tawag takte naman oh inaantok pa ko eh. Papunta na daw if i know mamaya pa sila pupunta lalo na ngayong alam nila na kakagising ko lang baka nga matapos na lang akong mag-ayos wala pa sila eh.
Pagkatapos kung magbihis bumababa na ako para manghingi ng pera kay mama. Pero takte binungangaan pa ako.
Ako lang ba yun may magulang na pag manghihingi ka ng pera para sa panggala niyo ng kaibigan mo magbubunganga muna yung mama niyo pero bibigyan din naman kayo.
"Ma pahingi ako ng pera gagala kami nila Chloe sa Mall"
"Gagala ka na naman alam mo namang wala tayong pera puro gala pa yung inaatupag mo. Hindi ka na nga naglilinis ng bahay tapos kung makahingi ka kala mo may pinatago kang pera" sermon ni Mama sakin
Haysssst Always naman eh.
"Ito na yan lang wala akong pera ngayon. Umuwi ka ng maaga hindi umaga." tsk magbibigay din naman dami pang sinasabi eh.
Pero kahit lagi akong binubunganga ni Mama mahal na mahal ko pa din yan hindi kasi ako yung tipo ng tao na pinapakita na mahal mo yung isang tao.
Kaya ayokong umalis ng bahay ng walang pera eh. Kasi pag manghihingi ka kailangan magse-sermon muna bago ka bigyan. Tsk lagi naman itong nangyayari sakin eh. Kung wala ka talagang pera kawawa ka kasi walang biyayang dadating sayo.
"Hoy Chloe libre mo ko ah marunong kang mangyaya hindi ka marunung manglibre angas mo din talaga ano alam mo namang kuripot nanay ko eh. Nagyaya ka pang gumala" bungad ko Chloe pagkakita ko sa kanya sa labas ng bahay takte kasing yan porket lagi siyang may pera kung makayaya kala mo parehas kami na laging may pera.
"Hoy ka din Rein kung di ako nagyaya ngayon eh di uutusan ka na naman na pumunta jan sa kupal niyong kapit-bahay na ayaw magpakita sa mga tao dahil sa creepy yung mukha niya na sinasabi mo" sigaw niya sakin
Takteng ito sinigaw pa pag siya narinig nun sasapakin ko talaga ito. Pero sabagay may point nga naman siya pero takte wala talaga kung pera tapos magkano lang binigay ni Mama sakin tapos yung pera ko dito magkano lang din. Itong mga kasama ko pa naman kung anong makita bibilhin agad nila. Sila na mapera ako na walang pera.
"Nga naman Rein tsaka sagot naman niya pamasahe at pagkain natin eh. Tsaka sabi mo nga di ba ayaw mong pumupunta jan sa weird niyong kapit-bahay na yun" sabi ni Johanna sakin
"Uy Johanna ano yang pinagsabi-sabi mo hati tayo sa pagbabayad ng pamasahe tsaka pagkain ni Rein di ba usapan kaya natin ito. Hindi nga ko binigyan ni mama ng pera ngayon eh. Kaya wag kang magkakamaling dugasin ako" tingnan mo itong dalawa ito mag-aaway pa ata eh
"Wala akong sinabi Chloe na ganyan"
"Sige mag-away na lang kayo jan di na lang ako sasama" sabi ko sa kanila at naglakad na ako papasok ng bahay
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...