Chapter 3

18 3 0
                                    

Takte talaga netong dalawang ito umalis lang ako akala mo naman may nangyari na.

"Hoy anong bang nangyari sa inyong dalawa?" tanong ko sa kanila

Tingnan mo para bang wala silang naririnig lintek talaga.

"Hoy ano ba!!" sigaw ko sa kanila takte kasi eh

"Oh Rein kanina ka pa namin hinahanap sabi mo sa CR ka lang" sabi ni Johanna

"Takte sa sobrang tagal niyo ba naman kasi nakabili na ako ng pagkain ko" singhal ko sa kanila

"Dapat hindi ka na bumili may pagkain ka na doon sa room" kinikilig na sabi ni Chloe baliw ba siya kung may pagkain ako sa room sana hindi na ako lumabas di ba baka naman binilhan nila ko

"Binilhan niyo ko?" tanong ko sa kanila

"Syempre hindi duh. May naghatid ng pagkain mo ang damot nga eh sabi para sayo lang daw" takte talaga netong babaeng ito lakas ng amats sino namang baliw ang maghahatid ng pagkain ko eh asa pa akong si Mama yun pero hindi eh kasi kung si Mama yun itetext na ako tsaka sasabihin ng dalawa ito kung si Mama yun kaya hindi.

"Ewan ko sa inyo tara na nga sa room gutom na talaga ko kanina pa"

Takte pagdating nga namin sa room may pagkain na sa table ko takte kanino naman galing ito? Wait lang ito yung lunchbox na dala ni Kenneth kanina ah. Baka magkaparehas lang hindi lang naman siya yung may ganito baonan eh.

"Kanino galing ito?" tanong ko sa dalawang ugok mga baliw kasi

"Duh kunwari ka pang di mo nakita yang baonan na yan kanina na bitbit niya kaya ka nga umalis agad di ba?" baliw talaga itong Chloe na ito so takte totoo nga yung hinala ko na kay Kenneth talaga ito galing my ghad. Pero takte akala ko ba nakalimutan na ako nun bahala na nga nagugutom na talaga. Tapos ginain ko na yung binili ko sa cafeteria tapos yung pagkain na nakalagay sa lunchbox ibinigay ko sa kanilang dalawa hindi kasi sila nakabili kanina eh. Tapos nagreklamo pa bakit ko daw ibinibigay sa kanila yun eh para sakin naman daw yun tapos bigay pa daw ni Kenneth sagot ko na lang na may binili kasi akong pagkain atsaka hindi naman din ako kumakain ng gulay eh kaya tinangap na lang nila dahil alam din nilang hindi ako kumain nun. Bakit kasi sa dami ng ibibigay gulay pa para ano humaba yung buhay ko at mas lalo ko siyang magustohan hahahahahahah no thanks na lang.

Takte ano ba itong pinag-iisip ko yoko na talaga nababaliw na ata ako eh binigyan lang ng pagkain ang haba na nung nasa isip ko my ghad.

Pagtapos nilang kumain aba takte inutusan pa akong ibalik na yung baonan salaula talaga itong dalawang eto eh mukhang walang balak hugasan yung lalagyan.

"Hoy hugasan niyo yan dun sa may CR mamaya walang hiya talaga kayong dalawa eh nuh" singhal ko sa kanila

"Grabe ah yung binigay na pagkain ni Kenneth pinakain niya din sa iba hindi na nahiya" rinig kung sabi ni Roxanne aba ito talaga babaebg ito napakakontrabida

"Eh di sana sinabi mo na gusto mo pala eh di sana nahatian kita di ba" sagot ko sa kanya

Napaka kasi ng ugali eh kala mo kagandahan hindi naman.

"Paano kaya pag nalaman ni Kenneth yun ano" sabi niya dun sa mga kaibigan niya mukhang timang

"Oo nga friend i'm sure magagalit yun nag-effort pa naman na pumunta dito yung tao tapos hindi man lang kakainin" sagot naman ng kupal

Takte talaga hinahamon talaga ako netong mga ito eh pasalamat lang talaga sila at takot akong magkarecord sa school kundi yari ito sakin.

"Hayaan niyo sa susunod sasabihan ko siya na kayo na lang yung bigyan nasanay ata kayo na laging may pa reliefs si Mayor eh" singhal ko sa kanila

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon