Nung nakalapit siya sakin nginitian niya lang ako takte bakit pakiramdam ko naiilang ako sa kanya ngayon hindi naman ako ganito nung una ah at lalong hindi rin ito yung una na magkakasama kami. Pero bakit ganito yung pakiramdam ko ngayon hindi ko maipaliwanag lintek na Chloe kasi yun eh yari yun sakin pag nakita ko siya.
"Uhmm b-b-bakit ka nga pa la nandito?" takte bakit ako nauutal hindi talaga ako ganito eh ano bng nangyayari sakin?
"Ah nasabi kasi sakin ni Chloe na umalis daw kayo kaya tinanong ko siya kung saan kayo pumunta at pupunta ako pumayag naman din siya" sabi niya sakin
"Ah ganon ba. Uhmm tara na bumili na tayo ng ticket mo at baka inaantay na nila tayo sa loob" sabi ko sa kanya
"Sige tara na" sabi niya at lumakad na kami papunta doon sa bilihan ng ticket
Pagpasok namin sa loob agad naming hinanap sila Chloe takte saan ba nagpunta yung dalawang iyon at iniwan ako dito sa lalaking ito.
Nung hindi talaga namin mahanap sila Chloe nagpasya kami na sumakay muna ng ibang rides dahil sa sayang din naman yung ibinayad namin kung hahanapin lang namin yung dalawang iyon na ayaw naman ding magpahanap.
Nakailang rides din ata kami nung bigla na lang siyang mag-aya na sumakay kami sa Space Shuttle.
"Try naman natin sumakay doon oh" sabi niya sakin sabay turo sa Space Shuttle huta papatayin pa ata ako ng lalaking ito eh okay pa ako sa roller coaster eh pero sa Space Shuttle baka ikamatay ko na.
"Uhmm ayaw mo ba?" tanong niya oo ayaw ko takte parang hihiwalay na yung kaluluwa mo jan eh. Pero ayaw ko namang maging rude sa kanya dahil pumunta pa talaga siya dito para sakin
"Uhmm sige tara na" sabi ko sa kanya kahit na labag talaga sa loob ko
Nung pasakay na kami takte nagdadalawang isip pa talaga ako kung itutuloy ko ba talaga ito oh hindi eh bakit ba naman kasi pumayag ka pa Rein eh ang tanga mo talaga sabi ko sa sarili ko.
Lord please wag niyo pa sana akong kunin ngayon mahal ko pa pamilya ko ni hindi pa nga po ako nagkakajowa eh parang awa niyo na po ibigay niyo na sakin ito. Paulit-ulit kung dasal baka kasi ito na yung magiging huling araw ko dito eh wag naman sana.
Nung kakaumpisa pa lang umandar okay pa eh pero nung nasa taas na kami sheeems gusto ko ng bumaba dahil feeling ko masusuka na ako sa kaba lalabas na ata yung kinain ko kanina eh. Feeling ko ang tagal netong matapos hindi tulad sa iba namin nasakyan kanina na ang bilis lang bakit dito napakatagal naman atang tumigil takte naman gustong-gusto ko ng bumaba eh
"Rein okay ka lang ba?" rinig kung sabi niya huta talaga mukha ba akong okay pakiramdam ko nga sobrang putla ko na eh. Hindi ko na lang din pinansin pa yung tanong niya dahil baka pag nagsalita ako bigla na lang akong masuka nakakahiya yun.
Nung nakababa na kami hindi ko na siya inantay pa dahil tumakbo na ako at naghanap ng malapit na CR kahit na nahihilo na ako buti na lang at may nakita agad ako at wala masyadong tao kaya nakapasok agad ako sa cubicle sheeems kadiri talaga bwiset naman talaga isinusumpa ko na hindi na talaga ako ulit sasakay sa Space Shuttle na yan mamamatay ako ng maaga dahil sa rides na yun eh.
Nung umokay na yung pakiramdam ko at naisuka ko na din lahat ng kinain ko kanina lumabas na din ako para ayusin yung sarili ko. Pag tingin ko sa salamin parang ginahasa yung itsura ko. Takte sinadya ata ng lalaking iyon na sumakay kami doon eh malaki siguro galit noon sakin kaya nga ako pinasakay doon.
Nung nakalabas na ako ng CR nakita ko siyang nag-aantay sa may labas at may hawak ng bote ng tubig.
"Okay ka na ba? Ito oh inumin mo" tanong niya sakin tsaka inabot yung hawak niya bottled water
"Uhm okay lang ako" sagot ko na lang dahil nahihilo pa din talaga ako ni hindi ko nga mabuksan yung bote dahil nanginginig pa din yung kamay ko
Napansin niya ata iyo kaya kinuha niya ulit sakin yung bote at binuksan at ibinalik ulit sakin.
"Umupo ka muna doon Rein bibili lang ako ng pagkain mo" sabi niya sakin at ginaya papunta doon sa bench
Takte nasan ba kasi yung dalawang iyon eh. Bakit kasi nakalimutan ko kanina na magpaload eh ayan tuloy hindi ko na alam kung nasan sila ngayon tapos si Kenneth naman naiwan niya daw yung phone niya sa sasakyan nila malas naman talaga oh akala ko pa naman mag-eenjoy ako eh. Okay pa naman nung kanina eh pero nung sumakay kami ng Space Shuttle feeling ko hindi na ulit ako makakasakay ng iba pang rides dahil sa sitwasyon ko ngayon.
Pagbalik niya may dala nga siya pagkain at inuminpara saming dalawa
"Okay ka na ba?" tanong niya sakin at inabot niya yung coke na kakabukas niya pa lang
"Medyo" sagot ko sa kanya
"Uhmm pwede bang mag-antay ka ulit dito saglit kukunin ko lang yung phone ko sa sasakyan para malaman nila Chloe na nandito tayo" sabi niya sakin
"Mmmm okay lang naman tsaka nahihilo pa din kasi ako kaya mas mabuti nga kung ganon" sagot ko sa kanya at nagpaalam naman siya na babalik din naman daw siya agad
Habang inaantay ko si Kenneth may nakita akong mag-anak na ang saya-saya naisip ko tuloy sila Mama kung okay lang ba sila doon sa pinuntahan nila or kung nakakain na ba sila na kung masaya din ba sila doon dahil ayaw ko naman na ako dito nagsasaya habang sila doon ang lungkot hindi ba para ang selfish ko naman kung ganoon di ba. Mas gusto ko kasi na masaya sila kahit na hindi kami magkakasama na okay lang sila kung saan man sila pumunta. Kahit na hindi ko naman iparamdam sa kanila na mahal ko sila alam kung alam nila na mahal na mahal ko sila higit pa sa buhay ko dahil pamilya ang pinakamahalaga sa buong pagkatao ko dahil sila lagi yung nandyan para sakin sila ng nagka-isip ako.
Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Kenneth at katabi ko na siya ngayon. Bakit napakabilis naman ata netong bumalik or sadyang masyado lang talaga malalim yung iniisip ko at hindi ko namalayan kung gaano siya katagal nakabalik
"Nasan daw sila?"
"Hindi pa nagrereply eh. Okay na ba yung pakiramdam mo? Maglalakad-lakad kaya muna tayo baka din makasalubong natin sila" sabi niya sakin at inalalayan akong tumayo
Hanggang sa gumabi na hindi na ulit kami nakasakay pa ng ibang rides dahil baka pag sumakay ako masuka na naman ako mahirap na. At hanggang ngayon hindi pa din namin nakikita sila Chloe at Johanna nakailang text na din si Kenneth sa kanila pero wala kaming natanggap na reply mula sa kanila iniisip ko na lang na baka nag-eenjoy pa yung dalawang iyon at hindi na ako inisip pa dahil may kasama naman ako. Magpapakita din naman yung dalawang iyon pag na gutom na eh mag-aantay na lang kami tutal at maaga pa din naman hindi naman.
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...