Chapter 26

6 2 0
                                    

"Sige na Kai dito ka na samin makikita mo pa naman din yung jowa mo kung nandito ka tutal ayaw naman ng mga kaibigan niya na paupuin ka doon sa kanila" sabi ni Mariel

"Ang lalandi talaga" bulong ni Chloe

"Anong malandi" galit na tugon ni Angela

"Bakit hindi ba totoo na malandi talaga kayong tatlo di ba nga lagi kayong nasa night club tuwing gabi anong ginagawa niyo doon nagtitinda?" takte pinagsasabi neto hindi ko nga alam yun eh.

"Hoy tumigil ka na nga jan at baka may dumating na prof" saway namin ni Johanna sa kanya

"Oh ano bakit natahimik kayo kasi totoo yung sinabi ko" talaga naman oh kaya iniligpit na namin ni Johanna yung mga gamit namin at sinenyasan ko si Kai na dahil yung iba naming gamit tsaka hinila na namin ni Johanna si Chloe dahil baka pinagtitinginan na din kami ng mga ibang estudyante

"Hoy bitawan niyo nga ako totoo naman yung sinabi ko eh" angal niya pa kaya mas lalo naming hinigpitan yung kapit sa kanya dahil baka makawala pa siya pero hindi pa din siya tumitigil sa pagpipiglas niya buti na lang at nakita ko sila Kuya na papasok ng cafeteria

"KUYA!!" tawag ko sa kanila automatic naman na tumigil si Chloe sa pagpupumiglas niya nung nakalapit na samin sila Kuya agad ko silang niyaya doon sa may field dahil masyado na kaming pinagtitinginan dito sobrang palabas na itong nakikita namin.

"Ano bang nangyayari sa inyo?" tanong ni Kuya Albert

"Ito kasing si Chloe Kuya Albert naghahanap pa ng away at ayaw pang magpapigil" sagot ni Johanna habang si Chloe naman ayun nananahimik lang

"Di ba sinabihan na namin kayo na umiwas kayo sa gulo ano na naman ang pinamulan ngayon?" tanong ni Kuya Mark pangalawang beses na kasing nangyari ito ngayong school year namin na laging nauuwi sa ganito lagi kaming napapagalitang tatlo dahil sa mga pinaggagawa namin

"At ikaw Kai nandoon ka pero parang wala ka lang nakita ah"

"Kuya hayaan niyo na hindi na mauulit di ba Chloe" sabi ko sa kanila at binalingan si Chloe ng masamang tingin

"Opo Kuya hindi ko na uulitin stress lang ako ngayon dahil sa sunod-sunod naming activity" sagot niya simula nung lumipat sila Kuya dito lagi na lang kaming napapagalitan

"Lagi niyo na lang sinabi samin yan baka nakakalimutan niyo sinabi niyo na din samin yan nung nakaraan linggo tapos ngayon ito na naman" sabi ni Kuya Albert kaya napatungo na lang kaming apat

"Ikaw Kai ano bang pinag-awayan ng mga ito huh?" tanong ni Kuya Mark kay Kai patay

"Ah Kuya wala lang iyon hayaan mo na nga kain na lang tayo di ba kaya nga kayo pumunta sa Cafeteria para kumain" singit ni Johanna takte talaga

"Oo nga Mark, Alert tara na doon na lang tayo sa east wings kumain may malapit naman na fast food doon eh" sagot ni Kai

Buti na lang at pumayag silang dalawa pero hindi pa din sila tumitigil sa kakatanong nila

"Hindi kaya nay relasyon kayong dalawa Chloe at Kai" sabi ni Kuya Albert nasamid tuloy kaming apat dahil sa sinabi niya

"Ano ba yang pinagsasabi mo jan Albert wala ano"

"Kaya nga Kuya eh ang panget kaya niyang lalaking yan" sagot naman ni Chloe na parang diring-diri pa

"So ano ngang pinag-awayan niyo wala naman kayong ibang pag-aawayan kundi itong lalaking ito lang lalo na at may gusto iyong Irsh ba yun dito kay Kai" sabi ni Kuya Mark

"Wala lang nga iyon Kuya kumain na lang tayo dahil malapit na iyong next class niyo hindi ba" sabi ko sa kanila

Pagtapos naming kumain nagpaalam na din sila at sinabing magkita na lang ulit kami mamayang uwian sabay-sabay kasi kami laging nauwi dahil sa malapit lang din naman dito yung bahay nila at malayo yung samin hindi naman pwedeng pupunta pa sila samin para lang magsabay-sabay kaming pumasok kaya pag-uwian ihahatid nila kami.

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon