Chapter 14

7 2 0
                                    

"Hoy kumain na nga lang kayo jan para kayong mga timang" sabi ko sa kanila

Habang kumakain kami hindi pa din nila ako tinitigilan kakatanong kaya hindi ko na lang sila pinapansin bahala sila jan.

Pagtapos namin kumain hinugasan ko na muna yung mga pingkan.

"Rein ako na lang maghahatid sa dalawa babalik na lang ako dito pagka-uwi ko pagtapos maghatid" paalam ni Kai sakin

"Huh wag ka ng bumalik mag-asikaso ka na lang doon di ba papasok ka pa?" tanong ko sa kanya

"Sige halikana Miko at Milo alis na tayo" tawag niya doon sa dalawa

"Ah Kai anong oras pa la uuwi sila Mama may sinabi ba sila?" tanong ko sa kanya wala kasi akong natanggap na text mula kagahapon pa galing sa kanila eh.

"Wala eh yung text lang ni Tita kagabi nasabing ngayong sila uuwi" sagot niya

"Ah ganun ba sige alis na kayo bye" sabi ko at pinagpatuloy na yung paghuhugas ng plato

Pagkatapos kung maghugas ng pinggan yung dalawa parang mga timang na nag-aantay ng chismis

"So ano na Rein kwento na" sabi ni Johanna

"Di ba dapat ikaw ang magkwento samin Chloe dahil sa ilang buwan mong pagkawala sa sarili mo" sabi ko sa kay Chloe

"Oo na oo na magsasabi na ako nahirapan din naman kayo ng dahil sakin eh" sabi niya

"Talagang hirap kami lalo na ako ano" sabi sa kanya ni Johanna

"Ganito kasi yun di ba nga nung mga unang linggo nung nagMall ako ng mag-isa nakita ko yung crush ko na isang beses ko pa lang din nakita tapos nun halos araw-araw kaming magkasama nun then one time niyaya niya akong makipagdate sa kanya doon sa Mall yung official date na daw namin sorbang aga ko nun at ayos na ayos pa ako tapos ang ending sa sobrang tagal kung nag-antay wala akong nakitang Christian" sabi niya na nahuhula na ngayon kaya pa la pinaasa lang siya nung lalaling iyon pag nakita ko talaga yun yari yun sakin

"Hoy wag ka na ngang umiyak jan baka hindi na makapagkwento itong si Rein pag umiyak ka jan dahil sa kakapatahan namin sayo" sita sa kanya ni Johanna kaya ayun tumigil siya sa pag-iyak talaga naman pag tungkol talaga sa chismis ang bilis magbago ng timpla ng ugali ng dalawang ito.

"So ano na nga Rein kwento na tapos na ako oh" sabi niya sakin aba atat lang

"Kasi nga ganito di ba nga naglinis ako kagahapon sa bahay niya hindi na talaga maganda yung pakiramdam ko nun"

"So ano ngang nangyari ang bagal naman Rein" aba talaga naman ito Johanna na ito

"Pwede ba manahimik ka muna anong gusto mo hindi na ako magkwento" sabi ko sa kanya kaya tinakpan na ni Chloe yung bibig ni Johanna

"So ayun nga nung nagluto ako ng tanghalian namin muntik na akong natumba buti na lang at nasalo niya ako" tapos nagtititili na sila

"Tapos nagpresenta siya na siya na lang yung magtutuloy nung niluluto ko pagkatapos naman naming kumain sila Miko nagpaalam sakin na magliligo daw sila sa pool eh hindi dapat ako papayag kung hindi lang nagpresenta si Kai na siya yung magbabantay sa dalawa habang naliligo kasi nga hindi pa ako tapos maglinis tapos yung kinukwento ko sa inyong kaibigan niya daw ay siya pa la kaya yung Kai na nakita niyo kanina siya din yung tinutukoy kung kaibigan niya kasi nga di ba hindi ko pa nakikita yung mukha ng lalaking yun ever since"

"So ibig sabihin tama yung hinala namin na si Kai at yung kaibigan niya iisa what the heck eh bakit hindi niya sinabi sayo umpisa pa lang?" tanong ni Chloe

"Oo nga bakit pinagmukha ka pa niyang tanga eh nung sabi mo na narinig nung kaibigan mo yung pinagsasabi mo sa kay Kai eh sobrang guilt yung naramdaman mo nun tapos ngayon siya lang pa la iyon" sabi ni Johanna

"Kaya nga nagalit ako sa kanya pagkagising ko kagabi eh ang kaso lang hindi naman kaya ng konsensiya ko kasi siya yung nagbantay sa kapatid ko at inalagaan niya pa ako tapos ngayon siya pa yung naghatid di ba? Kahit na may hindi siya ginawang tama sakin nung una mas mahalaga pa din naman sakin yung utang na loob ko kung hindi dahil sa kanya baka hindi ako nakapag-exam ngayon at hindi makakakain yung dalawa kagabi" sabi ko sa kanila

"Sabagay pero hindi pa din tama yung ginawa niya" sabi naman ni Johanna

"Nagsorry na ba siya sayo?" tanong naman ni Chloe

"Hindi pa masyado atang mataas ang pride ng lalaking iyon kaya ganun" sabi ko sa kanila

"Ay nga pa la nakasalubong ka daw ni Kenneth kanina hindi ka nga lang niya nakausap dahil sa sobrang pagmamadali mo" sabi ni Chloe

"Ay oo nakabunggoan ko kasi siya kanina" sagot ko naman

Habang nagkukwentuhan kami hindi namin na malayan na may tumatawag pa la sakin galing sa labas sino naman kaya iyon eh tanghaling tapat na oh

Paglabas namin nakita namin si Kenneth anong ginagawa neto dito

"Oh Kenneth bakit ka nandito?" tanong sa kanya ni Johanna

"Uhmm kasi may ibibigay lang sana ako sayo Rein" sabi niya na parang nahihiya

"Sakin?" tanong ko

"Oo ito oh nahulog mo kanina dapat kanina ko pa ito idadaan dito kaso lang may pinuntahan pa ako kaya ako natagalan" sabi niya sabay abot nung panyo ko grabe hindi ba pwedeng ipagbukas na lang yan

"Ay nag-abala ka pa dapat bukas mo na lang ibinigay akala ko pa naman kung ano at nagpunta ka pa talaga dito pero thank you ah" sabi ko sa kanya

"Sige alis na ako bye Chloe, Johanna sa inyo din" sabi niya at sumakay na sa sasakyan nila at umalis na din

"Grabe nagpunta pa talaga siya dito para lang sa panyo iba din kumilis itong si Kenneth ah" sabi ni Chloe

"Oo nga iba ang galawan makita lang si Rein" sabi naman ni Johanna

"Hoy tumigil nga kayo wala namang ibig sabihin iyon nagmagandang loob lang iyong tao na ibalik itong panyo ko" sabi ko sa kanila

Papasok na sana kami sa loob nung tinawag ako ni Kai

"Bakit anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya nakabihis na din siya papasok na siguro

"Ah sasabihin ko lang na baka daw hindi pa makauwi sila Tita ngayon" sabi niya

"Ano bakit ba sayo nagtetext si Mama ano bang problema nila at saan ba sila nagpunta?" tanong ko sa kanya

"Hindi ko din alam hindi naman niya sinabi at pakibantay ngabpa la ng bahay wala pa kasi yung mga katulong jan eh sige papasok na ako" sabi niya at umalis na din

Aba talaga naman bakit si Kai pa yung tinetext ni Mama eh ano pangsilbi netong cellphone ko kung hindi din naman nila ako kinocontact. At takte mukhan dito na naman siya sa bahay matutulog ngayong gabi ah pag hindi pa dumating yung mga kasama niya sa bahay.

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon