Chapter 25

5 2 0
                                    

Takte dapat talaga hindi ko muna sasabihin sa kanila iyong samin ni Kai ang kaso lang blinock mail ako ng dalawa na pag hindi daw ako magsasabi isusumbong nila ako kay Papa na may namamagitan samin ni Kai na ayaw ko namang mangyari dahil gusto ko ako mismo ang magsabi sa kanila dahil ayaw kung sa iba pa nila malaman iyon.

At kung paano nila nalaman nahuli daw nila kaming dalawa ni Kai sa bahay niya na naglalampungan nung pinuntahan daw nila ako ang kaso lang daw nasa kila Kai ako. Kaya wala na akong choice kundi ang ikwento dahil wala na namang magagawa pa iyon dahil nabuking na kaming dalawa grabe talaga napaka taas talaga ng radar netong dalawang ito buti nga at napakiusapan pa silang dalawa na wag munang sasabihin kay nila Papa yung tungkol samin ni Kia dahil baka lumala lang lalo yung kalagayan ni Mama pag nalaman niyang hindi ako tumupad sa usapan namin.

"Hoy lalaki subukan mo lang talagang lokohin itong si Rein babalik ka talaga sa sinapupunan ng nanay mo" sabi ni Johanna kay Kai natawa na lang tuloy ako sa sinabi niya

"Makinig ka sakin Kai once na nakita naming umiyak si Rein ng dahil sayo wag na wag ka ng magpapakita ulit samin ng dahil sayo sumira si Rein sa pangako niya sa magulang niya kaya kung sasaktan at papaiyakin mo lang din siya ngayon pa lang makipagbreak ka na dahil sinasabi ko sayo hindi ka worth it para paglaanan pa ng panahon. Kung hindi ka lang talaga mahal netong si Rein baka sinabi ko na sa kanyang iwan ka na niya pero dahil mahal ka niya wala akong choice kundi ang suportahan na lang siya sa mga ginagawa niya ngayon" sabi ni Chloe agad namang tumungo si Kai at inakbayan ako na agad namang tinanggal ni Johanna dahil ayaw niyang nakikita kami ng ganun baliw talaga.

At dahil nandito na din naman kami sa Mall nag-ikot muna kami at si Kai nag-ayang kumain at libre niya daw kaya ayun yung dalawa tuwang-tuwa nakarinig lang ng libre akala mo naman mga walang pera kung maexcite.

"Okay ka lang?" tanong sakin ni Kai nag-aalala pa din kasi ako na paano kung malaman nila Mama yung samin baka mas lalo lang lumala yung sitwasyon ni Mama hindi nga kami sigurado kung magiging okay pa ba siya or hindi na kaya mas lalo akong natatakot sa mga pinaggagawa ko sinasabi ng isip ko hiwalayan ko na si Kai pero yung puso ko ayaw makipag-cooperate hindi ko na alam kung anong gagawin ko oo mahal ko si Kai pero mas mahal ko pa din naman yung pamilya ko dahil kahit na anong mangyari sila yung laging nandyan para sakin na handang magsupport para sakin.

"Uhmm oo naman bakit"

"Kanina ka pa kasi walang imik eh" nginitian ko na lang siya

----

Halos kalahati na ng school year nagiging madalas na lang yung pagkikita namin ni Kai kahit na magkapit-bahay lang kami minsan kasi hindi siya umuuwi ng bahay nila eh dahil may tinatapos silang research na hindi ko alam kung tungkol saan ganoon talaga siguro pag graduating student. Siguro nga sa isang linggo isang beses or minsan hindi talaga kami nagkikita sinasabi nga sakin nila Chloe at Johanna na baka daw nakikipaglandian na si Kai doon sa Irish na yun kasi minsan daw nakikita nilang magkasama yung dalawa hindi naman ako naniniwala dahil may tiwala ako kay Kai at dahil hindi ko pa din naman siya nahuhuli na magkasama nga silang dalawa. Kaya lagi nila akong pinapagalitan na bakit naman daw sila magsisinungaling eh kaibigan nila ako mas pinaniniwalaan ko pa daw si Kai kesa sa kanila. Katulad na lang ngayon ipinipilit pa rin nila yung nakita nila eh anong magagawa ko paano ko sila paniniwalaan kung wala naman akong nakitang ganoon.

"Ewan ko sayo Rein bahala ka pag nasaktan ka wag mo akong iiyak-iyakang babae ka ah sinasabi ko sayo" sabi sakin ni Johanna

"Eh kasi naman paano ako maniniwala eh hindi ko pa naman nakikita atsaka malay niyo nagpapatulong lang yung malanding iyon sa kanya" sabi ko sa kanila

"Bahala ka sa buhay mo basta sinabihan ka na namin" sabi ni Chloe sumuko na din ata sa pangungulit nandito kasi kami ngayon sa cafeteria ng school dahil pre-cut namin sa isang subject namin na magkaklase kami.

"Oh takte nakita ko na naman yung mga malalanding babae na yan" sabi ni Chloe kaya napatingin kaming dalawa ni Johanna sa tinitingnan niya si Irish pa la at yung mga kalahi niya ewan ko ba dito kay Chloe at galit na galit siya sa mga yan

"Pwede ba hayaan mo na lang sila wala kang mapapala jan" sabi ko sa kanya

"Tingnan mo naman kasi yung suot ni Angela akala mo wala sa loob ng campus kung makapagsuot ng ganyan akala mo naman ang sexy ng katawan puro buto lang naman tsaka yang Mariel na yan oh tingnan mo mukhang timang lang lalo na si Irish na akala mo kung sinong maganda" panlalait pa niya tinawanan lang tuloy siya ni Johanna sa mga pinagsasabi niya

"Parang hindi ka naman nagsusuot ng ganyan hahahahahahaha" sabi ni Johanna sa kanya kaya natawa na din ako paano kasi yung sout ni Angela nakasleeveless then sobrang iksi ng palda tapos parehas na parehas pa talaga yung design sa damit na meron siya

"Bad trip ka lang kasi ayaw mong may kaparehas kang damit pwera samin ni Johanna eh" sabi ko sa kanya

"Ewan ko sa inyo manahimik na ng lang kayo" sabi niya at ipinagpatuloy yung pagbabasa ng lectures ata nila iyon

"Mukhang dito pa ata sila uupo sa tabi nating table ah" sabi ni Johanna kaya yung mukha ni Chloe mas lalong hindi na maipinta sa sobrang irita

"Bakit kaya nagkalat yung mga linta dito" pagpaparinig pa ni Chloe kaya binatukan ko siya naghahanap pa kasi ng away eh ayaw na lang manahimik

"Sino kaya ang linta" sagot naman mi Angela takte talaga naman oh

Sasagot pa sana ni Chloe nangbiglang dumating si Kai anong ginagawa neto dito alam ko may klase pa sila ng ganitong oras eh

"Isa pa itong walang hiyang ito umalis ka nga dito at baka hindi ako makapagpigil at matadyakan kita jan naaalibadbaran ako sa mukha mong lalake ka" sabi ni Chloe kay Kai hindi niya kasi alam yung mga pinagsasabi nila Chloe at Johanna dahil ayaw ko naman ding sabihin at saming tatlo lang dapat iyon kaya sa tuwing nagkikita kami yung hindi ko kasama sila Johanna dahil nasasaktan din naman ako sa mga pinagsasabi nila sa kanya

"Umalis ka na lang muna Kai at baka ako yung makasapak sayo" sabi ni Johanna

Kaya tinunguan ko na lang siya dajil baka totohanin ng dalawa ito yung banta nila nung una kasi nakatikim na si Kai kaya mahirap na lalo pat nasa loob kami ng school masasayang lang yung maganda naming record.

"Grabe talaga yung ugali niya pang basura paalisin ba naman yung boy friend na kaibigan" sabi ni Irish

"Kaya Kai dito ka na lang makitable samin mag-eenjoy ka pa" malanding sabi ni Angela aba talaga naman sinusubukan ata ako ng mga ito ah

"Sabagay sanay naman kayo sa tira kaya sa inyo na kahit wag niyo ng ibalik eh" sagot naman ni Chloe

"Tumigil ka na lang Chloe di ba sabi mo quiz kayo mamaya magreview ka na lang jan" sabi ko sa kanya ayaw ko talaga ng gulo dahil dagdag na naman iyon sa aalalahin nila Papa ayaw ko naman mangyari iyon kaya hanggat kaya ko pang pigilan gagawin ko.

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon