Ito na naman pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon kalbaryo na naman ang mga susunod na araw at buwan ko kaya minsan naiisip ko bakit pa ko mag-aaral mamamatay lang din naman papahirapan ko pa ba sarili ko.
Takte syempre joke lang yun may pangarap din naman ako atsaka mahal din ako ng magulang ko.
So ito na nga nagbibihis na ko para pumasok kahit wala pa naman talagang gagawin wala lang gusto ko lang pumasok sayang din kaya yung baon."Rein bilisan mo na malalate ka na" okay ito din talaga ang pinakaayaw ko sa lahat eh yung sisigawan ka ng nanay mo na malalate ka na kahit hindi pa naman talaga
"Oo na po Ma"
"Ano pa bang ginagawa mo jan ha kanina ka pa nagbibihis ah?"
"Patapos na ko Ma"
Takte makababa na nga lang nakakabad trip naman talaga umagang umaga bad trip na agad ako wala na corny na nung simula ng araw ko.
Kaya pagbaba ko kinuha ko na agad yung baon ko tapos di na ako kumain nakakainis kasi si mama eh ang ingay-ingay lang.
Pagpasok na pagkapasok ko pa lang sa gate ng school mukha agad nila yung nakita ko mas lalo lang tuloy na nakakairita ang malas naman talaga ng araw na ito oh bakit ba naman kasi yan pa bubungad saiyo eh nuh yung mukha ng dalawang ito na walang maidudulot na maganda nakakasira talaga ng araw.
Syempre joke lang yun mahal ko kaya itong mga kaibigan kung ito kahit na nakakairita sila minsan.
"Oh Rein bakit ganyan agad mukha mo umagang umaga eh?"tanong ni Chloe
"Kayo ba naman makita ko sa umagang ito sinong hindi mababad trip"
"Che tigilan mo ako Rein huh" sabi ni Chloe
Haysss talaga naman
"Hulaan ko sinigaw-sigawan ka na naman ng mama mo nuh?" sabi ni Johanna sakin
"Ah kaya pa la eh" ginatongan pa tigas din ng mukha netong si Chloe eh
"Takte wag niyo na ngan ipaalala lalo lang akong naiirita sa inyong dalawa eh"
"Pero Rein for sure mas lalo kang maiirita sa nalaman namin ngayon" sabi ni Chloe
"Tama si Chloe, Rein hahahahahahaha" tumawa pa yung walang hiya
Kaya pala ang aga pumasok ng dalawang ito dahil may ichi-chismiss na naman pala daig pa kasi netong dalawang ito yung mga chismosa naming kapit-bahay eh laging may chismiss na dalawa.
"Ano na naman yun ang aga-aga niyo namang dagdagan yung pagkairita ko ngayon ang bait niyo talaga kaibigan" singhal ko sa kanila
"Ayaw mo atang malaman eh wag na lang pumunta na tayo sa classroom natin" ngingiti-ngiting sabi ni Johanna huta naman talaga nang-aasar pa eh
"Eh kung sapakin ko kaya kayong dalawa jan"
"Eto naman hindi mabiro eh joke lang yun. Ganito kasi yun yung Crush mo hindi na dito mag-aaral" sabi ni Chloe
"Sinong Crush takte madami sila di ba. Ano lahat sila nagsilipat ang gagaling naman nila" baliw talaga eh nuh
"Sorry naman si Paulo yung tinutukoy namin"
"Ano? Totoo ba yun takte talaga ni hindi ko pa nga nasasabi na Crush ko siya tapos ngayon hindi ko na siya makikita" nakakainis naman talaga oh.
Pero okay na din naman yun atleast nandito pa yung isa atsaka baka may mga transferee din naman ngayon na gwapo maghahanap na lang ako ng bagong mukha.
"Oo pero may good news din naman kami eh" sabat na naman ni Chloe
"Ano na naman yan?"
"Na nakita namin si Kenneth kanina habang inaantay ka namin" sagot naman ni Johanna
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...