Chapter 9

28 5 8
                                    

Bakit ganun si Kenneth sakin? Ano bang nangyari sa kanya ni dati nga hindi niya ako kinakausap tapos ngayon bumalik lang siya ganun na agad trato niya sakin. Ewan ko ba basta ang mahalaga napapansin niya na ako ngayon hindi tulad dati na para lang akong hangin sa kanya na kahit anong gawin kung papansin wala akong nakukuha kahit na isang sulyap man lang.

So ayun na nga as always si Mama ang ingay na naman ewan ko din ba bakit ganyan siya konting kibot mo yung bunganga niya para nakaauto na eh.

"Ano Rein buti naisipan mo pang umuwi ano linggo-linggo na lang lagi kang may lakad?" tanong niya talaga naman oh

"Sinamahan ko lang si Chloe sa Mall Ma tsaka nagkataon lang naman na nung nakaraan tapos ngayon na umalis ako eh" palusot ko pa malay niyo lumusot

"Kaya pa la nakakotse at lalaki yung nasa loob ano?" takte talaga naman dapat talaga hindi na ako dito sa tapat ng bahay bumababa eh baka bukas na bukas din headline na ako dito sa baranggay namin sobrang chismosa pa naman netong mga kapit-bahay namin kala ko may mga radar sa bahay nila eh bilis makasagap

"Uhmm kasi Ma ano" takte naman talaga

"Teka nga Rein Boyfriend mo ba yun?" tanong ni Papa

"Naku Pa hindi classmate lang namin nila Chloe yun eh madadaanan lang daw niya yung bahay natin kaya hinatid niya ako" takte sige pa Rein magsinungaling ka pa

"Anong pangalan nung lalaking yun?" ano ba naman ito oh

"Uhmm Kenneth Gabriel Salvador po Pa bakit po?" sinabi ko na alam ko naman na buong pangalan gusto niyang sabihin ko eh

"Parang pamilyar sakin yang pangalan na yan" sabi ni Papa

"O siya siya pumunta ka na doon kay Kai" takte naman talaga pagkatapos akong bungangaan kanina tapos ngayon uutosan ako

"Pero Ma baka wala na naman yun doon eh nagpagod lang ako" reklamo ko pa takte naman kasi eh bawat punta ko doon wala palagi yung walang hiya na yun

"Kanina pa yun nakauwi kaya siguradong nandoon siya ngayon sa bahay nila" lagi ko naman naririnig yan sa kanya eh tapos pagpunta ko doon sa bahay nila wala naman yung kupal na yun.

Takte makaalis na nga wala din naman ako choice eh baka mapagalitan pa ako kung magrereklamo ako ng magrereklamo dito.

"Kai Gabriel Montero sports mitsubishi!!!!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob na bahay nila sanay namn na akong sumigaw-sigaw dito eh kahit na hindi ko bahay ito at kahit na nandito yung mga katulong niya dito sanay na din sila sakin alam din naman nilang hindi ko gusto na pumupunta dito.

Takte naman ayaw ko na ngang umakyat sa kwarto niya eh napakaimportante naman ng taong yun eh kala mo naman kung sinong gwapo eh.

"Hoooy ano ba takte alam naman na ayaw kung pumupunta dito eh tapos hindi ka pa sasagot jan hindi ka ba naririndi sa boses ko?" tanong ko sa kanya habang kinakatok ko yung pintuan niya kasi kung hindi siya naririndi ako kasi pagod na pagod na akong kausapin siya tapos wala din naman akong nakukuhang sagot di ba para lang din akong tanga dito na laging bumabalik sa kanya akala mo naman jowa eh nuh.

"Hoy ano ba kung nandyan ka sa loob magresponse ka naman para makauwi na ako lintek ka talagang kupal ka eh!!!!!!" bubwit naman talaga eh nuh nakaka-asar na siya mas gusto ko pa talaga na wala siya dito eh

"Ganyan ka pala" nagulat ako nung nakita ko kung sino yung nagbukas ng pintuan ay takte sheeeems wala na turn off na siya sakin hindi ko pa nga nalalaman yung pangalan niya feeling ko busted na agad ako dahil doon sa mga pinagsasabi ko kanina takte naman kasi nung lalaking iyon eh. Sheeeems talaga sure ako na galit ito ngayon sakin sabihan ba naman yung kaibigan mo ng ganun talagang magagalit ka.

"Uhmm kasi ano" takte nasan na yung tapang mo kanina Rein ano nilamon na kaagad nakakita ka lang ng gwapo napakarupok mo talagang babae ka

"Ah sorry akala ko si Kai lang yung nanjan eh tsaka hindi talaga ganito ugali ko promise nanggigil lang talaga ako" takte Rein para kang tuta anong nangyari sayo imbes na marami pa akong sasabihin kay Kai eh para tuloy nalunok ko lahat ng sasabihin ko bakit sa dami ng araw ngayon pa talaga. Si Mama kasi utos ng utos eh yan tuloy tapos ngayon hindi pa siya nakibo doon sa sinabi ko

"Uhmm sige uuwi na ako sorry ulit" sabi ko sa kanya hindi ko na inantay pa yung sasabihin niya baka ano na namang masabi ko eh nahihiya pa din ako doon sa mga pinagsasabi ko kanina

Hanggang ngayon takte para pa din akong nilalamon ng hiya kahit na nakatulog na akot lahat lahat eh bad trip naman talaga

Pagkapasok ko ng room namin takte ng aga nung dalawa siguradong makikichismis na naman ito hindi na nga maganda itong nangyari sakin kagabi eh.

"Wala akong sasabihin sa inyo kaya tigilan niyo ako ngayon please lang" sabi ko sa kanila

Habang nagkaklase wala pa din ako sa wisyo ko. Hayssst bakit ba naman kasi ang tagal mag-uwian eh

"Ms. Saoirte are you with us?"

Kinalabit ako ni Chloe sa braso ko tapos tinuro niya yung teacher namin sheeeeemss patay ako ngayon

"Uhmmm bakit po Ma'am?" tanong ko pa takteeee talaga

"Wala naman baka gusto mo lang naman na sabihin samin kung ano yang iniisip mo habang nagkaklase ako boring ba ang subject ko at hindi mo pinapakinggan yung mga sinasabi ko dito sa harapan" takte naman talaga sana lamunin na ako ng sahig ngayon din

"Ah sorry po Ma'an hindi na po mauulit" sabi ko na lang at buti na lang at nag-umpisa na ulit siya magdiscuss nung topic niya

"Hoy ano bang nangyayari sayo?  May nangyari ba kagabi na hindi maganda ang sabi naman ni Kenneth okay naman yung labas niyo kagabi bakit para iba ata yung mukha mo kesa kay Kenneth na papalapit ngayon satin na todo kung makangiti" sabi ni Johanna sabay nguso doon sa likod ko nandito kasi kami sa may Cafeteria

"Oo nga Rein may nangyari ba sa bahay niyo?" tanong naman ni Chloe

"Wala naman mamaya ko na lang sasabihin pag-uwi natin wala pa ako sa mood ngayon" sabi ko na lang sa kanila at nagpatuloy na lang sa pagkain ko

"Rein naman" sabi ulit ni Chloe halata mo sa mukha nilang dalawa na nag-aalala sila sa inaasal ko ngayon takte naman kasi hindi pa din mawala sa isip ko yung nangyari sakin kagabi feeling ko ang sobrang tanga ko.

"Hi girls" bati ni Kenneth na nakangiti pa din ngayon isa pa ito lalaking ito

"Oh bakit ka nandito hindi niyo pa naman break hindi ba?" tanong sa kanya ni Johanna

"Uhmm kasi wala yung teacher namin ngayon kaya nakalabas ako" sabi niya habang nakamot sa ulot niya may kuto pa ata itong lalaking ito eh.

"Ah ang gusto mong sabihin gusto mong makasabay ngayon si Rein sorry na lang pero wala ata sa mood yung kaibigan namin ngayon so baka sa susunod ka na lang makisabay samin okay alis na" sabi ni Chloe buti na lang talaga may kaibigan akong ganito maaasahan talaga kahit kelan

"Yeah sa susunod ka na lang sumabay at baka sayo pa maibaling ni Rein yung inis niya kung mamimilit ka eh" gatol naman ni Johanna takte ang babait talaga ng kaibigan kung ito kaya mahal na mahal ko itong dalawang ito eh.

At umalis na din si Kenneth napakahina naman ng lalaking iyon natakot na siguro ulit na masapak ko siya ang weak niya naman

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon