Chapter 5

13 3 0
                                    

Takte ang gwapo talaga nung lalaking yun makikita ko kaya ulit yun. Sana naman para naman ganahan akong pumunta dun sa bahay ng weird na yun.

Pagkapasok ko ng classroom nandun na yun dalaws nagchichismisan na naman.

"Takte mga bitch pakiramdam ko nakita ko na yung soulmate ko" sabi ko sa kanila

"Hay naku Rein sino na naman yang bago mong prospect?" tanong ni Johanna takte talaga itong babaeng ito eh

"Right ilan beses na kaya naming narinig sayo yan" isa pa itong Chloe na ito

"Eh kasi naman hindi ko siya kilala nakita ko lang siya kagabi doon sa bahay ni freak" sabi ko sa kanila

"Talaga sobrang gwapo ba?" tingna mo itong mga ito pag gwapo ang bilis

"Oo sobra mas gwapo pa kay Kenneth at Paulo" sabi ko sa kanila

"Sheeem sobrang gwapo nga" sabi ni Chloe baliw talaga

"Bakit hindi mo tinanung yung pangalan? Humihina ka na ba ngayon?" tanong ni Johanna pag kasi may bago akong crush hindi ko talaga hahayaan na hindi ko malalaman yung pangalan

"Eh sa nakalimutan ko eh para kasi siya tanga kagabi wala namang nakakatawa dun sa sinabi ko pero siya tawang-tawa kaya siguro sila naging magkaibigan ni freak dahil parehas silang weird" sabi ko sa kanila

"Baka naman si Freak yun" natatawang sabi ni Johanna baliw ba siya kung ganun siya kagwapo bakit lagi niyang tinatago yung mukha niya

"Hindi naman siguro kasi kung ganun siya kagwapo bakit niya itatago yun alam niyo naman yung mga lalaki pag gwapo sila lakas pa ng loob na ipaglandakan kahit nga yung mga feeling gwapo lakas ng loob eh yun os kaya na sobrang gwapo di ba Rein" sabi ni Chloe sabagay may point siya.

"Syempre naman nuh" sagot ko na lang

Buti na lang talaga at may meeting yung mga teacher ngayon okay lang kahit na anong gawin namin gusto ko na ngang umuwi eh ang kaso lang ayaw pa ng dalawang ito. Pwede na kasi kaming umuwi ngayon wala na kasing gagawin pinagawa na nila kanina ewan ko ba dito sa dalawang ito nagdadaldalan lang naman nakaidlip na nga ako't lahat hindi pa din sila naubosan ng pagkukwentohan eh.

"Hoy tara na nabobored na ako dito oh" sabi ko sa kanila wala na talaga ako magawa malo-lowbat na din kasi yung phone ko

"Mamaya na Rein dito muna tayo boring din naman sa bahay niyo eh" takte naman talaga eh

"Sige dito na lang muna kayo pupunta na lang muna ako doon sa cicle" sabi ko sa kanila

"Sama kami doon na lang tayo magpalipas ng oras" sabi naman ni Johanna

"Tara na"

Pagdating namin sa Circle ang daming mga estudyante takte akala ko pa naman walang tao ngayon dito

"May event ata mamaya eh kaya siguro hindi pa sila nagsisi-uwian" sabi ni Chloe

"Event? Sana kung meron nakalagay na yun dun sa Bulletin Board di ba" sagot ko naman

"Eh bakit nandito pa sila?" tanong ni Johanna

"Aba malay ko kasi siguro kung alam ko hindi na ako sumama dito hindi ba" sagot naman ni Chloe baliw talaga

"Lipat na lang tayo mainit din dito eh" sabi ko na lang sa kanila

"Saan tayo sa may field" sabi ni Johanna

"Oo hindi naman mainit dun eh mas presko pa nga dun kesa dito eh"

Pagdating namin sa field may mga nagpapractice ng soccer na hindi ko maintindihan kung paano laruin ewan ko ba hindi ko kasi talaga magets yan okay pa yung basketball eh atleast dun marunong akong magdribble eh sa soccer nun triny ko wala talaga hanggang sipa lang ng bola alam ko.

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon