Chapter 13

7 2 0
                                    

Imbes na gusto kung matulog ng maaga ngayon dahil hindi pa okay ying katawan ko takte lalo naman akong hindi makatulog lintek na Kai iyon. Anong oras na oh ayaw pa akong patulogin pag hindi ka daw kasi makatulog agad iniisip may nag-iisip daw sayo. Hindi ko alam kung totoo ba yun pero feel ko parang totoo talaga iyon kasi naman kanina ko pa gustong matulog pero hindi talaga ako makatulog ngayon eh or dahil sa naggood night siya sakin kanina na kanina ko pa din iniisip kung bakit.

----

Kinabukasan ibinilin ko yung dalawa kay Kai dahil mamaya pa naman yung pasok ng dalawa kaya sabi ko isabay niya na lang pagkapasok niya pumayag naman din siya kaya pumasok na ako ng school ayaw niya pa nga akong papasukin dahil sa hindi pa nga ako okay aba mas magaling pa sakin eh katawan ko ito tapos siya kung makapag-alala akala mo walang kasalanan sakin eh na akala mo talaga close kami.

Pagkapasok ko ng room maaga na naman silang dalawa habang si Chloe ganun pa din nakatulala kanina nga habang papunta ako ng school hindi pa din mawala sa isip ko na yung akala kung kaibigan ni Kai na Crush ko eh siya pa la at ayaw ko namang isipin pa iyon dahil nahihirapan na nga si Johanna kay Chloe dadagdagan ko pa ba kaya may pinili ko na lang na wag ng pansinin yun na hayaan na lang dahil wala din naman akong mapapala. At dahil din sa ayaw kung dagdagan pa yung pasanin ni Johanna dahil wala naman na din siya ibang aasahan kundi ako na lang din dahil nga sa lagay ni Chloe ngayon.

"Johanna ano wala pa din ba?" tanong ko sa kanya

"As usual ganun pa din siya kanina pa nga ako daldal ng daldal dito eh wala naman akong nakukuhang response sa kanya" sabi niya sakin sabay tingin kay Chloe

"Ah ganun ba hayaan na lang natin magsasabi naman na din yan pag kaya niya na eh" sabi ko na lang

"Ikaw okay ka na ba?" tanong niya sakin anong pinagsasabi neto

"Oo naman bakit?" sabi ko sa kanya

"Di ba nilagnat ka kagabi tinawagan ako ni Kai kagabi eh gusto nga sana kita puntahan dahil wala si Tita pero ang sabi niya siya na daw bahala sa inyong tatlo eh" paliwanag niya sakin takte anong sabi niya tinawagan siya kagabi ni Kai what the.

"Ano?? Totoo ba yang sinasabi mo? Seryuso ka jan?" sunod-sunod kung tanong sa kanya

"Ang OA mo ah oo nga kaya yan ngayon si Chloe sinisisi niya yung sarili niya na kaya ka daw nagkasakit ng dahil sa kanya. Iyak nga ng iyak kagabi eh. Magkasama kasi kagabi dahil ng sa wala yung magulang niya jan hindi ko naman din maiwanan" goosh ang sama ko pa naman kagabi kay Kai tapos siya totoong concern sakin

"Chloe okay ka lang ba" tanong ko sa kanya pagkalapit ko tapos bigla niya na lang ako niyakap at sorry ng sorry.

"Okay lang yun hindi mo naman kasalanan yun eh sobrang pagod ko lang talaga kagahapon kasi nilinis ko yung bahay ni Kai di ba ang laki nung tapos ako lang yung mag-isang naglilinis doon kaya hindi mo kasalanan okay" sabi ko sa kanya

"Pero Rein"

"Okay na nga ako inalagaan niya din naman ako eh kaya wag mo nang sisihin pa yung sarili mo jan" sabi ko sa kanya

"Hoy ano kayo lang magyayakapan jan group hug" sabi ni Johanna sabay damba samin kaya ang ending natumba kami

"Grabe Johanna ang bigat mo" sabi ni Chloe na tumatawa pa

Gulat yung reaction namin ni Johanna nung nakita namin yun kasi ilang buwan na ata namin inaantay na tumawa siya or kahit nga ngumiti lang eh.

"Rein pakikurot nga ako" sabi ni Johanna sakin kaya kinurot ko yung pisngi niya

"Aww grabe Rein ang sakit nun. So totoo itong nakikita natin tumatawa na ulit si Chloe" sabi niya sakin

"Grabe ah ang OA niyo" sabi naman ni Chloe kaya ayun nakatikim ng batok galing kay Johanna

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon