Balik na naman ang klase hayssst para ang bilis lang nung christmas break namin eh parang hindi ko man lang naramdaman. Syempre joke lang yung nakompleto kaya naming tatlo nila Chloe at Johanna yung simbng gabi kahit na ganito kami marunong naman kaming magsimba ano laking tuwa na namin yung kasi sa ilang taon naming pagsisimbng gabi ngayon lang kami nakabuo dahil din sa wala din kaming ginagawa ngayon kahit na graduating student kami ewan ko bakit ang chill lang namin.
"Ma, Pa papasok na po ako" paalam ko sa kanila at umalis na
At dahil kakatapos lang din ng christmas break wala pa muna kaming ginagawa sa ngayon tapos yung mg kailangan lang naman naming tapusin yung mga ipinapagawa samin at dahil tapos ko na ding gawin lahat yun. Nagkwentohan na lang din kaming tatlo tapos na din kasi nila yung kanila kaya chill lang kami ngayon tsaka yung thesis namin ipapacheck na lang din at okay na final na din kasi iyon at malapit na din yung presentation namin para sa thesis kaya yung ibang group ngayon naghahabol habang yung grupo namin ay chill na lang ayaw kasi talaga naming tatlo na natatambakan ng gawain kaya nadamay na din yung iba pa naming kagrupo nung una nga nag-away-away pa kami dahil yung ibang kagrupo namin ay hindi nakikisabay sakin eh hanggang sa nagsasundo na din naman kaming lahat na dapat hindi kami matambakam dahil hindi lang naman ito yung kailangan naming gawin dahil ang dami pang subject na kailangan may gagawin ka tulad nung immersion namin na malapit na ding magsimula next month na din iyo kaya din maaga yung depense namin dahil ayaw ng teacher namin na sumabay pa sa immersion na gagawin namin dahil hassle lang daw iyon samin at mahihirapan pa daw kami lalo.
Ngayong araw maaga kaming pinauwi dahil may meeting yung mga teacher at dahil ayaw pa din naman naming umuwi tumambay muna kami sa field ayaw din naman namin sa room dahil baka paglinisin lang kami doon na ayaw na ayaw naming gawin dahil hindi naman kami yung nagkakalat doon eh sa totoo lang yung mga bag pa nga namin yung mukhang basurahan pag binuksan mo eh dahil halos ng kalat namin sa bag lang naming tatlo nilalagay kaya hindi talaga kami naglilinis kahit na cleaners kami tatakas at tatakas talaga kami. Oo classroom namin iyon at responsibility namin na linisin iyon pero hindi naman ata tama na porket responsibility namin iyon eh maykarapatan na din yung mga classmate namin na magkalat di ba iyon din talaga ang kinaiinisan ko sa lahat eh. Nung una nga dahil sa ayaw ko ng makalat nilinis ko yung room namin nung break time namin pero nung uwian takte parang hindi mo nilinisan eh saglit na lang iyon ah kasi yung break time namin two hours na lang at uwian na kaya bad trip talaga ako noon kaya din simula noon hindi na talaga ako naglinis ng classroom dahil hindi ko naman kalat iyon at pangalawa mababad trip ka lang dahil kakalinis mo pa lang ang kalat na.
"Rein bili tayo ng pagkain nagugutom na kami eh ikaw ba?" sabi sakin ni Johanna hindi din kasi kami kumain kanina dahil sinabihan na kami na maaga yung uwian kaya hindi na kami kumain
"Hindi eh samahan ko na lang kayo sa Cafeteria" sabi ko sa kanila at tumayo na sa pagkakaupo ko kanina
Habang kumain kami nagkwentohan lang din kami parang hindi nga kami nauubosan ng pag-uusapan eh. Yung binili kasi nila kanin habang ako biscuit lang dahil hindi naman ako gutom kasi marami akong nakain kaninang umaga kaya ganun.
"Ay nga pa la Rein di ba malapit na birthday mo so anong plano mo debut mo pa naman iyon hindi ba?" tanong sakin ni Chloe
"Oo nga Rein anong balak mo may party ka naman siguro hindi ba kahit man lang isang beses iparanas mo naman samin kung paano magpaparty ang isang Kathana Rein Saoirte" sabi ni Johanna hindi kasi talaga ako mahilig sa party ej kahit nung nag16 ako pinipilit nila ako na magpaparty ganun din sila Mama pero ayaw ko talaga eh dahil sa mahal ang gastos sa paghahanda ng isang party ganoon kasi yung kanila Chloe at Johanna eh last year nung nagdebut sila ang laki nung nagastos ng magulang para sa party nila ayaw ko naman na madagdagan pa yung gagastosan nila Mama dahil baka umutang pa sila ng dahil lang sa birthday ko okay lang naman na wala ng party dahil masaya na ako pag kompleto yung mga mahal ko sa buhay.
"Wala lang simpleng salo-salo lang yung gusto ko alam niyo naman ako hindi ba" sabi ko sa kanila
"Pero Rein ang sabi sakin ni Mama siya daw bahala sa susuotin mo at yung Mama naman ni Johanna yung bahala sa mga iba mo pang kakailanganin para wala ka na daw kawala" sabi ni Chloe
"Oo nga Rein pumayag ka na nakaready na kaya sa bahay yung mga gagamitin mo para sa debut mo" sabi naman ni Johanna
"Pero kasi nakakahiya kila Tita mga baliw talaga kayo" sabi ko sa kanila
"Rein bawi na din namin sayo ito ano dahil nung debut din namin tinulungan mo kami kaya ngayon ikaw naman yung tutulongan namin kaya wag ka ng KJ jan alam na din naman nila Tita ito sa alam mo bang sa bahay ni Kami yung venue" sabi ulit ni Johanna
"Ano so ako na lang pa la yung hindi nakakaalam halos lahat kayo alam na ano pa bang magagawa ko nakahanda naman na pala lahat eh kahit naman siguro tumanggi ako wala pa din akong kawala eh"
"Tumpak bitch kaya dapat hindi ka mastress sa mga susunod na linggo dahil sa debut mo maliwanag ba yun" sabi sakin ni Chloe na dinilatan pa ako ng mata aba talaga naman oh
Bakit walang sinasabi sakin sila Mama na may ganitong mangyayari sa birthday ko kaya din siguro busy siya nung mga nakaraang buwan dahil siguro sa paghahanda para sa debut ko. Ang swerte ko talaga sa pamilya at kaibigan siguro may ginawa din akong mabuti nung past life ko kaya ganito iyong ibinigay ni lord sakin na buhay kahit na hindi kami mayaman atleast may mapagmahal akong pamilya at mga kaibigan kontento na ako sa ganitong buhay na kahit kapos sa pera umaapaw naman sa pagmamahalan.
"Tara na umuwi na tayo" pag-aaya ni Johanna nakaramdam na siguro siya ng antok dahil wala na kaming ibang ginawa kung hindi ay nagkwentohan na lang buong araw.
Pag-uwi ko sa bahay nakita ko si Mama na naglilinis kaya agad ko siya nilapitan at niyakap hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo yung mga luha ko nung niyakap ko siya
"Ma thank you po ah" sabi ko sa kanya
"Rein bakit ka umiiyak jan?" tanong niya at hinarap niya ako sa kanya
"Wala lang po Ma masaya lang po hindi ko po alam na may gagawin po pa la kayong party para sa debut ko" sabi ko sa kanya
"Sinabi na pala sayo nila Johanna ang sabi ko wag sasabihin sayo eh surprise pa dapat ito eh yung dalawang iyon talaga naku"
"Kilala mo naman yung dalawang iyon eh hindi mo talaga masasabihan ng secret lalo na pag ganito dahil mas excited pa sila kesa sakin kanina nga habang kinukwento nila iyon eh makikita mo talaga sa mata nila Mama na excited na sila" sabi ko kaya Mama
"Ganun ba hindi naman nila sinabi sayo ng buong detalye di ba? Ang sabi lang naman nila may party ka" tanong ni Mama
"Bakit Ma meron pa bang iba?" tanong ko din sa kanya
"Wala naman na surprise na iyong mga magaganap kaya manahimik ka na jan Rein wag kang tanong ng tanong"
"Pero Ma saan nga pa la galing yung pera na gagastosin niyo?" tanong ko sa kanya baka kasi inutang na naman nila eh
"Yung pera na dapat para sa sweet sixteen mo itinabi lang namin iyon ng Papa mo di ba nga hindi naman tayo naghanda talaga noon kaya dinagdagan na lang namin iyon ng kahit kaonti lang para naman maging bunga itong debut mo" sabi niya sakin at niyakap ako
"Ma thank you po talaga ah" sabi ko sa kanya
"Ano ka ba naman syempre kahit naman ayaw mo ng party gusto din namin ng Papa mo na magsuot ka ng gown at ipagdiwang mo yung pagiging legal mo di ba dahil iyon yung pinakaimportante sating mga babae tandaan mo yan Rein" sabi niya sakin
"Opo Ma"
"Oh sige na magbihis ka na doon at wag ka ng umiyak baka pag nalaman yan nila Chloe nasabunotan ka pa ng wala sa oras" natatawa niya sabi
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...