"Ma bakit hindi niyo itanong sa kanya kung anong yung mga tanong ko sa inyo kanina" sabi ko kay Mama dahil wala ata silang balak na magsalita
"MA, PA BAKIT AYAW NIYONG MAGSALITA? GUSTO NIYO PA BANG AKO ANG MAGTANONG SA KANYA KUNG BAKIT NIYA AKO IBINIGAY SA INYO AT KUNG BAKIT SIYA BUMALIK NGAYON!!!?" sigaw ko dahil hindi ko na makayanan pa yung sakin na nararamdaman ko dito sa dibdib ko
"Rein huminahon ka muna" sabi ni Chloe sa niyakap ako
"Paano ako kakalma kung yung babaeng ito ibinigay ang sariling anak tapos ngayong masaya na yung anak niya babawiin niya napakaselfish naman nun" sabi ko sa kanya at tinuro yung tunay kung nanay
"Rein tama na tumigil ka na" madiin na sabi sakin ni Papa dahil sa takot tumahimik na din ako at pinapakalma din ni Chloe dahil baka hindi ko na talaga mapigilan yung sarili
"Rein anak ----" panimula niya pero agad kung pinutol nung narinig kung tinawag niya akong anak
"Anak huh? Naging magulang pa la kita? Hindi ba pagkatapos mo akong ipanganak ibinigay mo na agad ako kila Papa tapos ngayon tatawagin mo akong anak? Anong kalokohan ito?" tanong ko sa kanya
"REIN!!" sigaw ni Mama nagulat na lang kaming lahat ng bigla siya nahirapang huminga kaya agad namin siyang isinugod sa malapit na hospital dito samin may sakit high blood kasi si Mama kaya ganoon
"Kasalaan ko ito Chloe eh kung sana nakinig na lang ako sa kanya hindi sana siya mapupunta dito" umiiyak kung sabi
"Wag ka ng umiyak magiging okay din si Tita tahan na" sabi ni sakin habang nakayakap pa din ako sa kanya
"P-p-pero paano kung mawala si Mama hindi ko alam kung anong mangyayari sakin hindi pa ako handa na mawala siya ayaw kung mawala siya Chloe ayaw ko ng ganito bata pa yung mga kapatid ko hindi pa nila kaya na mawala si Mama sino na lang mag-aalaga sakin pag nagkasakit ako" humagulgul na ako ilang oras na din kasi kami dito sa hospital pero hindi pa din daw okay si Mama sabi nung doctor na tumingin sa kanya dahil sa sobrang pagtaas daw ng dugo niya kaya nagkaganoon siya.
"Wag ka ngang magsalita jan na parang iiwan na tayo ni Tita" sabi niya sakin at kinurot yung pisngi ko
"Rein pwede ba kitang maka-usap?" tanong nung tunay kung nanay
"Sige" sagot ko at umalis na si Chloe para iwan kaming dalawa
"Alam kung masakit para sayo iyong ginawa ko pero Rein sana pakinggan mo din ako kaya ko lang naman nagawa iyon dahil lihim lang kitang ipinagbubuntis noon lalo na nung nalaman namin ng Daddy mo na babae ka sa pamilya kasi ng daddy mo pag nagkaroon ng babaeng anak ipapalaglag ayaw naman naming gawin iyon ng daddy mo kaya mas pinili ko na lang na pumunta juna kami sa ibang bansa at doon kami tumira hanggang sa naipanganak kita hindi ko talaga gustong ibigay ka sa kanila Ate Marites pero wala akong choice dahil pag nalaman iyon ng pamilya ng daddy mo baka ipapatay ka nila na kaya mas pinili ko na lang na ihabilin ka kay Ate at kuya" paliwanag niya umiiyak na din siya ngayon
"Ano bang masama sa pagiging babae ko at ayaw nila? Bakit hindi niyo ako ipinaglaban kung talaga mahal niyo ako?" tanong ko sa kanya
"Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mga oras na yun dahil nung mga araw na yun nalaman ko na pag nalaman nilang babae ang ipinagbubuntis mo ipapapatay agad nila takot na takot ako nung kaya mas pinili ko na lang na manahimik at itago ka dahil ayaw kung mawala ka. Dahil ang babae sa kanila itinuturing nilang salot kung makaka-apo o anak man sila na babae hindi nila hahayaang mangyari iyon"
Habang pinapakinggan ko yung kwento niya hindi ko maiisip kung ilang sanggol na ba ang napatay ng pamilya nung totoo kung tatay dahil lang sa walang kwenta nilang paniniwala mga baliw ba sila kaya nila ginagawa iyon
"Pero bakit ngayon lang kayo nagpakita at bakit hindi niyo kasama yung tatay ko?" tanong ko ayaw ko ng magtanim pa ng galit dahil iyon ang itinuro sakin nila Mama siguro kaya itinuro nila ito para sa ganitong mangyayari
"Matagal ko na kayong hinahanap at nung nalaman ko na kung saan kayo nakatira nagdadalawang isip pa ako na puntahan kayo dahil iniisip ko na baka hindi ka pa handa para malaman ito ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na hanapin ka at kaya hindi ko kasama yung daddy mo dahil takot siyang kamuhian mo siya na ng dahil sa pamilya niya kaya ka namin hindi nakasama" sabi niya sakin
"Actually thankful pa nga po ako sa inyo na kung hindi dahil sa inyo hindi ko makikilala sila Mama at Papa minahal nila ako ng lubos at itinuring na tunay na anak hindi ko naramdaman na iba yung turing nila sakin dahil pantay lang yung turing nila samin ng kapatid ko" paliwanag ko sa kanya
"Paano nga po pa la ninyo nakilala sila Mama at Papa?" tanong ko sa kanya
"Nakilala namin sila nung daddy mo sa ibang bansa sila na din ang nagfill-up ng birth certificate mo dahil kinailangan na naming bumalik nung araw na ipanganak ka namin pero sinunod nila yung pangalan na gusto ko dahil naging magkaibigan kami ni Ate noong nasa ibang bansa pa kami dahil parehas kaming galing sa pilipinas"
Kala pa la iba yung itsura nung birth certificate ko dahil sa ibang bansa pa la ako nakaregister at kaya din pa la sinasabi ni Mama na hindi niya ako ipinanganak sa La Union. Dahil hindi din pa la siya ang nagluwal sakin sa mundong ibabaw
"Rein pwede ba kita tawagin na anak?" tanong niya sakin pumayag na din naman ako at kinuwentohan niya na ako tungkol sa tunay kung pamilya na may tatlo pa lang akong kapatid na lalaki dalawang matanda sakin at isa naman is matanda ako ng limang taon hanggang sa nagpaalam na siya samin na uuwi na daw siya at baka hinahanap na siya sa kanila pero babalik din naman daw siya bukas at dadalhin niya daw yung tatay at mga kapatid ko para daw makilala ko sila.
Nung pag-alis niya niyakap ko sila Papa at kinausap niya ako kung okay lang daw ba ako kahit na nasasaktan siya sa nangyari ngayon ako pa din ang iniisip niya
"Pa ako na lang magbabantay kay Mama umuwi ka muna doon dahil walang kasama sila Miko baka napagod na si Johanna doon kakabantay ang kulit pa naman ng dalawang iyon" sabi ko kay papa pumayag naman din siya at babalik daw siya bukas ng umaga para ako naman daw ang magpahinga
Ako na lang yung mag-isang nagbabantay kay Mama si Chloe kasi kanina ko pa pinauwi dahil alam kung pagod na siya simula pa kagabi niya ako binabantayan eh.
"Mama gigising ka pa hindi ba hindi mo pa kami iiwan di ba po?"
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...