"REIN!!" narinig ko yung boses ni Chloe
"Patay tayo ngayon Rein" bulong sakin ni Johanna dahil kasama ni Chloe sila Kuya
"Anong ginagawa mo sa kanila Rein nasisiraan ka na ba atsaka bakit ka umiiyak jan?" nagtatakang tanong ni Kuya Mark pero na natili lang akong tahimik tinanong din nila si Johanna pero hindi din siya sumagot
"Sumagot kayong dalawa kakasabi niyo lang kanina na wala ng gulong mangyayari ngayon ah tapos ano ito ngayon"
"Kuya umuwi na lang tayo please hindi ko na kaya pang makita silang dalawa na magkasama eh" sabi ko sa kanila
"Anong pinagsasabi mo jan?" tanong ni Kuya Albert
"Sinasabi mo bang kaya mo ginawa sa kanila yun dahil may relasyon kayong dalawa ni Kai? Sumagot ka Rein kung ayaw mong sabihin ko sa Mama mo itong kalokohan na pinaggagawa mo ngayon" sabi ni Kuya Mark
"Kuya tama na yan mamaya mo na lang siya kausapin para jan" sabi ni Chloe
"REIN KINAKAUSAP KITA!!" sigaw niya sakin buti na lang talaga at walang tao malapit dito kundi siguro mapapagalitan ng principal sa ginagawa namin dito
"Kuya oo na may relasyon kami walang buwan na tapos ngayon nakita ko siyang kahalikan itong malanding ito ano masaya ka na dahil nasagot ko na iyong tamong niyo na kung bakit ako umiiyak ngayon kasi nasasaktan ako na sinuway ko sila Papa ng dahil lang sa walang kwentang lalaking ito oo na sobrang tanga ko na dahil naniwala ako sa kanya. Nasasaktan ako kuya pero mas pinili niyo pang magtanong kung bakit ko ginagawa yun dahil iyon naman yung gusto nila tinulungan ko lang naman sila masama ba yun? Dapat nga matuwa pa sila dahil nakapag-ambag ako sa kalokohan nila eh. Dapat makakatanggap ako ng thank you galing sa kanila hindi ba pero bakit parang kayo sa yung galit jan okay lang ako masakit lang pero okay lang ako" sabi ko at sinampal ko ulit si Irish at Kai bago ako umalis sinundan naman ako agad ni Johanna at Chloe
Habang yung luha ko wala pa ding tigil sa pagpatak hindi ko na alam kung saan nagpunta iyong tapang ko kanina at ngayon hinang-hina ako ayaw kung umuwi ng ganito dahil malalaman lang nila Mama ito at baka lalo panglumala iyong kalagayan niya ayaw kung mangyari iyon dahil mas lalo lang akong masasaktan kung ganoon bakit ba wala na lang naidudulot na maganda itong nangyayari sakin gusto ko lang naman ng masayang buhay mahirap bang ibigay iyon. Dati naman masaya naman kaming pamilya bakit parang nasira na kami sa mga nangyayari ngayon kasalanan ko ba talaga ito ang hirap na kasi mabait naman akong anak ah bakit ganito itong nangyayari sakin.
"Rein tahan na antayin na muna natin sila Kuya Mark" sabi ni Johanna
"Sinabihan ka na kasi namin nung una na wag kang masyadong magpapaniwala sa lalaking iyon ano ka ngayon di ba kakasabi lang sayo na wag kang iiyak samin tapos ano itong nangyayari ngayon" sabi naman ni Chloe nasasaktan na nga ako papagalitan niya pa ako
"Ayan na sila Kuya tara na umayos ka ma jan" aya ni Johanna
"Sa bahay na lang muna kayo bukas na lang kayo umuwi" sabi ni Kuya Mark habang nagdadrive siya
"Pero kuya baka mag-alala sila Papa kung bakit sa inyo ako magpapalipas ng gabi ngayon" sabi ko sa kanya
"Pwede ba Rein makinig ka na lang naiirita na ako sa mga pinaggagawa mo sa buhay anong gusto mo umuwi kang ganyang iyong itsura sa tingin mo anong sasabihin sayo ng Papa mo kung makita kang ganyan" galit na sabi ni kuya Albert natahimik na lang ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganyan ang tono ng pananalita sakin
"Chloe, Johanna itext niyo na din yung mga kasama niyo sa bahay na hindi kayo makakauwi ngayon baka mag-alala pa sila kung bakit hindi kayo nakauwi ngayon" agad naman na sinunod nung dalawa natakot din siguro sa tono ni kuya kanina
Pagdating namin sa bahay nila sumalubong agad si Gian samin yung bunso kung kapatid sa tunay na pamilya.
"Ate bakit ka umiiyak? Inayaw ka ba ulit nila Kuya?" inosente niya tanong habang pinupunasan yung luha ko
"Huh hindi ah wala lang ito tara na samahan mo muna kami nila Ate Chloe at Ate Johanna mo sa kwarto" aya ko sa kanya at kakargahin ko sana siya kaya lang umangal
"Ate big boy na kaya ako kaya wag mo na akong buhatin sabi ni daddy ang bigat mo na daw eh" sabi niya kaya natawa na lang kaming tatlo nila Johanna sa sinabi niya parehas silang tatlo nila Miko at Milo ng ugali sa tuwing nakikita nila akong umiiyak
"Thank you Gian antayin mo na lang kami sa labas at magbibihis lang kami ah" sabi sa kanya ni Chloe at tumungo lang siya
"Hoy babae ayusin mo na yung mukha mo malalagot tayo sa daddy mo jan eh" sabi sakin ni Johanna at tinulak nila ako sa may CR
Pagtapos naming mag-ayos lumabas na kami para kumain kanina pa dapat kami tapos ang kaso lang itong dalawa ayaw tigilan yung mukha ko kesyo daw namumula pa iyong mata ko buti na nga lang at hindi pa tapos magluto kaya hindi namin sila napag-antay ayaw na ayaw ko pa naman na pinag-aantay yung pagkain dahil yun lagi ang turo samin ni Mama.
Nasa sala lang silang lahat habang sila kuya naglalaro ng xbox si Gian naman sinalubong niya kami sa hagdanan pagkababa namin.
"Mommy, Daddy si Ate po kanina pagdating po nila umiiyak" sabi ni Gian pagkaupo pa lang naming tatlo sa upuan
"Patay" sabay-sabay naming tatlo na bulong ayaw kasi talaga ni daddy na umiiyak ako dahil nga sa ngayon lang kami nagkasama tapos lagi pa daw akong iiyak kahit hindi naman
"Bakit daw baby?" tanong ni daddy kay Gian
"Hindi niya po sinabi tapos po nung tinanong ko siya kung sila Kuya Mark or Kuya Albert yung nang-away sa kanya hindi naman daw po"
"Wala iyon Dad nagkasagutan lang kasi kami nila Chloe kanina" sagot ko na lang dahil baka mapagalitan pa kaming lima dito
"Opo Tito alam niyo naman po si Rein iyakin di ba Johanna" sagot ni Chloe saka siniko si Johanna
"Opo Tito sagutang magkaibigan lang po iyon okay naman na po kami ngayon"
"LIAR!!" sigaw ni Gian samin aba talaga naman itong batang ito oh kung hindi ka lang cute binigwasan na kitang bata ka napaka eh ten years old pa lang kung makasabat akala mo matanda na eh
"It's true baby" sagot ni Kuya Albert
Buti na lang at tinawag na kami nung katulong nila na kumain. Kaya hindi na nasundan pa yung mga tanong nila
"Dito daw kayo matutulog Thana" sabi ni Mommy
"Opo mom sabi kasi ni kuya Mark dito daw muna kami eh bukas na lang kami uuwi tutal at tanghali pa naman yung class naming tatlo" sagot ko
"Ano bang problema niyo kanina at nagkasagutan kayong tatlo" tanong ulit ni Mommy
"Ah Tita wala lang po iyon samin na lang po yun" sagot ni Johanna
"Bakit hindi niyo ba pwede sabihin kayong dalawa alam niyo ba iyong nangyari?" tanong ni Daddy kila Kuya
"Hindi Dad eh basta pagkadating namin ni Kuya sa parking naiyak na si Rein eh" sagot ni Kuya Albert
Buti na lang at hindi na sila nagtanong pa ulit at ipinagpatuloy na namin yung pagkain.
"Hoy babae ano bang iyong nangyari kanina at ikaw pa talaga ang nagdikit sa ulo ng dalawa iyon?" tanong ni Chloe nasa kwarto na kami ngayon
"Manahimik ka na lang Chloe patulugin mo na lang yan at baka umiyak na naman yan ako na lang ang magkukwento sayo" sabi ni Johanna sa kanya kaya ayun na nahimik na lang siya tabi-tabi kami dito dahil sobrang laki netong higaan na ito king size ba naman kasya na kaming limang pamilya dito eh sobra pa nga eh
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...