This is the last chapter of my first story. Sana nag-enjoy kayong basahin ang thanks for the effort to read it.
It's been ten years simula nung namatay si Mama pagkatapos kung grumaduate umalis na ako ng pinas para magtrabaho sa company nila Mommy doon sa state at simula din nung hindi na ako umuwi ng pinas kaya hanggang video call na lang yung communication namin. Sila Chloe at Johanna may sarili ng pamilya habang ako ito single pa din hindi dahil sa ayaw ko pero may part sakin na wag muna dahil baka masaktan ka lang ulit. May mga anak na din sila at si Kai at Kenneth ganun din tapos sila Miko, Gian at Milo may mga girl friend na tinalo pa ako. Habang si Kuya Mark may pamilya na din ganun din naman si Kuya Albert. Simula naman ng umalis ako si Papa tumigil na sa pagtatrabaho para alagaan yung dalawa kung kapatid at dahil sa malalaki na din naman sila ngayon nasa iisang bahay na lang nakatira sila Papa at yung tunay kung magulang. Ako na nga lang ata yung napag-iiwanan eh dahil halos lahat sila may mga sarili ng pinagkakaabalahan habang ako ito nganga pa din yung mga bata sakin may mga asawa na sinasabi nga nila sakin na bakit daw hindi pa ako humanap na parang napakadali lang gawin para sa kanila samantalang ako hirap na hirap.
"Hoy kelan mo ba balak umuwi masyado ka ng mayaman kaya baka naman kahit bakasyon lang gawin mo" sabi ni Chloe magkavideo call kaming tatlo ngayon
"Oo nga naman Rein hindi ka na nga nakaattend sa kasal namin at binyag ng mga anak namin baka naman kahit sa birthday ng anak ko dumating ka" sabi naman ni Johanna
"Masyado pang busy yung schedule ko kaya hindi ko pa talaga alam kung kelan talaga ako babalik jan" actually nakasettle na talaga yung alis ko pauwi bukas balak ko na din na magstay muna doon kahit na isang taon man lang para kahit papaano makabawi ako sa pagkawala ko ng mahabang taon. Pero wala akong balak na ipaalam sa kanilang lahat para naman surprise ano sa tagal ko ba namang hindi nakauwi syempre namiss ko din naman sila ang daming okasyon na yung hindi ko naattendan.
"Puro ka na lang trabaho paano ka makakapag-asawa niyan puro ka payaman jan" singhal ni Chloe aba talaga naman itong buntis na ito oh oo buntis siya sa pangalawa niyang baby kaya din talaga ako nagpasya na umuwi dahil sa birthday nga ng anak ni Johanna at kabuwanan na din ni Chloe timing lang din talaga.
"Oh sige na may meeting pa ako" kahit wala naman talaga palusot ko lang sa kanila dahil uuwi na ako dahil nga mag-iimpake pa ako ng mga dadalhin ko tapos mamimili din ako ng mga ipapasalubong sa kanila
----
Pagkapasok ko ng bahay nila Mommy syempre nagulat sila dahil pagkatapos ng sampung taon makikita na ulit nila ako sa personal.
"SURPRISE!!!"
"ATE!!" tawag nung tatlo sakin at agad silang tumakbo papunta sakin na parang mga bata.
"Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka Rein ng masundo ka namin" sabi ni Papa
"Pa naman surprise nga di ba"
"Ay naku nagpagod ka lang ang dami mo pang dalawa ikaw talagang bata ka hindi ka pa din nagbabago" sabi ni Mommy sakin
"Nga pa la nasan sila Kuya hindi na ba sila pumupunta dito?"
"Weekends lang yung bisita nila dito. Hindi ka naman nagsabi na uuwi ka kaya paano sila pupunta dito" sagot ni Daddy sakin
"Magpahinga ka na muna doon at napagod ka sa biyahe" sabi ni Papa
"Wag niyo po munang sasabihin sa kanila na nandito na ako lalo na sa kanila Chloe at Johanna baka sumugod yung dalawang iyon dito mahirap na" paalala ko sa kanila agad naman silang pumayag habang yung tatlo kung ugok na kapatid nagpresentang dalhin yung mga gamit ko ang gagaling talaga
"Wag na kayong magpakabait dahil wala akong dalang pasalubong para sa inyo" biro ko sa kanila
"Ate naman ang tagal mong nawala kaya namiss ka namin" sagot ni Milo sakin aba naman akala mo naman talaga totoo
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...