Chapter 19

5 2 0
                                    

Ilang araw na lang at debut ko na mas lalo tuloy akong naeexcite kung ano yung mga mangyayari sa araw na iyon ilang beses ko na din kasi kinulit yung dalawa na sabihin sakin pero ayaw nila dahil daw pinagalitan sila ni Mama nung sinabi nila sakin na magkakaroon ako ng party kaya ngayon hindi na sila umulit pa takot din naman na mapagalitan ulit.

"Rein mag-antay ka na lang kasi tatlong araw na lang naman oh wait mo na lang" sabi ni Johanna

"Oo nga Rein baka pagsinabi na naman namin sayo mapagalitan na naman kami ni Tita ayaw ko namin na mangyari iyon baka hindi na ulit kami sabihin pa ni Tita ng sekreto" sabi naman ni Chloe

"Promise hindi ko na talaga sasabihin kay Mama dali na kasi sabihin niyo na" pagpupumilit ko pa pero ayaw talaga nila sabihin eh kaya hindi na din ako nangulit baka magalit pa sila sakin eh.

Habang nalalapit na kasi yung birthday ko wala pa din akong ginagawa dahil ayaw nila akong patulongin yung parents ni Chloe umuwi pa galing ibang bansa para lang sa birthday ko iniwan pa nila yung trabaho nila para lang sakin habang yung parent din ni Johanna ganoon din yung ginawa kahit na sobrang busy nila tinulungan pa din nila sila Mama para sa mga gagawin habang ako hindi man lang makatulong.

Nung natapos na yung klase namin ayaw pa nila akong pauwiin na dalawa pumunta daw muna kami sa Mall at may bibilhin sila takte gusto ko na ngang umuwi dahil inaantok ako.

"Ay nga pa la Rein bakit parang hindi na lumalapit si Kenneth sayo?" biglaang tanong ni Chloe hindi ko inaasahan na itatanong niya ito sakin ngayon

"Ah wala wag niyo na lang pansinin" sabi ko sa kanila

"Sige na Rein sabihin mo na curious lang kami dahil hindi na din niya kami tinetext ilang araw na" sabi naman ni Johanna

"Kasi gusto niya akong ligawan di ba nga wala pa sa isip ko yang mga ganyan kaya nireject ko siya siguro hindi niya inaasahan na sasabihin ko sa kanya iyon dahil nga sa alam niyang gusto ko siya kaya alam kung nasaktan din siya kahit ako din naman masakit din sa part ko yun pero ang sabi naman niya aantayin niya ako hanggang sa maging ready na ako" sabi ko sa kanila

"Ah kaya pa la sila Tito naman din kasi eh bakit ayaw ka pang payagan eh ang tanda mo naman na" sabi ni Johanna

"Hoy Johanna pag nagkajowa yan si Rein tingin mo ba makakasama pa natin siya ng ganito kaya okay na din na wala pa tayong kahati sa kanya ano" singhal sa kanya ni Chloe ako naman natawa na lang sa kaingayan nila mga baliw talaga

"Totoo ba iyon Rein huh na pag nagkajowa ka na iiwan mo na kami? " tanong ni Johanna sakin

"Bakiw ka ba syempre hindi wag kang magpapaniwala jan kaya Chloe baka mabaliw ka lalo eh" sabi ko sa kanya at tiningnan si Chloe na tumatawa-tawa pa lakas talaga ng amats netong babaeng ito pinagtitinginan na kami ng mga pasahero dito sa jeep dahil sa tawa niya

"Hoy mahiya ka naman ang pinagtitinginan ka na o mamaya akalain pa nila baliw ka at nakatakas ka ng mental" sabi ko sa kanya at tiningnan yung mga pasaherong nakatingin sa kanya kaya ayun nanahimik na din siya kakatawa nahiya na siguro baliw kasi.

Takte pinagloloko ata ako nung dalawang ito eh paano ba naman kasi kanina pa kami palakad-lakad pero wala pa din silang nabibili.

"Hoy kayong dalawa pinagtitripan niyo ba ako ang sabi niyo may bibilhin kayo dito kaya nga tayo nagpunta dito hindi ba" sabi ko sa kanila takte kasi eh

"Mamaya na Rein mag-ikot-ikot muna tayo" sabi ni Johanna

"Kanina pa tayo nag-iikot dito sa Mall oh alas kwatro tayo nakarating dito tapos ngayon mag-aalas syete na wala pa din kayong nabibili" reklamo ko sa kanila

"Oo na Rein saglit na lang promise tapos uuwi na tayo" sabi naman ni Chloe

"Siguraduhin mo lang ah" sabi ko sa kanila at hindi na din sila sumagot

Magnanine na ata nung pumayag na silang umuwi tapos yung bibilhin lang pa la nila ay isang pirasong lip tint takte lang di ba inabot pa kami ng ilang oras sa Mall para lang sa isang pirasong lip tint. Kakaiba din talaga trip netong dalawang ito eh buti na lang talaga at pinakain nila ako.

"Oh Rein bakit ang tagal mong umuwi ngayon?" tanong ni Mama pagkapasok ko sa bahay kakatapos lang siguro nilang kumain kaya nandito silang lahat sa may sala namin

"Sila Chloe kasi Ma nag-ayang magMall tapos yung binili lang nila isang pirasong lip tint" inis kung sabi sa kanila kaya ayun tinawanan lang nila ako ni Papa bad trip talaga.

"Kumain ka na ba? May tira pang pagkain jan" sabi ni Papa

"Opo Pa tapos na po nilibre nila akong dalawa bayad daw nila sa pagsama ko sa kanila"

"Sige na maligo ka na doon at matulog na dahil may pasok ka pa bukas" sabi ni Mama sakin nagpaalam na ako na aakayat na

-----

Bukas na yung debut ko kaya si Mama hindi ko na makausap pati sila Chloe hindi ko nga alam kung iniiwasan ba nila ako or sadyang busy lang talaga sila. Kanina nga nung sabi ko na tutulong ako pero ayaw nila akong patulungin sa hindi ko malamang dahilan.

"Ma pahinga na muna kayo kanina pa kayo pabalik-balik dito eh" sabi ko sa kanya dahil kanina pa sila pabalik-balik dito sa bahay papunta sa kanila Kami para sa mga gagamitin bukas ng gabi ito din talaga ang ayaw ko kaya ayaw kung magkaroon ng party dahil alam kung mapapagod lang sila Mama sa pag-aayos ng mga gagamitin bukas

"Mamaya na Rein malapit na din naman kaming matapos eh magluto ka na lang ng kakainin natin" bilin niya sakin at nagpatuloy na siya sa ginagawa niya kaya sumunod na lang din ako para makakain na din sila habang nagluluto ako nilapitan ako ni Kai

"Ako na jan" sabi niya sakin tumutulong din kasi siya sa pag-aayos

"Wag na kaya ko na ito. Ito na nga lang magagawa ko dahil ayaw naman din akong patulungin nila Mama sa pag-aayos" sabi ko sa kanya

"Gusto kasi ni Tita na wala kang gagawin ngayon  hanggang bukas para naman daw fresh ka daw sabi nga nila Chloe" natatawa niyang sabi

"Sinabi nila sayo yun? Baliw talaga yung dalawang iyon" natatawa ko ding tanong sa kanya

"Oo kanina kasi tinanong ko si Tita kung bakit ayaw ka niyang patulungin" sabi niya sakin at tinulongan niya ako sa pagluluto dahil tapos na din naman daw siyang magbuhat ng mga gamit para dalhin sa bahay nila.

Habang nagluluto nagkwentohan din naman kami ng kung ano-ano lang hanggang sa matapos na kaming luto at tinulungan niya din akong dalhin yung mga pagkain sa bahay nila dahil hindi naman kami kasya sa bahay kaya pinili ko na lang na dalhin ito sa bahay nila tutal at nandoon din naman sila Mama.

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon