Ang lamig na ng panahon lagi ng bumabagyo siguro dahil malapit na din magpasko isang buwan na lang at pasko na. Ilang buwan na lang din college na kami si Kenneth ayun lagi pa ding nagoaparamdam sakin kahit na hindi ko na siya pinapansin ngayon mas binibigyan ko na kasi ng pansin ngayon yung pamilya ko dahil nawawalan na ako ng time netong mga nakaraang araw sa kanila dahil sa kakaalis ko.
"Rein bumaba ka na jan at aalis na tayo" tawag sakin ni Mama pupunta daw kasi kami sa bahay ng Tita ko sa La Union ewan ko ba dito kila Mama eh wala naman din kaming gagawin doon tsaka hindi kami close ng mga pinsan ko both side ewan ko hindi ko lang talaga sila trip kausap dahil hindi naman talaga kami sabay na lumaki. Dahil bata pa lang ako lumipat na kami ng Manila pero ang sabi sakin ni Mama hindi daw talaga ako dito pinanganak sa La Union pag tinatanong ko naman siya hindi niya sinasabi kung saan basta daw hindi niya ako ipinanganak dito hindi na din ako nangulit dahil ayaw ko din na pagalitan ako.
"Opo Ma baba na ako saglit lang po" sabi at kinuha na yung gamit ko dahil nga undas wala kaming pasok sa school.
Pagdating namin doon sa bahay ng Tita ko nandun na yung lahat ng kamag-anak ni Papa sabay mauuna talaga sila dito dahil halos magkakalapit lang din naman yung bahay nila dito.
Magmamano sana ako sa isa kung Tita pero bigla niya na lang akong tinalikuran at humarap sa dalawa kung kapatid ganun din yung ginagawa ng iba pang kamag-anak ni Papa sa tuwing lalapit ako umaalis sila hindi ko nga alam kung bakit sa tuwing magkikita-kita ang buong mag-anak parang invisible lang ako na walang kumakausap o kahit tumabi lamang sakin hindi ko alam kung may galit ba sila sakin o ano eh. Nagugulohan ako kung bakit ganito yung trato nila sakin kahit yung mga pinsan ko hindi din ako kinakausap nasanay na din ako dahil halos taon-taon ganito yung trato nila sakin eh. Oo masakit pero anong magagawa ko ganun yung trato nila sakin kahit na anong gawin kung pagbabait-baitan parang hindi pa din nila ako nakikita. Dati nga pakiramdam ko sampid lang ako sa pamilya nila eh dahil sila ang saya-sayang nagkukwentohan samantalang ako ito nasa sulok lang.
"Rein hindi ka pa ba kakain?" tanong sakin ni Mama
"Mamaya na Ma busog pa ako eh" sagot ko at umalis na muna doon
Habang naglalakad-lakad ako napunta ako sa may tabing dagat malapit lang kasi yung bahay ng Tita ko sa dagat halos katapat lang. Ang sarap ng amoy ng dagat kaso ang lagkit lang sa balat.
"Oy Kath sino yun?" may narinig akong nagsalita sa gilid pagtingin ko yung isa sa pinsan at may kasama siyang babae kaibigan niya siguro
"Ah yan anak ng Tito ko sampid lang yan wag mo na lang pansinin halika na alis na tayo" sagot nung pinsan ko tapos umalis na sila
Ang sakit nung pagkasabi niyang sampid lang ako oo lagi kung naririnig yan nung bata ako pero binabaliwala ko lang kasi bata pa naman ako nun anong alam ko sa salitang sampid di ba.
Pero ngayon na narinig ko ulit yan ang sakit kasi kahit na lagi ko naririnig yung salitang iyan iba pa din pag alam mo na yung ibig sabihin eh tapos sa pinsan mo pa nanggaling tapos sinabi niya pa sa kaibigan niya so anong mararamdaman mo pag narinig mo yung ganoong salita kaya ito din yung dahilan kung bakit ayaw kung sumama dito eh dahil mamaliitin lang nila ako na kahit na may awards akong nakukuha sa school para wala lang samantalang yung mga anak ng Tita ko wala naman nakukuhang kahit best lang pero napapansin pa din nila. Oo hindi ako matalino pero hindi ko hinahayaan na bumaba yung grades ko at hindi ako makuha kahit na achiever man lang okay na ako basta may makuha akong awards.
Dati nga narinig ko nung una na nag-uusap yung mga Tita ko pag wala sila Mama at Papa sinabi nila na bakit daw dinadala pa ako nila Mama dito eh hindi naman daw ako parte ng pamilyang ito. Tapos nung nalaman yun ni Mama inaway niya sila Tita at umuwi agad kami nun iyak ako ng iyak nun.
Ganun din sa side sila Mama ganun din ang trato sakin ibang-iba talaga ang trato nila samin nung dalawa kung kapatid kesa sakin dahil sa kanila Miko ramdam mo talagang part sila ng pamilya habang sakin naman ni tingin wala kang makukuha galing sa kanila.
Habang naglalakad-lakad ako tunog yung cellphone ko pagtingin ko si Chloe lang pa la yung natawag.
"Oh bakit?" tanong ko
"Ayos ka lang ba jan?" tanong niya alam kasi nila kung ano yung trato sakin ng pamilya ng Tatay at Nanay ko sakin.
"Oo naman bakit ka napatawag?" sabi ko ayaw ko na kasing pag-alalahin pa sila eh
"Wala naman na ngangamusta lang bakit masama ba" sabi niya
"Ay Rein kelan kayo babalik?" tanong ni Johanna sa kabilang linya magkasama na naman yung dalawang kupal
"Bukas pa bakit mo na tanong miss mo na agad ako" sabi ko sa kanya
"Yuck kadiri Rein ah" aba siya oa talaga ang nandiri ah
"Pero bakit mo nga natanong anong meron?" tanong ko sa kanila
"Uhmm si Kenneth kasi hinahanap ka kagabi pa daw siya nagcha-chat sayo hindi ka naman daw nagrereply ni hindi mo nga daw sineen yung message niya eh" sabi ni Chloe
"Bakit kasi ayaw pang ibigay yung number mo sa kanya" sabi naman ni Johanna
Ayaw ko kasing ibigay yung number ko kay Kenneth paano ba naman kasi ang kulit niya parati hindi naman siya ganun dati dapat talaga hindi na siya bumalik eh.
"O bakit niya daw ako hinahanap?" tanong ko pa
"Wala lang gusto ka lang niya yayain na magdate" sabi nilang dalawa at nagtititili pa takte ang sakit sa tenga nun feeling ko tuloy basag na yung eardrum ko dahil sa pagtili nilang dalawa
"Ah ganun ba sige" sabi ko at binaba na yung tawag baka mangulit na naman eh at magtanong pa ng magtanong mahirap na
Nung binuksan ko yung account ko ang dami niya ngang message sakin siya lang talaga ang may lakas ng loob na pasabogin yung message ko ng ganito pwera doon sa mga followers ko na sobrang kulit din na message ng message sakin na kami na daw ni Kenneth dahil nakita lang nila kaming magkasama ganun parang mga timang lang nagsama lang magjowa na iba na talaga yung mga tingin ng tao eh nuh.
Binabasa ko yung mga message ni Kenneth nabobored lang ako paano ba naman kahit na hindi ako magreply aba send pa din ng send paulit-ulit pa.
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...