"Rein kumusta na si Tita?" Tanong ni Johanna
"Ayun sobrang lala na ng sakit niya at bumibigay na din yung katawan niya"
"Hindi na ba talaga tinatanggap ng katawan niya yung mga gamot?" Tanong naman ni Chloe
"Yun nga yung pinoproblema namin ni Papa ngayon dahil daw baka bumigay na yung katawan ni Mama at iwan niya na kami hindi ko kakayanin yun kung hindi nga siguro dahil sa pera nila mommy baka matagal ng wala si Mama buti na lang talaga at tinulungan nila kami dahil sa sobrang laki ng bayaran sa hospital lalo na at tatlong buwan na si Mama doon" sabi ko sa kanila hindi ko namalayan na tumutulo na pa la yung luha ko ang hirap na kasi nung nangyayari samin eh yung mga kapatid ko ayaw ng pumasok dahil gusto nilang lagi silang nasa hospital pero hindi naman pwede iyon dahil baka mas lalo lang malungkot si Mama pag nangyari yung.
Habang si Papa naman hindi na nagtatrabaho dahil sa inaalagaan niya si Mama parati sa hospital nagsasalitan lang kami uuwi siya pag nandyan na ako para siya naman ang magpahinga halos wala ako sa sarili ko parati dahil sa inaalala ko siya parati yung totoo ko namang magulang minsan sila yung nagbabantay kay Mama sa tuwing may oras sila dahil may sarili din naman silang negosyo na dapat alalahanin.
"Anong oras ka pupunta ng hospital ngayon? Samahan ka na namin na magbantay tutal at wala naman na kaming mga gagawing school requirements eh para habang gumagawa ka kami na muna yung magbabantay kay Tita dahil wala ka pang nasisimulan hanggang ngayon parati ka na lang late kung magpasa" sabi ni Chloe ganito sila palagi pag wala na silang gagawin nagpipresenta sila na muna ang mag-alaga kay Mama para daw makapagpahinga naman daw ako at magawa ko yung mga requirements ko sa school simula kasi nung naospital si Mama napabayaan ko na yung pag-aaral ko dahil may inuuna ko siya. Kaya sa tuwing may activity or mga project kami lagi akong late kung makagawa habang sila naman tinutulongan ako minsan nga sila na yung nagawa eh or di kaya sila Kuya.
"Mamaya pagtapos ng klase ko pupunta na agad ako para makauwi na si Papa hindi kasi ako nakapunta kagabi hindi ba dahil nilalagnat si Milo"
"Oh sige maaga isang subject na lang naman yung itetake ko at halos sabay lang din naman matatapos yung class niyo ni Johanna kaya aantayin ko na lang kayo"
"Sige una na ako malapit na din magstart yung class ko eh" paalam ko sa kanila
Gaya nga ng napag-usapan namin kanina nag-antay sila sakin kasama na din nila sila Kuya.
"Kanina pa kayo?"
"Kakarating lang din namin tara na" sagot ni Johanna magkasabay lang siguro silang dumating nila Kuya dahil nakatuxedo pa silang dalawa dumeretso lang ata sila dito pagkatapos ng trabaho nila
"Uhm Rein tumawag si Tito kanina" nag-aalangan pa si Chloe na sabihin sakin
"Oh bakit daw?"
"Kuya, Johanna kayo na magsabi" sabi ni Chloe sa kanila Kuya at Johanna
"Parang kayong baliw nagtutulakan pa kayo jan ano ba kasi iyon at bakit hindi niyo masabi sabi"
"Tara na muna sa sasakyan ng makaalis na tayo" sabi ni Kuya Mark hindi ko alam kung bakit yung mga mukha nila ang lulungkot may nangyari ba na hindi ko alam ay ewan bahala na nga sila jan
Habang nagdadrive si Kuya Mark papuntang nasabi na nila sakin yung nangyari na wala na daw si Mama yun daw yung itinatawag ni Papa kanina sa kay Chloe. Syempre ako hindi naniwala dahil hindi pa pwedeng mangyari iyon ayaw ko pang mawala samin si Mama ni hindi ko pa nga nasabi na mahal na mahal ko siya. Kaya hindi pa talaga siya pwedeng mawala
Pagdating namin sa hospital agad akong bumaba para hanapin sila Papa. Nakita ko na lang si Papa kasama sila Miko at Milo na umiiyak habang sila Mommy at Daddy naman inaalayan silang tatlo
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...