Chapter 20

5 2 0
                                    

Ito na yung araw na pinakainaantay nila Chloe at Mama kita mo talaga sa kanila yung excitement sila Chloe din ang nagayos ng mga gagamitin ko habang sila Tita naman nagdala ng make up artist para samin hindi ko nga alam kung paano ko sila pasasalamatan dahil sa lahat ng tulong nila samin para lang sa debut ko simula pa kagahapon sila hindi magkanda-ugaga sa paghahanda para sa debut ko.

"Ayan okay na magbihis ka na Rein ah at bababa na kami" sabi ni Chloe at iniwan na nila ako dito sa guest room ng bahay nila Kai kinakabahan ako dahil hindi ko talaga alam kung sino-sino yung mga tao sa labas dahil kahit invitation hindi ko man lang nahawakan ni sulyap nga hindi ko nagawa eh.

Nung natapos na akong magbihis narinig kung may kumakatok ng pinto kaya agad kung binuksan at nakita kung si Kai lang pa la. Anong ginagawa neto dito

"Ready ka na ba?" tanong niya sakin

"Uhmm Oo bakit?" tanong ko sa kanya

"Tara na" ayaw niya sakin pero bakit

"Bakit?"

"Ay oo nga pa la hindi mo alam ako yung magiging escort mo ngayon gabi" sabi niya sakin at inilahad na yung kamay niya

Tinanggap ko na lang para makababa na kami at para naman hindi na mag-antay ng matagal yung mga tao doon na hindi ko naman alam kung sino sila.

Nung nag-umpisa na yung party sinimulan muna ng MC yung 18 gifts na halos mga kaklase ko lang din naman na hindi ko kaclose konting batian lang tapos picture dito picture doon pakikipagplastikan lang ganun.

Nung 18 candles na yung mga kamag-anak ko lang din naman na puro pakitang tao lang yung alam pero pag nakatalikod na mga demonyo pa la. Haysssst kelan ba matatapos ito oh. At sumunod na is yung 18 wishes na galing sa ibang mga followers ko napaulit-ulit din lang din ang narinig ko pero nung si Chloe na yung nagsalita

"Uhmm bitch hindi ko talaga alam ang iwiwish ko sayo dahil wala ka namang ibang gusto kung hindi ang makasama lang yung mga taong mahal mo kaya ito na lang ang sasabihin ko na sana maging matatag ka sa mga mangyayati sa future dahil hindi natin alam kung anong mangyayari di ba i love you bitch" naiiyak niya akong nikayap kaya naiyak na din tuloy ako

"Bitch legal age pero hindi ibig sabihin nung na legal ka na din na magjowa dahil baka magkatotoo yung sinabi ni Chloe sakin nung nakaraan nung nag-usap tayo tungkol dito na baka pag nagkajowa ka iiwan mo na kami ayaw kung mangyari yun kaya thankful ako kaya Tito na pinagbawalan ka niya magjowa pero ang wish ko sayo sana makapasa tayong tatlo sa university na papasokan natin for college and sana lagi kang masaya hayaan mo na yung iba jan na wala namang ibang gawin kundi ang siraan ka yan tuloy naiiyak na ako si Chloe kasi eh" sisi niya kaya Chloe kaya natawa ako sa kanya at niyakap niya din ako

Nung si Mama na yung magsasalita nakikita ko na naiiyak siya.

"Rein anak sana maging matatag ka at sana ipagpatuloy mo lang yang pagiging mabait at mapagmahal mong puso. Sana matupad mo lahat ng pangarap mo alam naman namin na kahit anong pagsubok man yung dumating sa buhay mo malalagpasan at malalagpasan mo yan mahal na mahal ka namin ng Papa mo at ng kapatid mo lalo na ng mga kaibigan mo" sabi niya sakin naiiyak na din tuloy ako sa sinabi ni Mama lalo na nung niyakap niya ako.

Natapos na yung 18 yellow bills at blue kaya nagpasya muna yung MC na kumain muna dahil baka daw napapagod na ako at gutom na din yung mga guest

Habang kumakain sila pinagspeech ako nung MC kaya tumayo na ako. Para ipahayag itong nararamdaman ko ngayon.

"Uhmm good evening everyone i just want to say thank you to all of you dahil nag-abala pa talaga kayong pumunta dito sa debut ko and thank you dahil kahit na busy kayo nakapunta pa din kayo. Sana lang at nagustohan niyo itong gabing ito at sana nag-enjoy kayo sa pagpunta sa event na ito. At gusto ko din pasalamatan yung mga tanong laging nandyan para gabayan at suportahan ako sa lahat ng gagawin ko sa buhay ko at yung mga tanong naniniwala sakin at lalong lalo na sa kaibigan at pamilya ko na nandyan palagi sa tabi ko. And Kai thank you dahil pumayag ka na dito ganapin ang pagdiriwang na ito at sa pagiging escort ko ngayon gabi. And Tita Ana, Tita Mae, Tito Edward at Tito Steve thank you din po dahil inuna niyo pa po itong debut ko kesa sa mga trabaho niyo mas pinagbigyan niyo pa ata ng pansin itong araw na ito kesa sa trabaho niyo eh kaya thank you po talaga ng marami dahil tinukungan niyo po sila Mama para mangyari ang party na ito." Sabi ko at suminyas lang sila na walang anuman

"At sa mga magulang ko na lagi akong ginagabayan thank you po Mama and Papa dahil kahit na ayaw kung magpaparty ibinigay niyo pa din po ito sakin at sorry po kung napagod kayo sa kakahanda para dito ito na po talaga ang pinakamagandang natanggap ko galing sa inyo maliban sa pagmamahal na ipinaramdam niyo sakin araw-araw. At sa dalawa kung best friend na walang ibang ginawa kung hindi ay tulungan at damayan ako parati sa tuwing may problema ako na kahit minsan ang sakit nila sa ulo dahil sa sobrang kulit mahal na mahal ko pa din sila kaya maraming salamat sa inyong lahat" at tinapos ko na yung speech ko dahil ayaw ko namang maiyak sayang yung make up ko ano.

Nung inannounce na ng MC na 18 roses na inalalayan akong tumayo ni Kai para dahil sa gitna. Sa may garden kasi ginanap yung debut ko then nilagyan nila yung buong pool ng salamin na hindi ko alam kung saan galing dahil ngayon ko lang din ito nakita.

Si Papa yung first dance ko tapos sumunod naman yung kapatid ko hanggang sa nagsunod-sunod na then nung 15 roses na nakita ko si Kenneth na palapit sakin sheeeems hindi ko pa alam kung paano ko siya haharapin sa ngayon dahil ito yung unang beses na nagkita ulit kami simula nung binusted ko siya.

"Uhmm sorry nga pa la doon sa nangyari nung mga nadaang linggo" panimula ko

"Wala yun kasalanan ko din naman iyon eh kaya okay na ako" sabi niya sakin hanggang sa naging magaan na yung pag-uusap namin

Si Kai naman yung sumunod sa kanya takte akala ko siya yung magiging last dance ko hindi pa la.

Tapos nung 17 roses na nagulat ako ng nilahad ni Paolo sakin yung kamay niya hindi ko sinaasahan na makikita ko siya sa mismong debut ko dahil hindi naman kami close at lalong hindi na kami nagkikita dahil nga sa lumipat na siya ng school feeling ko tuloy ang naiilang siya sakin habang isinasayaw niya ako ngayon

"Oh bakit parang ang tensed mo ata jan easy ka lang matatapos na din ito" bulong niya sakin na ngumingiti pa. Sheeeems mga bitch ang bango niya mas mabango pa siya doon sa dalawang K tapos ang husky pa ng boses niya bakit naman kasi lumipat lipat pa siya ng school eh.

"Ehem baka pwedeng ako naman" rinig kung sabi ni Papa nagtawanan tuloy yung ibang guest sa sinabi ni Papa ang lakas ba naman ng pagkakasabi niya

"Ay grabe si Daddy ang protective ah. Siya na yung first dance siya pa din yung last dance" sabi ng MC na tumatawa-tawa ngayon

Ibinigay din naman ni Paolo yung kamay ko kaya Papa at agad ding umalis

"Oh bakit tuwang-tuwa ka jan" masungit na sabi sakin ni Papa natawa na lang din tuloy ako.

At nung natapos na yung party nagbihis na din ako para tumulong sa pagliligpit ng mga gamit yung parents nila Chloe umuwi na habang sila naman nagpaiwan dito para tumulong at tingnan yung mga natanggap kung regalo mga baliw talaga kahit na pagod na sila tutulong pa din talaga sila.

At dahil nga sa pagod na din ang lahat ipinagpabukas na lang namin yung paglilinis tutal wala namang pasok dahil sabado bukas at sa linggo pahinga para pagkalunes full charge na.

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon