Chapter 22

15 3 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas simula ng pagbawalan ako ni Mama na lumabas ng bahay nung mga panahon na yun ang lagi ko lang tinatambayan ay ang bahay ni James kasi naman pag sakanila Chloe ako pupunta hindi ako pinapayagan ni Mama ang weird nga eh pero pag dun sa bahay nung lalaking yun okay lang kay Mama

Nung pagtapos nga nungvgraduation ko nag-aya agad sila Mama na umuwi eh tapos nagpadeliver na lang kami ng pagkain bilang handa na din para sa akin.

Nung mga araw na nandun ako sa bahay niya mas naging close na kami sa isa't isa alam na niya yung mga ayaw at gusto ko at yung mga kinakatakutan ko ganun din sa kanya din alam ko na kung ano ang ayaw at gusto niya pero ang hindi ko pa din talaga alam ay kung bakit lagi siyang nakahood pag lumalabas ng bahay niya dahil ayaw niya pa ding ipaalam kung bakit siya ganun.

Para na nga kaming magkapatid sa sobrang close namin eh minsan na lang din kasi ako pinupuntahan nila Chloe dito sa bahay miss ko na ng sila eh sila Mama kasi eh ayaw pa akong papuntahin doon sa kanila. Hindi niya naman sinasabi sakin kung bakit ang lagi niya lang sinasabi na makinig ako sa kanya.

Ngayon ako lang ang mag-isa dito sa bahay dahil umalis sila Mama may pupuntahan lang daw sila gusto nga nila akong isama kaya lang sabi ko maglilinis na lang ako ng bahay.

Habang naglilinis ako dito sa kwarto nila may nakita akong envelope sa ilalim ng kama nila kaya agad ko itong kinuha at tiningnan.

Bakit nandito yung picture nung babae na pumunta dito nung nakaraang buwan sa bahay at ako itong hawak niyang baby ah sino kaya itong babae na ito.

Tapos tiningnan ko pa yung ibang laman ng envelope may nakita akong papel na nakatupi kaya agad ko iyong binuksan at may sulat na nakalagay.

Ano kaya ito at bakit para sobrang luma naman na neto.

Nung binasa ko na yung nakasulat nagulat ako paano nagawa nila Mama ito sakin? Akala ko ba mahal nila ako bakit nila ako niloko.

"REIN NASAN KA?!" rinig kung sigaw nila Chloe hindi ko siguro nasarado yung pinto kanina nung lumabas ako

Nung nakita nila ako agad nila akong inalalayan dahil para na akong matutumba dahil sa nalaman ko

"Rein anong nangyari sayo bakit ka umiiyak?" tanong ni Johanna

"Ano yang hawak mo patingin nga" sabi ni Chloe at kinuha sakin yung papel

"Ate Marites kayo na po ang bahala ni Kuya Nicholas sa anak ko at wag niyo po sana siya pabayaan palakihin niyo po siya ng maayos nagmamakaawa po ako sa inyo Ate ingatan niyo po ang anak ko balang araw hahanapin ko po kayo kaya sana po alagaan niyo at ituring niyo ng anak si Rein maraming salamat po sana po pagbigyan niyo ako -Cristine" basa ni Chloe doon sa sulat

"Sinong Cristine at bakit sinasabi dito na anak ka daw niya anong ibig sabihin neto?" tanong ni Johanna habang ako hindi pa din matigil sa pag iyak sinahaman lang nila ako buong araw hanggang sa nakatulog ako hindi pa din nila ako iniwan kahit na sinabi ko sa kanila na okay na ako hindi pa din nila ako pinakinggan.

Kinabukasan nagising na lang ako na nasa tabi ko pa din silang dalawa at himbing na himbing sa pagtulog late na siguro silang nakatulog kagabi kaya tulog pa din sila ngayon.

Kinuha ko yung sulat na nakita ko kagahapon para itanong sa kanila Mama kung anong ibig sabihin neto dahil ayaw kung magmukhang tanga mahal na mahal ko sila tapos ito lang ang igaganti nila sakin na magsisinungaling sila all this years pinaniwala nila akong totoo nila anak tapos malalaman ko na lang out of the blue hindi pala talaga nila ako anak.

Pagbaba ko nakita ko sila na kumakain.

"Oh Rein nasan sila Chloe at Johanna hindi pa ba gising?" tanong ni Mama sakin hindi ko pinansin yung tanong niya at agad kung inilapag sa mesa yung sulat nagulat sila nung makita nila iyon

"Saan mo nakuha ito Rein?" tanong ni Papa

"Hindi na importante iyon pa ang importante sakin ngayon ay malaman kung anong ibig sabihin ng sulat na yan na kaya ba kayo nagkakaganito dahil doon sa babaeng iyon? Ha Ma, Pa bakit hindi niyo sinabi sakin umpisa pa lang na ampon niyo lang pa la ako bakit mas pinaniwala niyo pa sakin na totoong anak niyo ako okay lang naman kung sabihin niyong ampon ako eh pero bakit hindi niyo sinabi sakin?" sabi ko sa kanila at nag-umpisa na namang tumulo yung mga luha ko shit akala ko nailabas ko na lahat ng luha ko kagahapon may natira pa pala

"Rein anak makinig ka muna samin ng Papa mo sasabihin naman namin sayo yung totoo pero masyado ka pang bata noon para isipin iyon kaya hindi namin masabi-sabi sayo dahil ayaw naming mawala ka samin" sabi ni mama

"Pero bakit pinatagal niyo pa Ma ang sakit dito oh na itinuring niyo akong anak kahit na hindi naman talaga samantalang yung totoo kung magulang ipinamigay lang ako"

"Rein wag mong sasabihin yan sa mga magulang mo may dahilan sila kung bakit nila ginawa iyon" sabi sakin ni Papa

"May dahilan ba Pa na yung sarili mong anak ipapamigay mo na lang ng basta napakawala naman nilang silbi bakit pa nila ako ginawa kung ipapamigay lang din pa la nila ako?"

"Rein makinig ka samin hindi ka pinamigay ng magulang mo----"

"Hindi ako pinamigay kaya pa la kayo ang kasama ko ngayon at hindi sila anong tawag dito kung ganoon"

"Rein huminahon ka pakinggan mo na muna sila Tita okay" hindi ko na malayan na nandito na pa la sila Chloe narinig siguro nilang nagtatalo kami kaya sila bumaba at inawat ako

"Johanna pwede bang iakyat mo muna sila Miko sandali" sabi ni Mama kay Johanna at agad naman sinunod ni Johanna

"Okay makikinig ako Ma, Pa anong ba talagang nangyari at napunta ako sa inyo wala naman akong galit sa inyo eh mas galit pa nga ako sa sarili ko dahil sa nalaman kung ito pero anong magagawa ko nasasaktan ako sa nangyari sakin at gusto kung malaman yung totoo kung bakit ako ibinigay sa inyo ng totoo kung magulang at kung ano yung walang kwentanh dahilan nila para gawin nila ito sa anak nila. Dahil para akong tanga kakaisip kung ano ba talagang nangyari at nagawa nila itong bagay na ito sakin ----" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may nagdoor bell

"Ako na po tita saglit lang po" sabi ni Chloe pero nung nakabalik siya para siyang nakakita ng multo

"Bakit ganyan yung itsura mo Chloe sino ba yung nasa labas?" tanong ni Papa

"T-t-tita, Tito at Rein wag sana kayong mabibigla kasi po yung babae sa picture nandito" sabi niya

"Good timing nandito sila hindi niyo na kailangan pang magpaliwanag Ma, Pa dahil nandito naman na siya" sabi ko at tumayo na para papasukin yung bisita nga ba kung tatawagin

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon