Paano ba naman yung mga chat nga ganito
Kenneth:
Good morning my sunshine
Una pa lang nakakasuka na ewan ko ba bakit ko nagustohan itong lalaking ito eh.
Kenneth:
Kumain na ka na?
Good night and sweet dreams
Wag kang magpupuyat masama yan sa kasulugan
Hindi ka man lang ba magrereply?
Pansinin mo naman ako oh
Please number mo ibigay mo na
Takte di ba nakakainis lang kahit sini yata maiinis kung ganyan makikita mo eh.
Kenneth:
Labas tayo pagbalik mo susunduin kita sa inyo
6 pm susunduin kita nakarating naman na siguro kayo ng mga oras na yan hindi ba?
Response naman Rein miss na kita
Dito lang ata ako sa chat niya ito kinilig sheems feeling ko gusto niya na din ako. Pero malabong mangyari yun dahil kahit na magustohan niya ako ayaw kung sirain yung pangako ko kila Mama na tsaka na ako magbo-boy friend pag tapos na ako ng College dahil yun na lang din naman ang hindi ko kayang bitawan sa kanila kapalit ng pag-aalaga nila sakin.
Kaya hanggang crush lang muna yung sakin ngayon kung mahal ka naman kasi ng isang tao kahit na gaano pa yan katagal maghihintay at maghihintay yan sayo yung hindi ka pipilitin sa gusto mo na pag sinabing mong hindi pwede aantayin ka niya. Dahil once na napatunayan niya na kaya niya pa lang antayin ka hindi ka na magwoworry pa para sa future niyo dahil alam mo talagang mahal ka niya.
Me:
Okay
Reply ko sa kanya okay na din naman na kahit na magkita lang kami basta walang label okay na sakin hindi ko naman din gusto na magustohan niya ako ang sakin lang naman masaya na ako na kahit ganito lang kami atleast may connection kami sa isa't isa.
Pagbalik ko sa bahay ng Tita ko kumain na din ako atsaka para hindi na din ako kumain mamaya ayaw ko din naman na silang sabay-sabay na kumain eh dahil sila lang din naman ang nag-eenjoy samantalang ako nganga lang kaya mas gugustohin ko na lang na matulog ng maaga.
-----
Hapon na din nung nakarating kami sa bahay dahil tanghali na din kami umalis ng La Union. Sinabihan ko na din si Kenneth na baka hindi kami matuloy dahil sa baka anong oras na nga kami makauwi at nakakapagod din sa biyahe okay lang naman daw sa kanya dahil may susunod pa naman daw mas importante daw yung health ko kesa sa date namin. Kaya ang sabi ko sa kanya na babawi na lang ako.
Pagkatapos kung malinis ng katawan nakatulog agad ako.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil din sa aga kung nakatulog kagahapon hindi na nga ako nakakain ng hapunan kaya ngayon gutom na gutom ako buti na lang at may iniwan sila Mama na pagkain sakin umalis kasi sila ngayon nakalimutan ko nga lang kung saan sila pumunta ngayon dahil hindi naman din ako interesado doon. Dahil may usapan kami nila Chloe na bago magcontinue yung klase gagala kami at dahil sabado din ngayon at sa lunes na yung balik ng klase ngayon namin napagpasyahan na umalis timing din na wala sila mama at yung mga kapatid ko kaya free ako ngayon na gumala-gala dahil wala akong babantayan.
"REIN!!" grabe ang aga naman nila
Pinagbuksan sila ng pinto dahil baka magising pa yung mga kapitbahay namin sa ingay nila.
"Grabe bat ang aga niyo?" tanong ko sa kanila dahil himala si Johanna ang aga ngayon
"Wala lang may pagkain ka ba jan?" tanong ni Chloe takte ang aga-agang pumunta dito para makikain.
"Oo kaso konti lang ito hindi ba kayo kumain sa inyo?" tanong ko sa kanila
"Ito kasing si Johanna ang aga-aga akong binulabog sa bahay kesyo daw excited siya lintek na babaeng ito hindi tuloy ako nakakain" reklamo ni Chloe
"Eh kasi naman ang aga pa la nung alarm ko ayaw ko namang mag-antay ng matagal kaya pinuntahan kita" sabi naman ni Johanna
"Ang ingay niyo saglit lang magpiprito na lang ako ng itlog para madali buti na lang at marami pang kanin" sabi ko sa kanila tsaka pumunta na ng kusina.
Pagkatapos kung mag-ayos lumakad na din kami sa Laguna kasi nila balak pumunta dahil nga sa wala ng Star City kaya sa E.K na lang dahil wala namang ibang theme park ayaw naman namin sa sky ranch tagaytay dahil hindi mo din masasakyan lahat ng rides dun oo nga maganda yung view pero rides kasi hanap namin eh.
Pagdating namin ng E.K ang daming tao undas ngayon ah kaya nga ngayon namin napili na pumunta kasi akala namin konti lang yun tao hindi din pa la.
"Ano ba yan paano natin masasakyan lahat ng rides dito kung ganito yung pila sa mga rides" reklamo ni Johanna nawala tuloy yung excitement niya kanina nung nakita niya na maraming tao
"Hayaan niyo na nandito na din naman tayo eh para namang hindi na tayo ulit babalik dito" sabi ni Chloe samin sabagay tama siya
"Tama ang gawin na lang natin ay mag-enjoy kaya umayos ka na jan Johanna" sabi ko sa kanya
Nakailang rides na ata kami bago kami nagpasya na lumabas muna para kumain dahil mahal nga yung pagkain sa loob ng E.K kaya mas pinili na lang namin na lumabas dahil baka pag sa loob kami kumain hindi na kami makakauwi pa.
Habang kumakain kami si Chloe hindi niya mabitawan yung cellphone niya ewan ko ba dito kanina pa ito eh.
"Hoy babae kumain ka na nga muna jan mamaya ka na magcellphone" sita sa kanya ni Johanna napansin niya na ata na kanina pa titig na titig si Chloe sa cellphone niya
"Oo na may nireplyan ko lang naman yung nagtext eh" sabi pa niya
"Bakit sino ba yung nagtext at kanina mo pa hindi mabitawan yung phone mo?" tanong ko sa kanya
"Mamaya na surprise na lang yun" sabi niya samin hindi na din naman kami nangulit pa dahil sa gutom na din naman kami
Babalik na sana kami kaso lang sabi ni Chloe maya-maya na lang daw muna nagtaka naman kami ni Johanna kasi ano namang gagawin namin dito tapos ang init pa.
"May inaantay ba tayo dito Chloe sa loob na lang natin antayin ang init dito oh" reklamo ni Johanna napakareklamador talaga netong babaeng ito kahit kelan
"Saglit na lang malapit na daw siya" sabi niya samin
"Ewan ko sayo" sagot naman ni Chloe
"Oh ayan na pa la siya eh" sabi niya samin sabay turo sa paparating na sasakyan wait lang bakit parang pamilyar sakin itong sasakyan na ito
"Sasakyan nila Kenneth yan di ba?" tanong ni Johanna oo nga tama kaya pa la pamilyar eh
"Anong ginagawa niyan dito at bakit natin siya inantay?" tanong ko kay Chloe so si Kenneth pa la yung kanina niya pa katext lintek talaga na babae ito oh
"Yes siya yung sinasabi kung surprise sa inyo kanina" sagot niya samin na tuwang-tuwa pa problema netong babaeng ito
"Kaya Rein wait mo siya jan ah at papasok na kami" sabi niya sakin at hinila na si Johanna papasok
"Hoy sandali lang" takte talaga nung babaeng iyon hahabulin ko sana ang kaso lang tinawag ako ni Kenneth kaya wala akong choice kung hindi tumigil na lang
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...