Pagkatapos naming magkwentohang tatlo at kumain nung niluto nila ay umuwi na agad ako dahil may gagawin pa ako at tsaka pinauwi na din ako ni mama dahil takte bibisitahin ko na naman yung kupal na yun takte talaga
"Johanna samahan mo na kasi ako saglit lang naman tayo doon eh" takteng babaeng ito kanina ko pa pinipilit na samahan ako dun sa kupal na yun eh
"Ayaw ko nga Rein uuwi na din ako eh"
"Ang ingay niyong dalawa halika na nga tatlo tayong pumunta doon" buti pa itong si Chloe badtrip kasi itong Johanna na ito eh
"Oo nga tara na baka magbago pa itong isip ni Chloe" pagkatapos kung sabihin yun hinila ko na agad silang dalawa palabas ng gate kasi naman kung di mo hihilain baka magbago yung isip takte ayaw ko ngang umuwi mag-isa gabi pa naman na
"Takte naman Rein dahan-dahan naman" reklamo ni Johanna takte manahimik siya jan nababadtrip pa man din ako sa kanya
Pagkadating namin sa sakayan agad kung tinulak yung dalawa sa jeep takte ang aarte kasi eh.
"Takte umayos na kayo dali"
"Takte Rein dapat pa la di na ako sumama" Takte ito na nga ba yung sinasabi ko eh magbabago talaga itong isip ni Chloe
"Kaya nga ikaw kasi Chloe eh" isa pa itong kupal na Johanna na ito
Napakareklamador talaga netong Johanna na ito eh
"Dali na malay mo matempohan natin yung kaibigan ni Kai di ba" sabi ko sa kanila kaya ayun tumigil na din kakareklamo hanggang sa nakarating na kami sa bahay ni Freak.
"Seryuso ka ba talaga dito Rein ngayon pa lang kami makakapasok dito oh" nag-aalingan na sabi ni Chloe
"Syempre naman wala naman tayong gagawin dito eh iche-check lang natin kung buhay pa ba siya" sabi ko sa kanila hindi ko din kasi maintindihan si Mama eh uutosan lang akong pumunta dito para tingna na siya hello may mga katulong kaya siya kaya dapat hindi ko na siya tingnan pa ano siya bata para palaging bantayan role ko na talaga ito tuwing walang pasok.
"Oh sige na tara na pumasok na tayo para makauwi na din kami ni Chloe"
So ayun na nga pumasok na kami habang ako papunta sa kwarto ni Freak sila naman nag-ikot-ikot sa loob na mangha-mangha pa
"Kai nandyan ka ba?" tanong ko habang kinakatok yung pinto ng kwarto niya
Takte mukhang wala na naman ata ngayon yung lalaking iyon ah bad trip naman oh ayaw ko ng bumalik mamaya eh. Lagi na lang ganito tuwing pupunta ako hindi ko siya nahahagilap kung saan-saan kasi nagsusuot eh.
Bumaba na lang ako at hinanap sila Chloe bad trip din yung dalawang iyon mamaya iniwan na nila ako dito eh. Tapos yun nakita ko sila doon sa may pool oo may swimming pool yung freak na yun sa bahay nila ewan ko nga eh bakit hindi na lang siya sa subdivision tumira eh mas maayos naman dun kesa dito. Itong bahay lang kasi niya yung makikita mong malaki dito sa may kanto namin actually hindi lang samin eh halos buong baranggay ata dito sa part namin eh sakto lang yung laki ng bahay dahil yung ibang mape-pera nagsilipatan na.
"Hoy anong ginagawa niyo jan?" tanong ko sa kanila
"Takte Rein hindi mo naman sinabi na may swimming pool dito. Baka naman pwede nating gamitin ito minsan"sabi ni Chloe ang kapal talaga netong babaeng ito
"Wow ha samin ba yan at kung makapagrequest ka ganun ganun na lang eh hindi ko nga alam kung malinis ba yan eh o kung ginagamit niya ba yan" sabi ko sa kanya baliw kasi
"Duh Rein pwede ka naman sigurong magpaalam sa may-ari di ba? Atsaka malay mo pumayag" isa pa itong Johanna na ito ni kanina nga ayaw pa akong samahan tapos ngayon nakita lang yung pool kung ano-ano na yung pinagsasabi
"Ewan ko sa inyo hayaan niyo pag dumating mamaya magpaalam kayo" sabi ko sa kanila
"Bakit kami eh hindi naman kami kilala nun eh"
"Bahala kayo kasi di ba sabi niyo baka pumayag so magpaalam kayo"
Takte napakatagal naman ng lalaking yun umuwi ilang oras na kaming nag-aantay dito paano ba naman kasi itong dalawang ito ayaw akong tingilan kanina sa pangungulit na magpaalam na ipagamit samin yung pool kaya ayun hanggang sa napapayag nila ako takte talaga.
"Takte uwi na tayo sasabihan ko na lang si Mama na siya na yung magpaalam inaantok na ko eh" sabi ko sa kanila takte naman kasi eh buti na lang talaga at kumain ako kanina kundi gutom na siguro ako ngayon kakaantay dun sa lalaking yun.
"Sigurado ka jan Rein ah" takte naman talaga oh
"Oo nga tara na"
At yun nga lumabas na kami at hinatid ko na sila sa sakayan takte inaantok na talaga ko.
Pag-uwi ko sa bahay dumereso na ako sa kwarto ko para kumuha ng damit ang lagkit ko na kasi at kanina ko pa gustong maligo.
Pagtapos kung mag-ayos sinabi ko kay mama na hindi pa umuuwi si Kai pero takte nagtext naman pa la kay mama na hindi siya uuwi ngayon dahil doon siya sa Lola niya matutulog huta nag-antay pa ako ng dalawang oras dun buti na lang talaga at nag-aya na akong umuwi baka abot pa kaming tatlo doon ng siyam siyam kakaantay sa wala.
"Uhmm ma pwede bang gamitin yung pool nila Kai?" tanong ko kay mama para kasing siya yung care taker dun sa bahay na yun eh tapos siya din yung nag-aalaga dun sa freak na yun simula bata pa kami inaalagaan na siya ni Mama kasi yung magulang ni Kai wala dito sa abroad nagtatrabaho kaya kay mama siya iniwan magkaibigan kasi yung mga magulang namin pero kahit na matagal na kaming magkakilala hindi ko pa din nakikita yung mukha niya ewan ko nga kung bakit eh. Tapos wala pa siyang mga pictures dun sa bahay nila ganun din nga sa kwarto niya eh or baka naman itinatago niya minsan lang din kasi kaming magkita nung lalaking iyon eh. Out of the blue lang ganun kahit na magkapit bahay lang kami di hindi ko nga din alam na nagdadala pa la siyang ng kaibigan jan sa bahay niya or kung may kaibigan ba siya eh nung nakaraan ko lang din na laman nung nakita ko sa bahay niya.
"Oo naman wala din namang gumagamit nun eh sayang nga lang sa tubig eh laging pinapalitan kahit na hindi naman ginagamit. Bakit nga pa la?" sagot niya
"Uhmm wala lang gusto kasing magswimming nung dalawang ugok eh tapos nakita pa nila yung pool ni Kai" sabi ko
"Mabuti pa nga at mapakinabangan yun hindi din naman ginagamit ni Gabriel iyon ewan ko ba sa batang yun laging ipinapalinis yung pool hindi naman din niya ginagamit. O siya sige na sabihan mo na lang ako kung kelan niyo gagamitin at ng masabihan ko agad si Gabriel" sabi ni mama buti na lang talaga at mabait yung nanay ko kaya mahal na mahal ko siya eh
Ayaw ko lang talaga ng binubunganga niya ako nakakarindi kasi eh yung halos araw-araw maririnig mo yung misa niya sa bahay lalo na sa tuwing makalat sila Milo at Miko kasi nadadamay ako parati.
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...