Isang taon na yung nakalipas at mas naging close kami nung totoo kung pamilya lagi nila ako dinadalaw sa bahay at si Mama naman dahil sa nangyari na strokes siya ilang gabi din akong hindi masakausap ng kahit sino dahil sinisisi ko yung sarili ko sa nagyari kay Mama. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na hirap na siya magsalita ng dahil sa akin. Laging sinasabi ni Papa sakin na hindi ko naman daw kasalanan iyon at sa tuwing umiiyak daw ako nalulungkot si Mama kaya mas pinili ko na lang magpakatatag dahil ayaw ko ng dagdagan pa iyong problema ni Papa. Ang sakit lang isipin na kung kelan masaya lang kami tapos biglang ganito yung mangyayari sa pamilya namin.
Nung mga nakaraan naman mas naging malapit ako sa tunay kung pamilya gusto nila akong tumira sa bahay nila pero tumangi ako dahil mas mahalaga pa din sakin sila Mama dahil sila yung kasama ko simula nang makaisip ako. At nitong mga nadaang buwan ang lagi ko lang nakakasama sila Chloe at Johanna minsan naman si Kai mas naging malapit pa lalo kaming dalawa dahil sa tuwing nahihirapan ako pag nakikita ko si Mama pumupunta ako sa bahay niya hanggang sa bumitaw ako sa pangako na ibinigay ko sa kanila dahil naging kami ni Kai pero hindi ko pa sinasabi sa kanila dahil baka mas lalo lang lumala yung kalagayan ni Mama. Hindi ko ginusto na maging kami siguro sadyang mahal ko na siya at ayaw ko ng binatawan pa siya pinangako niya sakin na haharapin niya sila Papa pag handa na akong sabihin sa kanila yung namamagitan samin. Kaming dalawa lang kasi ang may alam dahil ayaw kung malaman nila Chloe at Johanna na kami na ni Kai. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko mas gusto kung sila Mama ang ynang makaalam para kahit na hindi ako tanggapin ng magulang ko dahil sa ginawa ko alam kung susuportahsn nila ako ss ginagawa kung ito.
"Ma kumain ka na po oh kanina pa po kayo hindi nakain anong oras na po hindi pa kayo nakakainom ng gamot niyo" sabi ko sa kanya magaalas dos na kasi at ayaw niya pa ding kumain kahit kanina pa siya pinipilit ni Papa na kumain ayaw niya pa din
"R-r-r-i-e-en" tawag niya sakin sa tuwing maririnig ko yung boses niyang yan mas gusto ko pa yung lagi niya akong bunganga kesa yung ganitong nahihirapan siya magsalita
"Ma wag po muna kayong magsalita nahihirapan lang po kayo eh tama na po kumain na muna kayo" nakinig na din siya sa wakas at kumain na
Alam mo yung feeling na sa tuwing nakikita mong nahihirapan yung taong mahal mo doble yung balik sayo kasi hindi mo alam kung aayos pa ba siya or hindi na eh. Ang hirap lang na makita siya ganyan yung kalagayan.
----
Kinabukasan ang aga pumunta samin nila Chloe at Johanna dahil ngayon namin balak mag-enroll para sa 2nd year college namin.
"Tara na" sabi ko sa kanila nung tapos na akong mag-ayos
Nagpaalam muna kami kila Papa at Mama na aalis na kami actually kasama namin si Kai na mag-enroll since nasa iisang school na lang din naman kami dahil wala kaming ibang choice dahil sa dami ng pinag-examan namin doon lang kami nakapasa hindi ko alam kung bakit nagreview naman kami pero bumagsak pa din kami siguro nga ganoon talaga baka hindi talaga kami para doon.
"Uhm Rein sigurado ka ba talagang isasama natin si Kai?" tanong sakin ni Chloe
"Oo nga Rein seryuso ka ba jan? Baka sugurin ka na naman nung Irish na yun" sabi naman ni Johanna nung unang beses kasi naming nakasabay si Kai actually first day namin yun tas may bigla na lang sumulpot at sinabing ang landi daw namin eh hindi naman namin alam na sikat pa la si Kai sa school na yun at halos araw-arawin ako nung babaeng iyon sa pagsugod sa hindi ko malamang dahilan ewan ko ba kahit na tagong-tago si Kai dahil sa suot niyang hoodie pinagkakagulohan pa din siya nagtaka nga kaming tatlo nung una dahil sa pinagtitinginan kami sa tuwing dumadaan kami na akala mo naman mga artista kami. Pero nung tinanong ko naman si Kai kung jowa niya iyon grabe kasi kung makapagreact yung babaeng iyon eh aakalain mo talaga jowa pero sabi naman niya ganun lang daw talaga iyon dahil kahit na hindi niya pinapansin hindi pa din tumitigil sa mga ginagawa niya kaya pabayaan na lang daw namin at magsasawa lang din daw iyon pero takte natapos na namin yung freshman namin hindi pa din natigil ewan ko lang kaya ngayon at baka mas lumala na iyong saltik ng babaeng yun. Ahead kasi samin si Kai ng dalawang taon so bali ngayong taon graduating na siya samantalang iyong Irish na yun third year na ngayong taon kaya may dalawang taon pa kaming magkakasama sa school ng dahil nga sa kanya sumikat kaming tatlong magkakaibigan sa university na iyon eh. At halos lahat ata may galit samin dahil lang sa pagiging malapit namin kay Kai kaya nga hindi kami masyadong sumasama sa lalaking iyon dahil napapahamak lang kami lalo.
"Ano ba naman kayo parang hindi na kayo nasanay sa babaeng iyon" sagot ko na lang at lumabas na kami ng tuluyan sa bahay paglabas namin nag-aantay na si Kai sa labas ng gate nila nung nakita niya kaming lumabas lumapit na din siya agad samin.
Pagdating namin sa university agad naman kaming humiwalay kay Kai mahirap na at baka may sumupot na naman para pa namang kabute yung babaeng iyon dahil bigla na lang nasulpot kung saan-saan. At dahil din sa gusto naming tatlo ng maayos na taon ngayong school year mas lalo na kaming iiwas sa gulo.
"Ay Rein di ba lilipat sila Kuya Mark at Kuya Albert dito" sabi ni Johanna na kilig na kilig ngayon crush niya kasi si Kuya Mark at Kuya Albert yung kapatid ko sa tunay kung magulang na crush nilang dalawa sa oo may itsura sila dahil gwapo at maganda din yung pinanggalingan.
"Oo kaso hindi ko alam kung nakapag-enroll na sila dahil hindi pa naman kami nagkita ulit simula nung bumisita sila nung nakaraang buwan di ba nga pumunta sila sa ibang bansa"
"Ay oo nga pa la sayang at hindi natin sila nakasabay ngayon" sabi naman ni Chloe at pareho pa talaga silang nadismaya mga baliw talaga.
"Ewan ko sayo tumigil na nga kayo jan pinagpapantasyahan niyo pa sila eh may mga jowa na naman na yung mga iyon" sabi ka sa kanila natawa tuloy ako sa itsura nilang dalawa
"Alam mo Rein paepal ka talaga kahit kelan" sabi ni Johanna at inirapan pa ako aba
"Ikaw yung manahimik jan at baka akala mo hindi kami nakakahalata sa inyong dalawa ni Kai ah alam naming may something na sa inyo kaya magkwento ka mamaya pagkatapos nating mag-enroll" sabi ni Chloe huta pinagsasabi netong dalawa eto anong nakakahalata eh ingat na ingat nga kaming dalawa ni Kai na hindi sila makapansin tapos ngayon.
"Baliw ka na anong something pinagsasabi mo jan?" inosenteng tanong ko sa kanya
"Ikaw Rein kaibigan mo kami tapos pinaglilihiman mo kami aba nakapaano mo naman" sabi ni Johanna
"Ano ba kasi iyong mga pinagsasabi niyo anong something iyong pinagsasabi niyo alam niyo kayong dalawa ang issue niyo"
"Mamaya na natin pag-usapan yan at mag-enroll muna tayo" sabi ni Chloe at hinatak na kaming dalawa ni Johanna papuntang register office
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...