Hindi pa din mawala-wala sa isip ko yung nangyari nung nakaraang araw takte naman kasi na lalaki yun eh kalimutan ba naman ako. Sa ganda kung ito kinalimuta ako ako ng walang hiyang yun.
"Hoy Rein move on na nga ilang araw na yung dumaan oh" sabi sakin ni Chloe isa pa ito mga ito naku talaga
"Duh wala na kaya sakin yun nuh ano bang pinagsasabi mo jan" pasulot ko pa
"Fine sabi mo eh" aba yung loko tumatawa-tawa pa
"Wait nga lang bakit wala si Johanna ngayon? Absent ba siya? Or di mo lang siya nakasabay kanina?" tanong ko sa kanya sabi kasi silang pumapasok na dalawa eh magkalapit lang din yung bahay nila kasi yung bahay namin sa tabi-tabi lang makikita samantalang yung sa kanila subdivision pero hindi naman silang mukhang taga dun ewan ko ba sa dalawa ito
"Ah kasi late siyang nagising pagdaan ko sa kanila kanina tulog pa yung bruha kaya ayun iniwan ko na lang alam mo naman yung daig pa yung snail sa sobrang kupad kumilos" si Johanna kasi talaga sobrang bagal kumilos ewan ko ba kahit na pilitin mo siyang pagmadaliin mas lalo lang babagal yung kilos niya tapos pagsinabihan mo naman siya na mabagal yung kilos lalo na pagkakatapos niya lang maligo sasabihin pa niyan sayo na hindi pa siya nakapagbanlaw ng maayos pero take note mag-iisa't kalahating oras na siya sa CR nun ah tapos hindi pa siya nakapagbanlaw ng maayos. Kaya pag may lakad talaga kami tapos pag siya yung nag-aya then hindi pa siya nakapag-ayos asahan mong hindi na matutuloy yun dahil sa kanya pa lang ubos na oras namin kakaantay na imbis na gagala kami dun na lang yung gala namin mapupunta sa bahay nila.
"Tawagan mo kaya mag-uumpisa na yung klase oh terror pa naman yun si Mrs. Santos na akala mo laging meron eh" sabi ko sa kanya dahil nga sa mahirap lang ako wala akong load kaya siya yung pinapatawag ko kasi lagi yang may load na akala mo laging may katawagan siguro nga kung uso pa yun GM active itong babaeng ito. Naadik din kasi ako dati dun eh tapos di ba yung code name ko pa nga dun ay Maqandabentekwatro yung panahong jeje ka pa talaga tapos keypad yung cellphone ko nun sa sobrang tamad ko nung magtype yung GM ng mga kagroup ko iniedit ko lang tapos sa iisang tao ko lang din ise-send kung sino yung mas may itsura dun ko lang ise-send dati kasi sumasama-sama din naman ako sa mga meet up na yan lagi pa nga akong napapagalitan ni Mama kasi daw layas ako ng layas.
Tapos dati hindi pa ako nakakaligo nasa labas na ako naglalaro ng pogs, text, tsaka dampa o di kaya naman holen o torumpo yan din yung dahilan kaya ako laging napapalo ni mama tapos sasabihin niya pa lalagain niya daw tapos ipapakain sakin na kababaeng tao ko daw eh naglalaro ako ng mga ganyan hindi kasi talaga ako naglalaro ng chinese garter dati eh ang boring kaya nun tapos yung mga pogs, text, goma tsaka holen ko dati binibenta ko sa tuwing mananalo ako ibinibenta ko agad para pag-uwi ko pera na o di ba bata pa lang ako business minded na ako.
Takte naalala ko na naman tuloy yung mga kabaduyan ko noon pero sa totoo lang ang sarap bumalik sa pagkabata na yung tipong ayaw mo ng tumanda dati kasi nung bata ako gustong-gusto ko talagang tumanda agad kasi lagi akong napapagalitan nun ni mama dahil sa mga pinaggagawa ko nga sa buhay ko tapos ngayon narealized ko na hindi pa la masarap na tumanda takte gusto ko naman bumalik sa pagiging bata.
"Hoy babae baka gusto mo ng pumasok dahil malapit ng magsimula yung klase si Accounting pa naman first subject natin" ganyan talaga lagi yung sinasabi namin pag magka-usap kami sa phone hindi uso samin yung pangalan yung tawag.
"Bilisan mo ng maglakad napakabagal ko talaga" sabi ni Chloe sabay baba ng phone niya
"O san na daw siya?" tanong ko
"Paakyat na daw"
"Ah"
"Patay si Johanna ngayon nakikita ko na si Mrs. Santos"
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...