Chapter 11

11 3 0
                                    

"Rein tara na" tawag sakin ni Chloe nagpapasama kasi siya sakin na pumunta na naman sa Mall ewan ko ba dito sa babaeng ito. Simula nung nagswimming kami sa bahay ni Kai lagi na siya pumupunta dito nagugulohan na nga kaming dalawa ni Johanna sa kanya eh pag tinatanong naman namin siya hindi naman sumasagot ilang buwan ng nangyari yun pero wala pa din kaming nakukuhang sagot sa kanya.

"Oo na bakit ka ba nagmamadali wala ka din namang bibilhin doon eh" sabi ko sa kanya ganyan kami palagi kung hindi si Johanna yayain niya ako tapos wala naman din kaming ginagawa doon sa Mall ni kahit isa wala kaming binibili minsan pa pagkatapos na pagkatapos ng klase namin mag-aaya na yan siyang pumunta sa Mall lalo na pagmaaga yung uwian namin.

"Oo nga naman Chloe bakit ba kasi ayaw mong sabihin yung dahilan mo kung bakit pabalik-balik ka ng Mall ano ba talagang nangyayari sayo?" tanong sa kanya ni Johanna

Nag-aalala na din kami sa kanya eh hindi kasi siya ganyan dati ngayon lang talagang mga nakaraang buwan siya naging ganyan ang hirap niyang intindihin ngayon eh.

"Pabayaan niyo muna ako please" yan lagi yung sinasabi niya samin wala naman ding kaming choice na pagbawalan siya dahil may sariling isip naman na din siya ang kaya lang naming gawin sa ngayon is yung intindihin siya at magsupport lang sa mga pinaggagawa niya dahil hindi naman din namin alam yung nangyayari sa kanya eh.

"Okay okay wala naman kaming magagawa kung ayaw mong sabihin tara na" sabi ko na lang baka pag ipinilit pa namin mag-away ulit kaming tatlo dahil lang sa ikinikilos niya.

Asual pagkadating namin sa Mall ang daming tao na busy kakalakad paroon at dito nag-aaksaya lang kami ng pera sa ginagawa naming tatlo palagi dito eh halos ata tuwing weekends, maaga uwian at walang pasok nandito kami eh ng dahil lang sa hindi malamang dahilan ni Chloe kilala na nga halos kami ng guard dito sa Mall na ito eh dahil sa kakabalik namin.

"Kain muna tayo nagugutom na ako eh" sabi ni Johanna hindi pa kasi kami nagtatanghalian eh paano ba naman si Chloe madaling-madali na pumunta ngayon dito

Habng kumakain kami hindi pa din mawala sa isip ko kung bakit nagkakaganito itong babaeng ito eh ilang buwan na din akong nag-iisip kung bakit okay naman siya nung nagswimming kami sa bahay ni Kai pero pagkatapos nun ilang linggo lang ata yung lumipas simula noon nagkaganito na siya. Syempre bilang kaibigan niya nababahala din ako kung ano na nangyayari sa kaibigan mo eh sino bang hindi kahit nga sigurong ibang na kakilala mo mag-aalala din sa gabyang kilos na akala mo nalutang parati yung isip niya.

Pagkatapos naming kumain nag-ikot na ulit kami nakabisado ko na nga yung Mall dahil sa kaka-ikot namin eh nakakawala ng excitement dahil halos lahat ng pupuntahan namin nakailang balik na kami. Dati excited akong pumunta ng Mall ngayon nawalan na ako ng gana kung pwede lang akong mag-apply dito bilang information baka tanggap na ako dahil sa kabisado ko na itong Mall at yung mga store alam ko na din.

"Chloe hindi ka pa ba napapagod kanina pa tayo palakad-lakad dito oh kung kinain ko wala na" reklamo ko paano ba naman pagkatapos naming kumain lakad na naman wala atang kahahantongan itong ginagawa namin ngayon eh.

"Saglit na lang at uuwi na din tayo promise" talaga naman oh

Pagkauwi ko sa bahay pagod na pagod ako hindi ko na nga namalayan na nakatulog pa la ako kung hindi lang ako ni Mama ginising baka hindi na ako makakain ng hapunan takte talaga yung babaeng iyon eh sasusunod talaga hindi na ako sasama ang sakit ng paa ko kakalakad tapos baka mamaya mautusan na naman akong pumunta sa kabilang bahay oh.

Thanks to God natapos akong kumain ng wala akong narinig na sermon kay Mama ngayon pero sana lang walang kapalit ito parang awa niyo na pagod na pagod ako ngayon ph sana talaga hindi ako utusan ni Mama na mangapit bahay.

"Oh Rein matulog ka na ah maaga ka pa bukas" sabi ni papa thanks God akala ko mauutosan pa ako eh pero bakit ako maaga bukas eh linggo naman bukas tsaka wala naman akong alam na may lakad kami bukas eh.

"Bakit po Pa anong meron bukas at kailangan maaga ako?" tanong ko sa kanya

"Eh kasi walang tao sa bahay ni Kai bukas dahil aalis kami ng Mama mo at yung mga katulong niya naman wala dahil ipinagpaday off ng Mama mo" takte naman talaga

"So ano ngayon Pa"

"Sasamahan mo siya at maglinis ka na din doon" sabi ni Mama takte naman akala ko pa naman makakatakas na ako hindi pa din pa la.

"Opo" sabi ko at umakyat na para matulog

Kinabukasan ginising ako ni Mama para lang naman ibilin sakin yung lalaking iyo ni yung dalawa ko ngang kapatid hindi niya ipinagbilin samantalang yung lalaking iyon napakaprotective niya para namang hindi na matanda yung lalaking iyo eh ahead pa nga sakin yung ng tatlong taon eh tapos ako pa yung magbabantay sa kanya. Daig niya pa yung dalawa kung kapatid dahil hindi na sila kailangan pangbantay bigyan mo lang ng pagkain okay na eh.

"Miko, Milo bumaba na kayo jan para makakain na tayo at marami pa akong gagawin" tawag ko sa kanila

Pagkatapos naming kumain sinabihan ko sila na wag lumabas ng bahay dahil pupunta lang ako sa Kuya Kai nila para pakainin at makapag-umpisa na din akong maglinis ng hindi ako matagal. Ayaw ko kasi ng pinapatagal pa yung mga gagawin ko eh mas lalo lang akong napapagod pag ganun yung gagawin ko.

"Senyorito kakain ka na po baka gusto mo ng lumabas jan sa kwarto mo at ng makakain ka na nakakahiya naman kasi sayo eh" sabi ko habang kinakatok yung pintuan niya takte ano ganito na lang lagi role ko taga kantok sa pintuan niya tuwing pupunta ako dito. Aba sobra na ito ah ni hindi man lang ako salubungin ng kahit kumusta man lang walang hiya talaga.

"Kai ano ba kakain na bumangon ka na jan at lilinisin ko na yang kwarto mo"

"Ano ba ang aga mo namang mag-ingay natutulog pa yung tao eh" reklamo niya pagkabukas pa lang niya ng pinto takte ano ito kahit kakagising lang nakahood pa din ano bang itinatago mo jan Kai at ayaw mong ipakita.

"Kasi nga po Senyorito Kai kumain ka na doon at ng malinisan ko na itong kwarto mo dahil sobrang baho na" sabi ko sa kanya actually hindi naman mabaho yung kwarto niya sobrang bango nga eh.

"Oo na saglit lang magpapalit lang ako mag-antay ka lang jan saglit lang ako" sabi niya at sinarado na yung pinto aba bastos talaga itong lalaki na ito eh

Pagkababa niya nag-umpisa na din akong linisin yung kwarto niya ewan ko ba bakit mas malinis pa itong kwarto niya kesa sakin tapos yung mga damit niya nakaayos pa aakalain mong babae yung may-ari ng kwarto na ito pagpasok mo eh dahil sa sobrang linis alam ko hindi niya ito ipinapagalaw sa mga katulong niya si Mama yung naglilibis neto eh pero minsan lang din naman si Mama pumunta dito so bakit ganito kalinis ito siguro nililinisan niya din ito minsan kaya ganito ito kalinis. Yung kwarto ko nga pagpumasok ka aakalain mong bumagyo eh sa sobrang kalat na hindi ko maintindihan na kahit anong gawin kung linis sa kwarto ko ganun pa din marunong naman akong maglinis siguro tinatamad lang talaga ako pag akin na baliktad eh nuh.

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon