Wala na kasi kaming ginagawang mga project puro practice na lang for graduation namin kaya halos wala ng pasok pupunta lang ng school pag may practice pero hindi naman araw-araw.
Kaya ngayon nasa kwarto lang ako ngayong araw dahil tinatamad akong gumala at nakakasawa din lalo na pag wala kang pera bad trip lang
Nangbigla na lang pumasok si Mama sa kwarto ko habang nagsusuklay ako nagbabalak din kasi kung pumunta kila Chloe napagisip-isip ko na ang boring din masyado dito sa bahay
"Rein saan ka pupunta?" tanong ni Mama sakin
"Kila Chloe lang Ma bakit po?"
"Rein pwede bang wag ka munang umalis-alis ngayon"
"Bakit naman Ma kila Chloe lang naman ako po pupunta eh"
"Makinig kana lang sakin Rein"
Ang weird ni Mama naging ganito lang naman siya nung may pumuntang babae dito nung nakaraan eh
Flashback
Paglabas ko ng gate namin may nakita akong babae na halos nasa 30's na ata.
"Uhmm nandyan ba si Marites?" tanong nung babae actually hindi ko siya kilala eh ngayon ko lang din siya nakita
"Opo wait lang po ah pupuntahan ko si Mama" sabi ko at pumasok na ulit sa loob para sabihin kay Mama na may naghahanao sa kanya sa labas tinanong niya ako kung kilala ko daw ba kaya sinabi kung hindi at ngayon ko lang nakita yun.
"Oh sige Rein papasukin mo na lang muna"
Nung sinabi yun ni Mama pinapasok ko na yung bisita niya
Pero nagulat na lang ako nung pagbalik ko yung tingin niya sakin para siyang naiiyak na ewan. Kaya hinatid ko na lang siya sa loob.
"Ma nandito na po yung naghahanap sa inyo!" sigaw ko dahil nasa kusina pa si Mama
Nung lumabas si Mama galing kusina yung itsura niya nung nakita yung babae para siyang nakakita ng multo.
"Ma anong nangyari sayo? Bakit para kang nakakita ng multo jan" tanong ko sa kanya
Nung tinanong ko na bumalik din naman ulit siya sa wisyo niya kaya lang bigla niya lang ako pinaalis.
"Rein pwede ka ng umalis di ba pupunta ka pa sa kanila ni Chloe ngayon" seryusong sabi sakin ni Mama
Parehas lang sila nung bisita niya na weird bahala nga sila sa buhay nila.
"Okay po Ma alis na po ako"Sagot ko na lang sabay tingin dun sa babaeng bisita ni Mama at lumabas na ako ng bahay.
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...