Prologue

59 6 0
                                    

Kaya ko bang mabuhay ng wala siya?

O kaya ko bang maging matatag kung wala siya?

Kahit na hindi ko siya sundin binibigyan pa din niya ako ng halaga na parang sobrang importante ko sa kanya.

Dahil mahal na mahal niya ako.
Pero ako ba mahal ko ba siya?

Kasi siya kaya niyang tiisin lahat ng hirap maging maayos lang ang buhay ko.

Kahit na hirap na hirap na siyang magtrabaho para sa saamin.

Yung tipong lahat na lang sa kanya ko inaasa.

Pero bakit hindi ko kayang makinig sa kanya kahit isang beses lang.

Lahat ng sinasabi niya makakabuti lang naman sakin.

Bakit nga kaya di ko siya kayang sundin.

Lagi niyang sinasabi na wag kang gumawa ng kung ano-anong ikakapahamak ko dahil marami ka pang pangarap.

Pero anong ginawa ko Hindi na naman ako nakinig sayo.

Alam kung pagod ka na para sakin pero bakit ganun? Hindi mo pa din ako sinusukuan. Ganun mo ba talaga ako kamahal? Para di mo ako iwanan.

Minsan sinasabi ko sa sarili ko ang swerte ko kasi ikaw ang nandyan para makinig saakin.

Kahit na wala na akong pakealam kung anong ginagawa mo hindi mo pa din ako iniwan sobrang lala na ba niyang pagmamahal mo para sakin para hindi mo ako iwanan. Bakit ayaw mong sumuko alam kung pagod ka na sakin pero bakit pinipilit mo pa ding maging matatag para lang ipakita saking kaya mo pa kahit na sobrang pagod ka na.

Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko bakit kailangan ko pang maging ganito at lagi kang pahirapan nagsasawa na akong mahirapan ka pero hindi ko mapigilang maging ganito dahil ganito na talaga ako una pa lang.

Nagsisi ako nung wala na akong magawa para sabihin sayo kung gaano kita kamahal.

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon