Sa ginagawa ko ngayon para na kaming mag-asawa ni Kai at yung dalawa kung kapatid ay anak namin paano ba naman kasi silang tatlo naglalaro lang samantalang ako ito nagluluto ng kakainin namin and take note hindi man lang ako tinutulungan ng lalaking ito linisin yung bahay niya. Gusto ko na ngang tawagan yung dalawa para tulungan ako dito pero naiisip ko na mas lalo lang pa la madadagdagan yung tatrabahoin ko kung pupunta pa sila dito dahil parahes lang din naman silang hindi marunong ng gawaing bahay takte talaga. Ilan beses ko ng tinuruan yung mga iyon eh hindi pa din matutunan kung paano kahit nga magwalis eh hirap sila eh. So wala akong magagawa kundi ang maglinis ng mag-isa dito takte talaga pagkatapos kung maglinis dito sa bahay ni Kai doon naman ako sa bahay namin maglilinis talaga naman eh nuh.
Pagkatapos kung linisin yung sala at yung labas nagluto na din ako pero habang nagluluto ako nagraramdaman ko na nanghihina yung tuhod ko dahil siguro sa pagod ito dahil kagahapon sobrang pagod ako kakalakad tapos ngayon naman naglinis ng paglaking bahay.
"Oy are you okay?" tanong ni Kai pagkatapos akong saluhin muntik na kasi akong matumba kung hindi siya dumating sheeeem ang bango niya
"Ah oo sige na doon ka na malapit naman na itong matapos eh" sabi ko sa kanya at pinagpatuloy na yung pagluluto ko.
"Ako na jan magpahinga ka muna" sabi niya
"Okay ayusin mo yan ah" sabi ko sa kanya tapos inalalayan niya ako papunta doon sa may upuan
Lalagnatin ata ako ngayon ah takte wag naman sana may test kami bukas eh. Ayaw ko namang pumasok ng may sakit at ayaw na ayaw ko din ng umaabsent sa klase.
Habang naghahain na si Kai hindi pa din niya tinatanggal yung hoodie niya hindi ba siya naiinitan sa suot niya? Ako nga nakasando na lahat lahat ang init pa din eh tapos siya nakahoodie akala mo naman napakalamig dito eh. Ako yung naiinitan sa suot niya
"Hoy wala ka bang balak tanggalin niyang hoodie mo. Nasa bahay ka lang naman mukha kang timang jan" sabi ko sa kanya
"Okay lang ako wag kang maingay jan" sagot naman niya bahala nga siya sa buhay siya naman naman yung maiinitan eh hindi naman ako basta ang mahalaga ay weird talaga siya kahit na anong gawin mo.
"Oo na. Miko kakain na pumunta na kayo dito ni Milo dalian niyo at ng maligo na kayo ang baho niyo na"
"Ate pwede ba kaming maligo doon?" tanong ni Milo pagkalapit samin
"Bawal baka malunod pa kayo jan sa CR kayo maligo wag jan" sabi ko sa kanila tapps sinimangutan lang ako ng mga kupal aba naman.
"Kuya pwede po ba?" takte talaga netong dalawa na ito eh pagkatapos sakin kay Kai magpapa-awa
"Hoy kayong dalawa hindi na ba kayo nakikinig sakin ang sabi ko bawal masyadong malalim iyong pool para sa inyo"
"Sasamahan ko na lang sila okay naman siguro sayo iyon di ba" sabi ni Kai sakin tapos yung dalawa ayun tuwang-tuwa na habang kumakain so it means sasamahan niya yung dalawa sa pool so makikita ko na yung mukha niya takte matagal ko ng gustong makita yung mukha niya na matagal niya ng itinatago.
"Sigurado ka huhubadin mo na yung hoodie mo?" tanong ko sa kanya
"Oo naman bakit may nakita kabang nasa pool tapos nakahoodie pa din baliw ka na ata eh" sagot niya sakin aba ako pa talaga ang sinabihan ng baliw ng lalaking ito. So makikita ko na talaga yung mukha niya seryuso ba ito
BINABASA MO ANG
I Can't Live Without You (Family Series 1)
Random[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga tanong ko. Minsan nga naiisip ko ano bang meron sa kanya at bakit hindi ako mabubuhay kung wala si...