Chapter 10

26 5 0
                                    

Nung uwian na namin hindi na ako tinantanan nung dalawa takte naman talaga pag may sinabi ka talaga dito dapat gagawin mo sa kasunduan niyo eh.

"Ayun nga di ba hinatid ako ni Kenneth kagabi sa bahay tapos inutusan agad akong pumunta sa bahay nila Kai tapos nagsisigaw ako dun hanggang sa hindi pala si Kai ang laman nung kwarto niya kundi yung kaibigan niya" sabi ko sa kanila

"Sheeems ang sakit nga nun Rein siya ba naman halos nakarinig ng bunganga mong yan ewan ko na lang"

"Tama si Johanna, Rein kahit namn sino ano magagalit talaga kahit ng ata ibang tao ang makarinig nung sinabi mo magagalit talaga eh" okay binabawi ko na yung sinabi ko kanina bad trio imbes na icheer up ako lalo lang akong ibinaba

Pakauwi ko sa bahay ang ingay na naman ng nanay ko as usual ano pab bang aasahan ko.

"Oh Rein nandyan ka na pa la magbihis ka na doon at may iuutos ako" sabi takte naman talaga

Ang hirap talagang maging panganay bakit? Dahil laging may utos sayo eh yung tipong kakautos pa la nung isa may kasunod na agad tapos pag may ginawang kalokohan yung mga kapatid mo ikaw pa yung mapapagalitan kahit na Nakaupo ka lang sa may gilid

Pero minsan maganda din maging panganay lalo na pa inutosan ka ng sunod-sunod pwede mong iutos sa mga kapatid mo lahat ng inutos sayo

Atsaka pag pinagalitan ka pagalitan mo din sila pag wala na parents niyo..

"Rein!! Bumaba ka nga rito may iuutos ako sayo" sigaw ni Mama bad trip naman eh pero takte lagi na lang niyang sinisigaw yung pangalan ko alam ko namang maganda ang pangalan ko eh pero di naman tamang ipagsigawan eh

"Oo na Ma bababa na" kakarating ko pa nga lang eh utos na agad eh

"O siya bilisan mo na dyan"

Pagkababa ko lumapit na agad ako kay Mama

"Ano na naman ba kasi yun Ma?"

"Pumunta ka dun sa bahay nila Kai"

"Ma naman ano na naman bang gagawin ko dun?" takte naman baka nandoon na naman yung kaibigan nung lalaking iyo ano mahirap na

"Ikaw na muna ang maglinis nung bahay niya"

Wait ano daw? Ako ang maglilinis ng bahay nung lalaking yun? The heck no way nasisiraan na ba si Mama ang daming katulong dun sa bahay niya tapos ako pa paglilinisin ni Mama dapak!!

"Ma naman hindi ka pa naman baliw nuh? Ang daming katulong dun sa bahay niya tapos ako paglilinisin mo dun"

"Paglilinisin ba kita dun kung merong maglilinis huh Rein"sarcastic na sabi ni Mama sa tono niyang yan alam ng Galit siya kaya dapat sumunod ka na agad

"Tsk oo na Ma"

Bad trip naman kasing lalaking yun eh ang laki-laki kaya nung bahay nung lalaking yun eh kaasar naman oh bakit ba kasi ako na lang lagi eh

Pagkarating ko sa bahay nila Kai huta may mga katulong naman pa la dito eh bad trip naman si Mama eh

Hindi na ako natutuwa ah baka naman gusto ni Mama na asawahin ko yun kaya lagi na lang niya akong pinapapunta dito takte wag naman sana.

Sa lagay niyang yun na akal mo laging nilalamig dahil sa tuwing makikita mo laging nakahoodie feel ko tuloy may itinatago siyang hindi maganda sa katawan niya or baka nahihiya siya dahil siguro sobrang panget nung itsura niya kaya siya ganun pero bakit siya nagkaroon ng kaibigan.

Hmmmmm? Siguro may tinatago yung lalaking yun sa mukha niya siguro minsan nagiging ahas o kaya may mga kaliskis nung isda yung mukha nuh. Waaaah ang creepy nung mga nasa isip ko takte naman kasi eh bakit kasi ganun siya or baka ako lang talaga ang hindi pa nakakakita nung mukha nung lalaling iyo dahil imposible naman hindi pa nakita nung mga katulong niya yung mukha nun lalo na si Mama na laging nandito para na nga nung anak itong Kai na ito kesa sakin eh napapa-isip nga ako na baka ampon lang talaga ako at si Kai yung tunay niyang anak ewan ko ba kasi ba naman mas may paki pa siya doon sa lalaking iyon kesa sakin na anak niya hindi ba.

Pero seryuso talaga na baka ganun nga yung mukha niya or katawan niya natatawa na lang tuloy ako sa nga pinag-iisip ko

"Hahahahahahahaha"

"Pssssst baliw" nagulat na lang ako ng may biglang nagsalita sa likodan ko

Takte namang buhay toh oo

"Ano ba bakit ka ba nanggugulat!!?" sigaw ko sa kanya bad trip naman tong lalaking ito eh

"Hey hey hindi kita ginugulat sadyang lutang lang talaga yang isip mo" cold niyang pagkasabi

Takte ka hindi mo kinagwapo yang ugali mong yang lalo na yung itinatago mo jan

"Alam mo ikaw hindi ka naman kagwapuhan pero kung umarte ka para namang ang gwapo mo talaga" singhal ko sa kanya

Bad trip naman kasi eh nuh akala mo namang ikinagwapo niya yung pagtatago nung mukha niya duh ang creepy niya kayang tingnan dahil kahit na nasa bahay lang siya nakahood pa din may sayad ata sa utak itong lalaking ito eh

"Atsaka bakit nga ba ako ang maglilinis netong bahay mo huh? Ang dami namang katulong jan ah?" pagtatanong ko sa kanya

"Kasi nga gusto kung ikaw ang maglinis ng bahay ko ngayong raw sobrang down mo ngayon so ito yung way ko para naman omokay ka" huta yun lang yung dahilan niya at pumayag naman yung nanay ko dito talaga naman

"At paano mo naman nalaman aber stalker ba kita?" tanong sa kanya

"Dahil yung mukha mo kanina nung pumasok ka dito sa bahay ni hindi mo nga namalayan na nasa gilid lang ako eh" sabi niya okay napahiya ako ng konti doon

"Pero ganito naman talaga yung mukha ko sa tuwing papasok ako dito sa bahay mo eh. Hindi nakataka-taka yun nuh" sabi ko sa kanya

"Hindi iba kasi talaga yung itsuro mo ngayon dahil napahiya ka kagabi sa kaibigan ko" huta naman ipinaalala pa ng gagong ito

"Pwede ba atleast alam niya na naganito yung ugali mo dapat nga magpasalamat pa siya sakin eh" sabi ko na lang at naglinis na para makauwi ako agad bad trip kasi itong lalaling ito eh.

Pagkatapos kung linisin yung bahay niya umalis na agad ako dun at umuwi na.

Pagdating ko sa bahay dumeretso agad ako sa kwarto ko takte nakakapagod maglinis ng bahay na hindi naman inyo tapos napakalaki pa akala ko nga ipapalinis pa sakin yung labas nila eh ano pa lang silbi nung katulong nila at nadamay pa ako sa letseng paglilinis nung bahay niya.

I Can't Live Without You (Family Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon