5th Chapter: OMG! [NEW]

5.4K 235 16
                                    

"HINDI pa rin kayo okay ni Tray mo?" tanong sa'kin ni Happy– ang girl best friend ko na classmate ko na simula kinder hanggang senior high school. Ngayong college lang kami nagkahiwalay dahil Education ang kinuha niyang course. "That's sad."

"The real question is..." nakangising dugtong naman ni Patrick– ang boy best friend naman namin ni Happy. Pero no'ng high school lang nila nakilala ang lalaki at Business Administration naman ang course niya ngayon. "Alam ba ng brother-in-law ko na may LQ kayo?" Tumaas-baba pa ang mga kilay niya, halatang nang-aasar. "Brother-in-law" ang tawag niya kay Tray dahil girlfriend ni Patrick ang younger sister ni Tray na si Trish. "You know Kuya Tray, Bomi. May sariling mundo 'yon kaya more often than not, hindi siya nakakaintindi ng human language."

I just rolled my eyes at him.

Si Happy naman, tawang-tawa at pinalo pa ang braso ni Patrick. "Benta sa'kin 'yon, Pat-Pat. Ang witty mo do'n."

"Masakit, ha?" reklamo naman ni Patrick habanh hinihimas-himas ang nasaktang braso. Nang tawanan lang siya ni Happy, tumingin naman siya sa'kin. "Pero seryoso, Bomi. Alam ba ni Kuya Tray na may LQ kayo?"

Malakas na sumipsip lang ako sa straw ng iniinom kong iced coffee.

Maaga pa no'n pero heto kami nina Happy at Patrick– nagkakape sa café na malapit sa condominium building kung saan ako nakatira.

Tumakbo kaming tatlo kanina bilang parte ng morning exercise namin. Routine na namin 'yon dahil pare-pareho naman kami ng schedule kapag weekday mornings. Magkakaiba lang kami ng oras ng uwian. Pero masuwerte kami dahil lahat kami, wala nang weekend classes.

"Hindi ko alam," pag-amin ko nang maubos ko na ang iced coffee ko. "Mukhang mas relieved nga siya na hindi ako masyadong nagsasalita kahapon. Sigurado akong hindi siya aware na nasaktan niya ang feelings ko."

"Aww," sympathetic na komento naman ni Happy. Hinawakan pa nga niya ang kamay ko. "Bomi, alam mo namang gano'n talaga si Tray, eh. Kausapin mo na siya at sabihin sa kanya ang problema."

"Lagi na lang bang si Bomi ang mag-a-adjust?" kontra naman ni Patrick. "I mean, I respect Kuya Tray and I know he's a good person. Pero as a boyfriend..." Bumuga siya ng hangin. "Magkasing cold sila ni Trish."

Bumungisngis si Happy, saka binunggo ang balikat ni Patrick. "Naalala ko 'yong ine-emote mo sa chat kagabi, ha? Tinulugan ka ni Trish while you were talking to her on the phone?"

"Shut up," angil ni Patrick kay Happy. He even glared at her. "Nag-e-emote ka rin naman kagabi kasi hindi ka binigyan ni Gardner ng good night kiss, 'di ba?"

Biglang sumimangot si Happy dahil ang "Gardner" na sinabi ni Patrick ay ang very unromantic boyfriend ng best friend niya. "Shut it."

"Now I know why we're friends," iiling-iling na sabi ko naman habang nakapalumbaba. "Pare-parehong insensitive ang mga partner natin."

Halatang may sasabihin si Happy pero bigla siyang natigilan at lumagpas ang tingin sa'kin, sabay bulong. "May pogi, o."

Nilingon ko ang sinasabi niyang pogi at sumalubong sa'kin si Krey Park na kapapasok lang ng café.

Naramdaman yata ng lalaki na nakatingin kami sa kanya kaya huminto siya sa paglalakad papuntang counter para lumingon sa'min. And voila, nagkatinginan kami.

Much to my surprise, Krey Park smiled and waved at me.

Mukha namang hindi siya affected nang talikuran at layasan ko lang siya kanina after niyang sabihin sa'kin ang name niya. Bigla kasi akong na-awkward-an kaya himbis na mag-elevator, naghagdan na lang ako.

Nag-iwas ako ng tingin at sinipsip uli ang iced coffee ko. Pero huli na ang lahat dahil nakataas na ang kilay sa'kin nina Happy at Patrick.

"What was that?" sita sa kanya ni Patrick. "Did that dude just smile at you?"

"Saan mo nakilala si pogi?" pangungulit naman ni Happy. "Parang wala ka yatang nakukuwento sa'min?"

"Naikuwento ko na siya sa inyo," giit ko naman. "Siya 'yong guy na nahawakan ko ang kamay. Apparently, nakatira rin siya sa building namin."

Napasinghap si Happy. "That must be the work of fate!"

"Shut it, Happy," saway sa kanya ni Patrick. "Bomi already has Kuya Tray."

Umarte naman si Happy na sini-zipper ang bibig.

"Patrick is right," sabi ko naman. "Co-incidence lang for sure na nakilala ko si Krey Park."

"HINDI mo naman ako kailangang sunduin," sabi ko agad kay Tray habang nakaupo sa passenger seat ng Honda niya habang nagkakabit ako ng seatbelt. Siyempre, medyo nagtatampo pa rin ako kasi ako lang ang may alam na may LQ kami. Nang salubungin niya ko kanina sa main entrance ng college building namin, ang bright ng mukha niya at halatang clueless siya sa feelings ko. "Maaga natapos ang class mo, 'di ba? Naghintay ka pa tuloy ng matagal."

4PM lang ang tapos ng class ni Tray. 8PM na ngayon at kani-kanina lang natapos ang last class ko. Dahil sa pag-aalala ko sa kanya, nawala tuloy ang tampo ko.

"It's okay," sabi naman ni Tray nang nag-da-drive na siya palabas ng university. "I was doing some research in the library kaya hindi naman ako nainip while waiting for you."

"Thank you sa pagsundo sa'kin, Tray."

"No problem," kaswal na sagot naman niya habang deretso lang ang tingin sa kalsada. "What do you want to eat? Mag-dinner muna tayo bago tayo umuwi sa condo mo."

"Okay," sagot ko, pero mabilis ding kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Wait, what do you mean with what you said?"

Huminto ang kotse dahil sa traffic light.

Si Tray naman, halatang kabado dahil dina-drums niya ang mga daliri niya sa steering wheel. Then, tinuro niya sa rearview mirror ang malaking duffel bag na nasa backseat. "Uhm, Bomi, k-kung okay lang sa'yo..." Biglang namula ang mukha niya at napalunok pa siya bago nagpatuloy. "P-puwede ba kong mag-stay sa c-condo mo for the whole n-night?"

OMG! Understatement kung sasabihin kong nagulat ako sa request niya. "Bakit?"

Pinaraan muna ni Tray ang dila niya sa lower lip niya bago siya sumagot. "I know I messed up yesterday kaya tonight..." Tumingin siya sa'kin at may nakita akong kakaibang glint sa mga mata ng boyfriend ko. "Bomi, babawi ako sa'yo, promise."

OMG, go na tayo, Tray!

OMG, go na tayo, Tray!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon