Author's Note: Advance updates ito kasi magpapahinga muna ako ng one week. Malaking time kasi ang kinakain/kino-consume sa time ko kapag nag-a-update ako sa Wattpad. Kailangan pa kasing i-edit ang mga pino-post ko para mas madaling basahin ng readers. Pasensiya na sa biglaang one week break. Kelangan lang bumawi sa work ko na hindi ko masyadong mapag-focus-an kapag daily ang pag-update ko sa Wattpad. Hope you enjoy the advance updates. Happy reading. Babalik ako sa September 10th. :)
***
[DECEMBER 2017]
"YUNI did that, huh?" malungkot na tanong ko kay Tray. Ikinuwento niya sa'min kung bakit siya na-late ng habang naglalakad kami sa nadaanan naming park pagkaalis namin ng restaurant. Naka-high heels ako kanina pero dahil safe girl ako, nagbaon ako ng flat shoes at cardigan. Suot ko na ang mga 'yon ngayon. Buti nga't hindi na-turn off sa'min si Tray nang makita niyang bukod sa classy sling bag ko ay meron pa kong dalang tote bag. "Is she in love with you?"
Hindi na-fluster si Tray sa tanong ko. In-e-expect ko kasi na maibubuga niya ang iniinom niyang coffee. Pero hindi 'yon nangyari. "No, she's not," kalmadong sagot niya, saka niya inayos ang nakasabit na paperbag sa braso niya. Hindi ko alam kung anong laman niyon pero dinala niya 'yon no'ng bumaba kami ng kotse niya kanina. "We're just really friends."
"Mukhang hindi ka na nagulat sa tanong ko, ha?"
Hindi ako sigurado kung nag-blush ba siya o nag-reflect lang ang kislap ng makukulay na mga Christmas lights sa mukha niya. "Madalas kasi kaming napagkakamalang couple ni Yuni, eh. I treat her as a little sister but apparently, we don't look like siblings."
"Yeah, you don't," tumatango-tangong pagsang-ayon ko naman. Sumimsim ako ng matcha coffee sa hawak kong cup habang inaalala ko ang mga moments na nakita kong magkasama sina Yuni at Tray (maraming beses nangyari 'yon) at na-realize ko na sa paningin ng ibang tao, hindi nga imposibleng mapagkamalan silang couple lalo na't clingy ang babae. "But you'd actually make a good couple since both of you are gorgeous."
Tray looked at me like I just gutted him. "Bomi, I'm sorry but that sounds disgusting. Kinilabutan ako."
Natawa ako dala ng relief. So, Tray doesn't really see Yuni as a woman, huh? "Can we sit for a moment?"
"Oh, sure."
Nauna na kong umupo sa nakita kong bakanteng stone bench, saka umupo si Tray sa tabi ko. Pero gaya ng inaasahan ko, may space na naman sa pagitan namin kaya hindi kami nagdidikit.
Anyway, the spot we chose has a good view. Nakaharap kasi kami sa part ng park kung saan makikita ang hilera ng mga puno na nilagyan ng mga kumukuti-kutitap na mga Christmas lights. Hindi lang kami ang tao sa park na 'yon. In fact, bukod sa gaya naming mga couple eh meron din akong nakitang mga pamilya na mukhang dito nagdesisyon na salubungin ang Pasko. It's still hours from now and everyone looks excited.
"Here, Bomi," sabi ni Tray, saka niya ipinatong sa mga hita ko ang kumot na nilabas niya mula sa dala niyang paperbag. "I forgot to wear a jacket tonight but good thing I always have a blanket in my car. Madalas kasi akong mag-overnight sa publication office, eh."
Ngumiti ako sa kanya dahil nakakakilig naman talaga ang pagiging maasikaso niya ngayon. Saka mukhang natural lang sa kanya ang ginagawa niya. "Thank you, Tray. You've been nothing but a sweetheart tonight."
Si Tray ang nagbayad ng dinner namin kahit nag-suggest ako na paghatian ang bill. Kaya para makabawi ako sa kanya, nilibre ko siya ng coffee. Komportable na ko kapag magkasama kami kaya kahit tahimik lang siya madalas, hindi na ko nag-aalala.
BINABASA MO ANG
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.