S2 5th Chapter: Tragedy

3.1K 117 96
                                    

[BOMI]

IT WAS supposed to be  a happy a trip. Pero ni hindi kami nakaabot ni Tray sa airport. Iyong driver kasi ng kotse niya, nakaidlip habang nagmamaneho. Dahil doon, bumangga kami sa nakahintong van sa harapan.

Pareho kaming nasa backseat ni Tray nang nangyari iyon. I remember him hugging me tight as if he was protecting me from whatever that may happen because of the accident. After that, I don't remember anything else.

At hindi lang iyon ang hindi ko maalala nang magising na ko...


***

[BOMI]

Two months after the unfortunate accident...

After waking up from the horrible accident, I had to undergo different therapies because of the brain injury I suffered from. May physical therapy para maibalik ang motor skills ko. Siyempre, meron ding psychotherapy para masigurong maayos ang mental health ko at hindi ako nakakaranas ng PTSD.

Maayos naman na ang lagay ko at puwede na kong ma-discharge sa ospital. Pero may isang bagay na hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit ni Happy sa'kin.

"Bomi, do you remember Tray now?"

"I don't know any Tray," frustrated na sabi ko. "Saka alam mo naman na may amnesia ako, 'di ba? According sa doctor ko, retrograde amnesia ako kaya hindi ko naaalala ang ilang years sa buhay ko bago ang accident."

It looks like my memories from one year ago has been completely erased from my mind. Nag-panic ako nang sinabi nilang sophomore college student na ko kasi sa isipan ko, graduating senior high student pa lang ako.

Pero ang pinakanakakalokang sinabi ni Happy eh may boyfriend na raw ako.

"Wala ka bang nafi-feel kapag naririnig mo ang name ni Tray?" giit pa rin ni Happy. "The heart is supposed to remember what the mind doesn't."

Tinawanan ko lang ang sinabi niya. "Ano bang sinasabi mo d'yan, Happy? Alam mo namang si Zero ang gusto ko."

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat pero mabilis din siyang nakabawi. "Right. Sa memory mo, mag-M.U pa rin kayo ni Zero."

"Where's Zero?" curious na tanong ko. "Bakit kami nag-break?"

"Let's not talk about Zero yet," halatang malungkot na sabi ng best friend ko. "I can't believe this happened to you and Tray."

"Now you're making me curious about that Tray guy," sabi ko kasi parang down talaga si Happy na hindi ko maalala ang sinasabi niyang Tray. "Can I meet him?"

"It's not a good idea to do that right now," sabi ni Happy habang iiling-iling. "Tray is in the same situation as you."


***

[TRAY]

"I DON'T really remember the Bomi you're talking about," naguguluhang sabi ko sa best friend niyang si Gardner. Pagkatapos, nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sunod kong mga sinabi. "A-And I c-can't imagine how I get myself a g-girlfriend."

Ayon kay Mommy, ang sabi daw ng doktor eh two years ng buhay ko ang nawala sa memories ko bago nangyari ang aksidente. Nagkaro'n ako ng amnesia dahil sa brain injury na nakuha ko mula sa isang car accident.

Habang nagpapagaling ako sa ospital at sumasailalim sa iba't ibang therapy, inayos naman ng pamilya ko ang tungkol sa legal cases na may kinalaman sa aksidente. Nauwi sa settlement ang kaso dahil wala naman daw nasaktan sa nabunggo naming van. Luckily, walang sakay na pasahero iyon. 'Yon nga lang, nakulong pa rin ang driver na nakaidlip dahilan para maaksidente ako...

... kasama si "Bomi" na girlfriend ko raw.

"I can't believe this is really happening," iiling-iling na sabi ni Gardner. "Bakit sabay pa kayong nagka-amnesia ni Bomi?"

Hindi ko alam kung bakit pero biglang nanikip ang dibdib ko sa narinig ko. "Does it mean she doesn't remember me, too?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon