[AUGUST 2017]
☻TRAY
"SHE'S probably going out with Gardner, Tray."
Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Yuni habang nasa isang café kami. Sinundo ko sila ng kapatid kong si Trish dahil magkaklase naman sila. Nagpalibre sila ng milk tea kaya nandito kami ngayon. "That's... a believable possibility."
Kaklase ko ang isa sa mga ex-girlfriend ni Gardner. Ayon sa mga narinig kong rant niya sa iba pa naming classmates,
"Why don't you just ask her first?" suggestion naman ni Trish na busy sa phone niya at may earphones pa sa mga tainga. But obviously, she can hear our conversation. "Saka ano naman ang gagawin mo kung malaman mong friends lang sila?" Tumingin siya sa'kin at kahit kapatid ko siya, aaminin kong natatakot ako sa matalim niyang tingin. My little sister has the worst temper and tantrum after all. "Kuya, may courage ka na bang mag-confess kay Bomi? Simula no'ng makita mo siya no'ng hinatid mo kami ni Trish during our first day of school, crush mo na siya, 'di ba? She's the only reason why you go out of your way to pick us up after class."
"That's not true," kaila ko naman. "Sinusundo ko kayo kasi worried ako sa inyo. Nagkataon lang na nasa department niyo rin si Bomi..."
"Whatever," sabi ng kapatid ko. "Anyway, as far as I know, hindi naman si Bomi ang dine-date ni Gardner, eh."
"But it's possible," kontra naman ni Yuni. "Okay, I admit that I'm already aware that Gardner is dating Bomi's best friend. Pero narinig mo naman 'yong latest rumor, 'di ba? Bomi and that Happy girl is fighting daw. What if they're fighting because of Gardner? Everyone in our department knows naman how big of a flirt that Gardner is, eh."
Tumango-tango ang little sister ko na parang nag-iisip, saka siya sumipsip sa straw ng iniinom na milktea bago muling nagsalita. "Well, you have a point."
Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. "Wait. Bakit parang ang dami niyong alam about Bomi and her friends?"
"Their squad is famous," sabay na sagot nina Yuni at Trish sa tanong ko na para bang iyon ang pinakanormal na bagay sa mundo.
Napailing-iling na lang siya. High school students really love gossips, huh?
"Marami sa mga classmates namin ang followers ng squad nila sa social media," dagdag pa ni Yuni. "Most of the girls in our class kasi, may crush kina Patrick at Gardner na laging kasama nina Bomi at Happy." Tumingin pa siya kay Trish na napansin ko namang parang biglang nanigas. "A certain someone I know has a big crush on Patrick, too. 'Di ba, Trish?"
"Sure, whatever," sagot naman ni Trish, saka siya tumingin sa'kin. "So, ano na, Kuya? Magko-confess ka na ba kay Bomi?"
"Of course not," sagot ni Yuni para sa'kin. "It's just a petty crush. Saka hindi nga kaya ni Tray makipag-socialize sa mga classmates niya. Ang manligaw o mag-confess pa kaya?"
Ouch.
"Shut up," saway naman ni Trish kay Yuni. "You're not Kuya."
"Don't fight, kids," saway ko sa kanila kaya sabay silang napatingin sa'kin. "Yuni is right, Trish. This is just a petty crush. I'm sure mawawala rin 'to kapag hindi ko na nakita uli si Bomi."
I'm right, am I not?
***
"NAG-CONFESS si Patrick kay Trish?" natatawang tanong ko kay Gardner habang magkasalo kami sa mesa sa isang Korean barbecue restaurant. Hindi nakasama sa'min si Happy ngayon dahil may schedule siya sa dentista niya. "I can't believe he confessed to a Grade 11 student."
To be fair, Patrick is only 19 while this Trish girl he met online is 17. It's just a two year gap but still, she kind of feels awkward for her friend who's a college freshman confessing to a senior high student. Puwede na ring makulong si Patrick...
Not that I don't trust him.
"He got rejected though," sabi naman ni Gardner habang nag-gi-grill siya ng strips ng pork belly. "According to him, the girl said she's only allowed to date once she turns 18."
"Kelan daw 'yon?"
"Next year. Sa June yata."
August pa lang ngayon kaya halos isang taon pang maghihintay si Patrick.
"Anyway, he said he's meeting with that girl's older brother and best friend today," mayamaya eh sabi ni Gardner. "Mukhang magsasabi na siya sa kuya ni Trish na manliligaw siya. They'll be here any minute now."
"Ah, so support system pala tayo ni Patrick ngayon?" sita ko sa kanya. "Kaya pala bigla kang nag-ayang manlibre ngayon, ha?"
Hindi naman kasi kami parating updated ni Happy sa mga boy talk nina Patrick at Gardner.
"Well, matagal na rin naman tayong hindi nagkikita so this plan is like hitting two birds with one stone," sabi ni Gardner nang kumakain na siya. "We seldom meet since I'm the only one who went to a business school."
Napangiti ako dahil simula nang maging okay na ang relationship nina Gardner at Happy eh nagbago na rin itong si Gardner. Suplado at rude pa rin siya sa mga hindi niya ka-close pero maayos na ang trato niya sa best friend ko. Saka nag-mellow na rin siya sa squad namin.
May sasabihin pa sana ako pero natigilan ako nang makita kong dumating na sina Patrick... at kasama niya si Tray! Meron pa silang kasamang dalawang babae pero naka-focus lang ang tingin ko sa isang tao.
"Tray," napakalakas na pagtawag ko sa kanya dahil sa excitement. Mas lalo akong napangiti nang lumingon siya sa'kin. "Hi!"
As I expected, he blushed again like usual. "B-Bomi..."
Lumapit sa table namin ni Gardner ang grupo na kasama ni Patrick. Pero bago pa ko makapag-react, meron ng isang babae na kumapit sa braso ni Yuni.
"Let's go to the second floor na lang, Tray," sabi ng babae na mukhang high school student lang. "Baka maistorbo natin ang date nila, eh."
"No, we're not on a date," mabilis na kontra ko naman bago pa may misunderstanding na mangyari. Nakakahiya naman kung makakarating pa 'yon kay Happy. "Gardner is not my boyfriend," deklara ko, saka ako tumingin kay Tray. "In fact, I'm very much single."
Mukhang na-feel naman ni Tray na sa kanya ko 'yon deretsang sinabi kasi pati ang mga tainga niya, namula na.
Ay, may chance!
BINABASA MO ANG
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.