10th Chapter: Caught [NEW]

4.6K 177 33
                                    

SAKTONG katatapos ko lang maglinis ng buong condo unit ko nang dumating si Tray. Pagbukas ko ng pinto, napangiti agad dahil bukod sa ang guwapo, fresh, at bango ng boyfriend ko, natuwa ako kasi may dala siyang dalawang box ng pizza.

Magkaiba kasi kami ng gustong flavor. I like pineapple bits on my pizza while he absolutely hates fruits on his.

"Hi, baby boy," malambing na bati ko sa kanya pero nang sinubukan niyang magbeso sa'kin, umatras ako palayo. "I'm sweaty, Tray."

"It's okay, Bomi," sagot naman niya, saka siya mabilis na yumuko para i-kiss ako sa cheek. Pagkatapos, pumasok na siya sa loob ng unit ko. "Kung alam ko lang na naglinis ka pala, sana mas maaga akong pumunta para natulungan kita."

"Nah, alam ko namang busy ka kaya hindi na kita tinawagan. Nagulat nga ako no'ng tumawag ka kanina to say na dadaan ka rito." Umupo ako sa sofa at pinatong ang mga paa ko sa coffee table. "What's up, baby boy?"

"Magpapaalam lang sana ako sa'yo," sabi ni Tray, saka siya nag-lotus position sa sahig. Pagkatapos, kinuha niya ang mga paa ko para i-massage. Alam siguro niyang napagod ako sa paglilinis maghapon. Siyempre, kasama na ro'n ang matagal na pagtayo no'ng nagpupunas ako ng kung anu-ano kaya masakit talaga ang mga paa ko. "May boys' night out kami nina Gardner at Patrick mamaya. Okay lang ba?"

"Go lang," pagpayag naman niya. "Sinabi ko naman sa'yo na hindi mo kailangang magpaalam sa'kin kapag may personal na lakad ka with your friends. You can do anything with your free time, baby boy. As long as wala kang ginagawang kalokohan behind my back, it's fine with me."

Bukod sa malaki ang tiwala namin sa isa't isa, pareho naming alam na kahit magkarelasyon kami, kailangan pa rin namin ng private time. After all, we need to grow as independent individuals to have a stronger and more mature relationship as a couple.

"I just want to see you before I go out with my friends," pag-amin naman ni Tray na ang pula-pula na naman ng mga pisngi. "Saka kukunin ko rin pala 'yong naiwan kong jacket dito the other night."

Napapitik ako sa ere nang maalala 'yon. "Right. You forgot your jacket nga pala no'ng nag-overnight ka rito." Binawi ko na sa kanya ang mga paa ko at nag-excuse muna ko para pumunta sa kuwarto ko. Nang kunin ko ang jacket niya, saka ko lang naalala na may dapat pala siyang ipaliwanag sa'kin. "Baby boy, kanino 'yong Durex na nakita ko sa pocket ng jacket mo?" Biglang inihit ng ubo ang boyfriend ko kaya lumapit ako sa kanya at marahang tinapik-tapik ang likod niya. "Ang OA naman ng reaction mo."

"Y-You saw it?" parang hiyang-hiya na tanong niya sa'kin and yes, super red na talaga ng mukha niya. Pati nga ang mga tainga niya, eh.

Himbis na sagutin siya ng deretso, pinasok ko lang ang kamay ko sa bulsa ng jacket niya. Saka ko nilabas ang box of Durex. "Kanino 'to?"

Siyempre, nang makita ko ang jacket niya kanina, tiningnan ko agad kung may naiwan siyang mahalagang item do'n na baka kailanganin niya. Like his wallet. But much to my surprise, I found a box of Durex instead. Nag-blush ako no'ng nakita ko 'yon. Na-imagine ko rin na kay Tray 'yon at balak niya 'yong gamitin sa'min. Pero mabilis din akong natawa sa idea ko na 'yon. We're talking about Tray here, people. Hindi nga santo ang boyfriend ko pero hindi naman siguro siya makakaisip ng ganitong bagay dahil sobrang mahiyain niya.

"This is not yours, right?" paniniguro ko na may halong pagsita. "Hindi mo naman siguro 'to ginagamit sa ibang girls 'no?'

"Of course not," mabilis at umiiling pang tanggi ni Tray. "N-Naiwan lang 'yan ng friend ko sa car ko. I was supposed to return it to him pero ayun nga, naiwan ko dito ang jacket ko."

"Okay," sagot ko naman, saka ko binalik ang box ng Durex sa jacket niya na sinoli ko na sa kanya. "I trust you."

Napansin kong may tinatago sa'kin si Tray. But I decided to trust him. Again, si Tray ang pinag-uusapan natin dito. Hindi siya magsisinungaling sa'kin kung hindi kailangan. Malakas ang kutob ko na may pinoprotektahan lang siya kaya hindi pa niya masabi sa'kin ang lahat.

My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon