8th Chapter: Warning Bells [NEW]

4.8K 172 29
                                    


"DO WE really have to go and meet Yuni?" nag-aalalang tanong ko habang nakaupo ako sa sofa at yakap ang throw pillow. "I mean, alam mo namang awkward kami, 'di ba?"

"It's already been a year since then, Bomi," gentle na katwiran naman ni Tray nang umupo siya sa tabi ko. Pero as usual, may space sa pagitan namin. "Hindi pa rin ba kayo puwedeng maging okay ni Yuni?"

"I'm not sure."

Much to my surprise, he held my hand while looking straight at me. At nagpapaawa siya ng mukha! "Bomi, gusto ko talagang maging okay na kayo ni Yuni. She's like a little sister to me." Namula ang mukha niya. "Ang tagal na rin kasi naming hindi nag-uusap, eh. I miss her."

Kumunot ang noo ko sa inis. "You miss her? Why? Pinagbawalan ba kitang kausapin o i-meet siya? Hindi naman, 'di ba?"

"Hindi nga pero alam kong hindi ka okay kapag nag-uusap kami kaya I told her na co-contact-in ko na lang uli siya kapag okay na kayo."

Tumaas ang kilay ko. "So almost one year na kayong hindi nag-uusap?"

"Yep," tumatango-tangong sagot naman niya. "Kagabi lang uli kami nag-usap no'ng tumawag siya to ask if puwede na kayong mag-usap. Nag-iba ka ng number so ako na lang ang tinawagan niya."

Bigla naman akong nakonsensiya. Kahit naman hindi kami okay ni Yuni, never ko pa ring sinabihan si Tray na 'wag kakausapin ang babae. Pero hindi ko alam na pinutol pala ng boyfriend ko ang connection niya sa babaeng nakikita niya bilang little sister niya. Nakakakilig, oo. Pero mas lamang pa rin ang guilt.

In fact, I feel petty. Ang immature ko para hayaan si Tray na mawalan ng best friend dahil lang sa conflict namin noon ni Yuni before. Oras na siguro para bumawi.

"Alright," nakangiting sabi ko na nagpangiti rin kay Tray. "Let'smeet Yuni."

Sana lang, hindi ko 'to i-regret.


***

SA HOT&COLD Coffee Shop nakipag-meet sa'min si Yuni. Okay 'yon kasi halfway 'yon ng mga location namin. Tray and I came from the North while she came from the South. Nasa city kami na masasabing in between lang.

Napaaga kami kaya wala pa si Yuni nang dumating kami. Pumuwesto kami ng boyfriend ko sa bakanteng table for four na nasa tabi lang ng glass wall.

"Bomi, thank you," seryoso at malambing na sabi ni Tray sa'kin habang magkatabi kami. "I mean it."

"No problem," distracted na sagot ko habang nakatingin ako sa reflection ko sa salamin. Hindi ako kontento sa nakikita ko. Kailangan kong mag-retouch. "Tray, I'll just go to the ladies' room muna, ha?"

Tumango siya. "Alright. I'll get us coffee na lang din muna while waiting for Yuni."

Pagkatapos kong pumayag sa idea niya, dumeretso na ko sa ladies' room. Pagdating ko ro'n, nilabas ko agad ang mini-makeup kit ko. Siyempre, nag-apply uli ako ng kaunting fresh powder at pink shade ng matte lipstick para kunwari, hindi ako masyadong nag-effort.

Masakit aminin pero sobrang ganda talaga ni Yuni. Bagay din sa angelic face niya ang feminine style niya sa pananamit. Medyo childish siya kung magsalita at kumilos pero hindi nakakainis kasi ang ganda talaga niya.

And early this year, I even saw her in some TVC for a giant fast food chain and a known local face cleansing product. The last time I got curious about Yuni's status as a part-time model, my self-esteem sufferred a huge blow. 'Yong mga social media account kasi ng babae,

Height lang ang lamang ko sa kanya.

At siyempre, ang "exclusive title" bilang girlfriend ni Tray.

Now, we're talking, self.

Nang nakakuha ako ng confidence mula sa pagchi-cheer up ko sa sarili ko, tumayo ako ng deretso sa harap ng salamin para ayusin ang suot kong gray cold shoulder dress kahit malamig na ngayong November. Nagsuot lang ako ng white sneakers himbis na high heels kasi mas gusto kong na-e-emphasize ang height difference namin ni Tray kapag magkasama kami.

Anyway, sinuklay ko na lang ng mga daliri ko ang mahaba at straight kong ash blonde hair. Mula rin sa araw na 'yon, nag-decide na kong mag-contact lense himbis na magsuot ng eyeglasses. But still, I always carry my eyeglasses with me in case of an emergency.

Nang makuntento na ko sa hitsura ko, lumabas na ko ng ladies' room at bumalik sa table namin ni Tray. Hulaan niyo kung anong ganap ang sumalubong sa'kin. Yes, you probably guessed it right since the scene is super cliché.

"I've missed you, Tray!" nakangiting sabi ni Yuni. She looks so cute in her cold shoulder top at pastel colored long skirt with matching cute sandals. Pero hindi cute ang pagyakap niya sa baywang ng boyfriend ko. "I'm so happy na pumayag ka nang makipagkita uli sa'kin."

"I've missed you, too, Little Yuni," nakangiti rin at halatang affectionate na sabi naman ni Tray habang nakayakap pa sa mga balikat ni Yuni. "And you should thank Bomi. Kung hindi dahil sa pagiging understanding niya, baka hindi pa rin tayo nagkita ngayon."

"Don't mention it," nakangiting sabi ko naman nang hindi ko na napigilang hindi ipaalam ang presence ko. Tiningnan ko si Tray at mukhang gets naman niya ang gusto kong mangyari dahil kumalas agad siya sa yakap ni Yuni. Pagkatapos, tiningnan ko naman ang babae na nakangiti lang sa'kin. "Hi, Yuni. It's been a while."

"It's good to see you again, Bomi," nakangiti pa ring sabi naman ni Yuni, saka siya kumapit sa braso ni Tray. "Let's sit down and catch up."

Catch up-in mo mukha mo!

Hindi ko maiwasang maging bitter dahil na-remind ako kung bakit never siguro kami magiging okay ni Yuni: siya lang kasi ang nag-iisang babae na hindi nahihiyang hawakan at kausapin ni Tray since grade school.

Hindi ko maiwasang maging bitter dahil na-remind ako kung bakit never siguro kami magiging okay ni Yuni: siya lang kasi ang nag-iisang babae na hindi nahihiyang hawakan at kausapin ni Tray since grade school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon