EXTRA 6: Samgyupsal

1.3K 66 2
                                    

[Bomi]
***
"TRAY, ayoko na ng samgyup," masuka-suka nang sabi ko kay Tray habang naglalakad kami. "Sobrang nasuya ako."

We had 7 plates of beef, pork, and chicken at the Korean bbq resto we went to for dinner. Bukod pa do'n, meron pa kaming mga side dishes at Korean soup na kinain.

Hindi OA kapag sinabi kong may food bump ako. Eh pa'no, ngayon ko pa naisipang magsuot ng fit shirt.

"Here," sabi ni Tray, saka niya inabot sa'kin ang Korean popsicle na binili namin sa pinanggalingan naming Korean mart. "Para mawala na ang suya mo."

"Thank you, bebe boy," sabi niya, saka niya sinimulang dilaan ang popsicle. "Tray, mamaya na tayo umuwi. Maglakad-lakad muna tayo hanggang sa bumaba na anh kinain natin."

"Sure."

"Bomi, puwede bang dumaan muna tayo sa convenience store?" tanong ni Tray. "I'll just buy water."

"Okay."

Magka-holding hands kaming tumawid sa kalsada para makarating sa nakita naming convenience store.

"Dito na lang ako," sabi ko, saka ako tumayo sa ilalim ng isa sa mga umbrella table sa porch ng store. "Ang daming tao sa loob, eh."

"Are you sure?"

"Yeah. Pakibili na lang ako ng chocolate. Hindi enough itong ice cream, eh."

"Sure, bebe girl."

Mayamaya lang, pumasok na si Tray sa loob ng convenience store.

Nananahimik lang ako na kumakain ng ice cream nang mayamaya, may isang lalaki na lumapit sa'kin. Aaminin kong attractive siya: guwapo, matangkad, mestizo.

Ah, naalala ko na nasa area nga pala ng mga prestigious university. Mukhang kagaya ko eh college student din ang lalaking ito.

He looks like a fuccboi.

Ang nakakainis pa, kung makalapit siya sa'kin, para bang close kami. Saka iyong tingin niya sa'kin, alam ko na agad kung ano ang meaning.

"Hi, Miss," nakangiting bati ng lalaki na nakasuot ng usong vertical striped dress shirt. "I'm Alfred," pagpapakilala niya sa'kin, saka niya inabot sa'kin ang kamay niya. Nang ma-realize niya siguro na wala akong planong makipagkamay sa kanya, ngumiti na lang siya at ibinaba na ang kamay niya. "May I know your name?"

"What for?"

"I'll get straight to the point: I find you really pretty."

"Then, I'll get straight to the point na rin: this is uncomfortable," matapat na sabi ko. "I'm alone, eh, 'tapos bigla ka na lang lumapit sa'kin na parang close tayo. That's not the right way to approach a woman. Masyado kasi kaming on-guard kapag mag-isa lang kami kasi ayon sa society, kaming girls ang dapat mag-adjust kaya dapat kaming mag-doble ingat."

Hindi nakasagot ang lalaki na parang hindi alam ang sasabihin. O mas tama yatang sabihan na naunahan siya ng iba na magsalita.

"Honey, don't get too worked up," sabi ni Tray na nakabalik na pala. Tumayo siya sa tabi ko at sa pagkagulat ko, marahan niyang ipinatong ang kamay niya sa food bump ko. "Baka kung mapa'no ang baby natin."

Did my boyfriend just implied that I'm pregnant? Muntik na kong matawa. Pero dahil alam ko kung bakit iyon ginawa ni Tray, pinigilan ko ang sarili ko at sinakyan ang acting niya.

"Oo nga, honey," sabi ko naman, saka ko ipinatong ang kamay ko sa kamay niya na nasa tiyan ko pa rin. "I need to be more patient for our baby."

"Sorry, I didn't know," sabi ng lalaking nagpakilala kanina bilang Alfred, saka ito tumakbo palayo. Nakita nilang sumakay ito sa isang luxury car na naka-park sa tapat ng store. Pagkatapos, humarurot agad ang sasakyan palayo.

Natatawang hinampas ko ang braso ni Tray na ikinangiti niya lang. "Tray, ha? Gano'n ba kalaki ang food bump ko para pumasang baby bump?"

"Sorry," nakangiting sabi naman niya. "I just thought it would be funny."

And it was really fun.

So now, it's my turn to tease him.

"Bold of you to joke like that when you can't even stay in the same room as me for a night," biro ko sa kanya dahilan para mamula na naman ang mukha niya. "Tray, when will WE practice making a baby?"

"Don't tempt me, Bomi," saway sa'kin ni Tray sa nahihiyang boses. "May condom d'yan sa convenience store."

It was my turn to blush even though I was aware that he was just teasing me. "What happened to my innocent little Tray?"

Nagkibit-balikat ang boyfriend ko na hindi na yata gano'n ka-shy. "He grew up?"

***
The next day...

"BOMI, lunch time na," sabi sa'kin ni Tray habang nagda-drive siya. "Saan mo gustong kumain?"

"Korean resto," masiglang sagot ko naman habang naghahanap ako ng malapit na Korean resto sa area gamit ang phone ko. "I want samgyup."

"Sabi mo kagabi, ayaw mo na ng samgyup kasi nasuya ka na?"

Nagkibit-balikat siya, nagmamaang-maangan. "I don't remember saying that."

Natawa na lang sa'kin si Tray habang iiling-iling. "You're really cute, Bomi."

My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon