EVER SINCE naging kami ni Tray last year, gumawa ako ng new family traditio. Kapag "eve" ng isang special na okasyon, I spend time with my parents. Kaya sa bahay nila ako matutulog ngayong "Valentine Eve". Bukas ng umaga, susunduin ako ng boyfriend ko para mag-date kami.
Nag-dinner kami ng parents ko pagkatapos, natulog na sila kasi may pasok pa raw sila sa work bukas. Ako naman, heto. Nakahiga sa kama habang kausap sa phone ang baby boy ko.
"Bomi, remember 'yong pinagyayabang mo sa'kin last week?" playful na tanong sa'kin ni Tray. "Na kasya pa sa'yo 'yong prom gown mo?"
"Yes and it's true!" giit ko naman. "Hindi ako tumaba kahit four years ago na since I last wore it."
"Prove it," hamon niya sa'kin. "Isuot mo ang prom gown mo then take a picture of yourself and send it to me."
"Alam mo, suwerte mo kasi nandito ako sa bahay ng parents ko ngayon," natatawang sabi ko, saka ako bumangon at dumeretso sa walk-in closet kung saan nakatago ang mga damit ko. Only child ako kaya kahit may sarili na kong condo, hindi pa rin inaalis ng parents ko ang mga gamit at damit ko sa bedroom ko. Saka tuwing weekends naman, umuuwi ako kapag hindi ako busy. "I'll show you how pretty I looked during our prom night years ago."
"I'll wait, baby girl."
"Mwa," sabi ko lang, saka ko pinutol ang tawag.
Then, nagbihis na ko from my pajamas to my prom gown. Blush pink cold shoulder maxi dress iyon na fit na fit pa rin sa'kin. Dahil natuwa ako sa ayos ko, tinodo ko na. Nagsuot na rin ako ng stilettos. 'Tapos, inipit ko sa elegant bun ang buhok. Mayamaya lang, nakaupo na ko sa harap ng dresser ko habang naglalagay ng full makeup.
I want to look pretty sa picture na isesend ko kay Tray.
Mas ahead kasi siya sa'kin ng one year kaya hindi kami sabay nag-prom. Isa pa, may iba akong ka-fling no'ng time na 'yon. Anyway...
I'm ready.
Hindi ko namalayan na mahigit one hour na pala akong nag-ayos. Nag-selfie ako ng close up pic at full body para ipakita sa boyfriend ko ang pinaghirapan kong ganda. Pero ang magaling na lalaki, nag-seenzone lang. Wala man lang heart reaction?
Napa-pout tuloy ako at tinawagan si Tray. Lumagpas ng limang ring bago niya sinagot ang tawag ko.
"Baby boy, dine-deadma mo ba ang beauty ko?" nagtatampong tanong ko sa kanya. "Hindi ka ba nagagandahan sa'kin?"
"Baby girl, gusto kong sabihin sa'yo 'yan ng harapan."
Kumunot ang noo ko. "So, bukas mo pa ko iko-compliment?"
Natawa siya ng mahina. "Bomi, tara dito sa labas."
Okay, lumakas at bumilis ang tibok ng heartbeat ko. Nagmamadali akong sumilip sa bintana at boom! Shook ako nang makita ko si Tray na nasa labas ng gate namin. Nakatingala siya sa'kin at kumakaway. At hindi lang siya basta nakatayo sa labas, ha?
My boyfriend looked dapper in his formal black suit that perfectly matched my prom gown. Meron pa siyang hawak na bouquet of red roses. Ang romantic lang!
I can clearly see the candle light dinner he prepared in front of our hourse, in the middle of the road. May table for two sa likuran niya kung saan may nakahanda nang food na nakatakip pa. May nakikita rin akong bote ng red wine at dalawang wine glass. Meron pang mga kandila na nakapalibot sa mesa. Most of all, meron pang petals ng red roses. Buti na lang at hindi malakas ang hangin!
"Oh, Tray," naiiyak kong sabi kasi kinikilig ako na naiiyak. "I love you so much."
"I love you, too, Bomi," nakangiting sabi ni Tray at base sa nahihiya niyang boses, siguradong nagba-blush na naman ang baby boy ko. "Hindi tayo nagkaro'n ng chance na magkasayaw sa prom kasi mas ahead ako sa'yo ng one year. 'Tapos, may iba ka pang dine-date no'ng senior year mo sa high school. You and that guy even won prom queen and king of the night."
Natawa ako kasi hanggang ngayon pala, pinagseselosan pa rin niya ang ex ko.
"Kaya ngayong first Valentine natin as a couple, gusto kong mag-pretend na prom night natin," pagpapatuloy ni Tray sa malambing nang boses. "May I have this dance with you, Bomi?"
"Give me a second, baby boy," excited na sabi ko, saka ako nag-hang up.
Pagkatapos, nagmamadali akong lumapit sa dresser para maligo ng perfume. Then, takbo naman sa CR para sa mabilisang mouthwash. Nakapag-shower at toothbrush naman na ko kanina since patulog na sana ako pero mabuti na ang sigurado. Nang ready na ko, saka ako lumabas ng bahay.
Ngiting-ngiti si Tray na parang masaya sa ayos ko ngayong gabi. Then, inangat niya ang phone niya at pinakita sa'kin. "It's 12AM now. Happy Valentine's Day, Bomi."
"Happy Valentine's Day, Tray," nakangiti at kinikilig na bati ko rin sa kanya. Pagkatapos, lumapit ko sa kanya at yumakap sa baywang niya. "Kasabwat mo sina Mommy at Daddy 'no?"
Binulsa niya muna ang phone niya at binabasa sa mesa ang hawak niyang roses bago niya ko niyakap. "Yes. They helped me set this up. In-assure din nila ako na sakop pa ng property niyo 'to kaya puwede akong maghanda dito."
"Bakit hindi na lang sa garden namin?"
"I thought a midnight date in the middle of the road is more romantic."
"Agreed," natatawang pagsang-ayon ko naman. "You asked me for a dance earlier. Pero parang wala ka namang hinanda na music?"
"I saved your favorite songs in my phone pero baka ireklamo tayo ng mga kapitbahay niyo kaya let's just use the sound of our heartbeat as the background music," nakangiting sabi ni Tray. Pagkatapos, pinatong niya ang kamay niya sa baywang ko habang hawak niya naman ang isa kong kamay. Then we slowly swayed to the "sound of our heartbeat." "Are you having fun, Bomi?"
"I'm having the time of my life, Tray," nakangiti at honest na sagot ko naman. "Thank you for this wonderful night."
BINABASA MO ANG
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.