EXTRA 3: Suspicion

1.9K 86 7
                                    

Happy
***

Gardner is being sweet to me lately, sabi ko sa isipan ko habang nagja-jogging sa village namin. May kasalanan kaya siya sa'kin?

Simula high school, kami na ni Gardner. Hindi siya romantic pero sigurado akong hindi siya loko-loko. Marami siyang naging ka-fling noon pero wala siyang pinagsabay.

Baka naman in love na in love na sa'kin ang babe ko.

Napabungisngis ako sa ideyang iyon.

Huminto muna ako sa pag-ja-jogging para itext si Gardner. May earphones sa mga tainga ko para may excuse akong hindi pansinin ang mga lalaking nagha-hi sa'kin. Hindi ako nakikinig ng music kaya naririnig ko pa rin ang mga usapan at ingay sa paligid.

"Isara mo nga 'yang jacket mo," sabi ng isang lalaki sa kasama nitong babae na nakasuot ng sports bra sa ilalim ng jacket nito. Nasa gilid ko lang sila kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila kahit ayoko. "O kaya, umuwi ka at magpalit ng T-shirt."

"Bakit ba ang overprotective mo?" natatawang reklamo ng babae na sinasara na ang zipper ng jacket. "Hindi naman ganyan ang ibang boyfriends, eh." Ramdam ko na tiningnan ako ng babae bago siya humarap uli sa boyfriend niya. "Look at Happy. Schoolmate ko siya kaya kilala ko sila ng boyfriend niya. She runs everyday in that outfit so I guess hindi siya pinagbabawalan ni Gardner."

Ay, pakialamera!

Kahit nanggigigil na ko, kinalma ko lang ang sarili ko habang sinasagot ang text ni Gardner. Tinatanong niya kasi ang exact location ko. Nag-aaya siyang mag-breakfast kaya susunduin niya ko ngayong tapos na ang exercise time ko for this morning.

"Maybe her boyfriend doesn't care about her," sabi ng lalaki sa pabirong boses kahit hindi naman nakakatawa ang sinasabi niya. "Kung ako ang boyfriend niya, hindi ako papayag na lumabas siya na naka-bra lang."

"Sports bra ang tawag sa suot ko," naiinis na sabi ko, saka ko inalis ang earphones ko. Pagkatapos, nilingon ko sila. Gulat sila, eh. Akala siguro nila, hindi ko sila naririnig. Inirapan ko ang babae na pamilyar nga sa'kin, saka ko tiningan ng matalim ang lalaki. "'Wag kang ignorante."

"Happy, that's too much," reklamo naman ng babae. "Pa'no naman malalaman ng mga lalaki ang tawag sa damit nating mga babae?"

"Ewan ko sa boyfriend mo pero ang boyfriend ko, magaling sa fashion kaya hindi niya tatawaging bra ang sports bra," sabi ko. "Kaya wala rin siyang nakikitang masama kung ganito ang suot ko kapag nag-e-exercise ako."

"It's too sexy, though," nakangiting sabi ng lalaki na para bang sineseryoso ang inis ko. "Kung ako ang boyfriend mo, hindi kita pagsusuotin ng ganyan."

"Hindi naman kita boyfriend kaya 'wag mong problemahin ang suot ko," sabi ko sa kanya. "Saka kahit sabihan pa ko ni Gardner na magbihis, hindi ko siya susundin. I'm comfortable with what I wear, eh. Sorry, pero hindi ako nakyu-cute-an sa mga lalaking pinagsasabihan ang mga girlfriend nila kung ano ang dapat isuot. Fashion over boys, you know."

Lalayasan na sana sila. Pero pagpihit ko paharap, tumama ang ilong ko sa dibdib ng kung sino. Nang tumingala ako, sumalubong sa'kin si Gardner na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa'kin. "Babe!"

"Bakit ka nakikipag-away?" kunot-noong tanong ni Gardner. "Who pissed you off?"

"Them," sabi ko, saka ko tinuro ang couple sa harapan namin. "Sinabi ng lalaking 'yan na baka raw wala kang pakialam sa'kin kaya pinapayagan mo kong lumabas ng naka-sports bra lang."

"Man, first of all, my girlfriend doesn't need my permission to wear whatever she wants as long as she's comfortable with it," sabi ni Gardner habang nakatingin sa lalaki. "The only time you're allowed to give your opinion about how she dresses is when she asks you."

"I'm just trying to protect my girl," katwiran ng lalaki na nakasimangot na ngayon. "Ayoko lang siyang mabastos."

"Kung ayaw mong may babaeng mabastos, pagsabihan mo ang kapwa natin lalaki na 'wag mambastos," sagot ni Gardner.

"Saka kahit ano pa ang suot ng mga babae, kapag manyak ang isang lalaki, mambabastos pa rin 'yan," dagdag ko naman. "Don't blame the victims if they get catcalled 'no."

Hindi nakasagot ang couple na halatang nailang na sa presensiya namin.

"Well, kung okay lang naman sa girlfriend mo na ganyan ka kahigpit at mukha namang nakyu-cute-an siya sa pagiging "overprotective" mo, so be it," sabi ko habang nakayakap na ko sa baywang Gardner. "Basta 'wag mo lang i-judge ang relationship ng iba." Hinila ko na si Gardner. "Let's go, babe."

Tumango lang si Gardner, saka niya ko inakbayan at inakay palayo. "Nasa bahay niyo ang car ko. I figured na baka gusto mo munang mag-shower bago tayo mag-breakfast kaya sinundo na lang muna kita rito. I needed some exercise din naman kaya tumakbo ako papunta rito. I'm glad I did. Para kasing sasaktan mo na 'yong lalaki, eh."

Natawa ako sa sinabi niya. "Ayoko lang kasi na jina-judge ka nila. They talked as if you're a bad boyfriend to me. Kaya nainis ako."

"I used to be bad to you, though," sabi ni Gardner. "Do you remember how I treated you back in high school."

"I do," nakasimangot na sagot ko. "You were really mean to me then, Gardner."

At bigla kong naalala ang high school life namin...

My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon