EXTRA 8: Bikini

1.5K 66 3
                                    

[BOMI]

***

Dahil feeling ko eh sexy ako today, sinuot ko ang mga binili kong swimwear last week. Huli kong sinukat iyong black high waist bikini bottom na may kaparehang white halter top bikini. Nang humarap ako sa full-length mirror, na-realize ko na hindi ako masyadong satisfied sa katawan ko ngayon.

Payat naman ang mga braso at binti ko. Nawala na 'yong pinaghirapan kong abs last year pero flat pa rin naman ang tiyan ko.

"Wala akong boobs," reklamo ko habang nakatingin sa chest area. "Bakit ba kasi sobrang flat-chested ko?"

Nagmamaktol pa rin ako dahil sa maliit kong boobs nang narinig kong tumunog ang doorbell. Mayamaya lang, bumukas na ang pinto. Hindi na ko nagulat kasi alam ko namang si Tray iyon. Saka talagang nag-do-doorbell muna siya kahit may duplicate copy naman siya ng keycard ng condo ko.

Hindi na ko nagbihis at lumabas ako nang gano'n ang suot. Naabutan ko si Tray na nasa kusina. Nakatalikod siya mula sa'kin habang nilalabas ang mga pinamili niya mula sa mga plastic bag na nasa mesa ngayon.

"Hello, bebe boy," paglalambing ko sa kanya. Pagkatapos, niyakap ko siya mula sa likuran. "Are you going to cook for me tonight?"

"Yeah," sagot ni Tray. "Nabasa ko kasi 'yong tweet mo kanina. Ang sabi mo, gusto mo ng carbonara. Pero since alam kong hindi ka naman marunong magluto niyon, nagpunta na lang ako rito."

"Sana bumili ka na lang," sabi niya. "Baka kasi mapagod ka. Maaga pa naman ang pasok mo bukas."

"Sandali lang naman 'to. Saka mas gusto mo naman ang carbonara na luto ko kesa sa mga nabibili natin sa mga restaurant..." Unti-unti siyang natigilan na parang may biglang na-realize. "Bomi, ano 'yang suot mo? Bakit nararamdaman ko yata ng deretso sa katawan ko s-skin mo?"

"Oh, I'm wearing my new bikini."

"S-Seryoso?"

"Oo nga," natatawang sagot ko naman. "Gusto mong makita?"

"C-Can I?"

"Of course," sagot ko, saka ako kumalas sa kanya. Pagkatapos, tumayo ako ng maayos at ipinatong ang mga kamay ko sa mga baywang ko. "Puwede ka nang tumingin, Tray."

Nakita kong humugot muna ng malalim na hininga si Tray. Pagkatapos, pumihit siya paharap sa'kin. Namumula ang mukha niya pero tiningnan pa rin niya ko mula ulo hanggang paa.

Nang makita ko ang paghanga sa mga mata niya, nawala na ang lahat ng insecurity ko.

"Jesus fucking Christ," bulong ni Tray na ikinatawa ko dahil bihira lang siyang magmura. I felt his intense gaze linger a bit longer in my chest area before he looked at me in the eye. "Bomi, baby, you're absolutely gorgeous. Minsan talaga, gusto na kitang lagyan ng helmet. Baka kasi bigla kang mauntog at ma-realize mo na hindi mo deserve ang isang tulad ko lang."

Tinawanan ko lang ang sinabi niya, saka ako lumapit sa kanya at yumakap sa baywang niya. "Thank you, Tray. Pero hindi totoo 'yan. We deserve each other."

He smiled, then kissed me on the forehead.

"Tray?"

"Hmm?"

"Sexy pa rin ba ko sa paningin mo kahit flat-chested ako?"

"Oo naman," sagot niya kahit namumula na rin ang mga tainga niya ngayon. "And you're not that flat. May nararamdaman ako kapag magkayakap tayo."

It was my turn to blush. Pero naisipan ko pa rin siyang i-tease. "Gusto mo naman 'yon?"

Tray smiled shyly, but then he suddenly hugged me tight. "I like it very much, Bomi."

Kilig naman ako.

My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon