[DECEMBER 2017]
☻ TRAY
"EXCUSE ME?" kunot-noong tanong ko kay Yuni na nakatayo ngayon sa harap ko habang nakatago ang mga kamay sa likuran niya. Actually, she's hiding my phone behind her. "Why did you say that Bomi might not be waiting for me at our meeting place?"
Nag-pout lang si Yuni pero hindi siya sumagot.
Napabuga naman ako ng hangin habang nakapamaymang na at hinihintay siyang magsalita. Nandito kami ngayon sa condo ko. Nandito rin si Trish pnagpunta siya sa balcony nang tumawag kanina si Patrick. Hanggang ngayon, magkausap pa rin ang dalawa.
Anyway, the three of us spent the whole day together as part of our traditional "Christmas party" since my sister and I will be leaving for Japan tomorrow. Saka bonding time na rin namin 'yon kasi bago ang pagbubukas ng panibagong academic year eh lumipat na sa South ang family ni Yuni nang makabili sila ng bagong bahay. Dahil do'n, nag-transfer na rin siya ng school kaya bihira na kaming magkita-kita ng ganito.
Okay naman ang celebration namin. Nagluto kami ng mga favorite handa namin gaya ng spaghetti at chicken barbeque. Nag-bake din kami ng chocolate cake.
No'ng dumating ang 5PM, nag-excuse na ko sa kanila at nagpunta sa kuwarto ko. Naligo na ko at nagbihis para sa pagkikita namin ni Bomi mamayang 7PM. It's already 6:20PM and I need to go now if I don't want to be late. Pero ayaw ibigay sa'kin ni Yuni ang phone ko.
I don't know what's happening to Yuni right now though.
Tonight is the 24th of December and I'm still elated that Bomi agreed to spend Christmas Eve with me when I asked her to.
Alam kong selfish request 'yon dahil may kanya-kanya kaming pamilya na gusto kaming makasama ng ganitong okasyon. Pero ito lang ang chance naming mag-celebrate ng Pasko kasi simula nang magsimula ang Christmas vacation ni Bomi eh nasa South Korea na siya kasama ang pamilya niya. Kauuwi niya lang kaninang umaga dahil family tradition daw nila na mag-celebrate sa Pampanga na province daw ng mommy niya. In short, she's leaving again tomorrow.
Hindi na rin ako puwede bukas dahil naka-schedule naman ang family ko na pumuntang Japan. Do'n naman kasi namin sasalubungin ang New Year.
In short, this is the only time Bomi and I can celebrate Christmas together.
"Don't be difficult, Yuni," saway ko sa kanya nang hindi na ko makatiis sa pananahimik niya. "What did you do to my phone?"
"I told Bomi that you can't make it tonight," pag-amin ni Yuni pero hindi makikita ang hiya o remorse sa mukha niya. "Tumatawag siya kanina pero in-off ko ang phone mo."
Kung sanay lang akong magmura, baka nagmura na ko. Naiwan ko kanina sa sala ang phone ko kaya siguro pinakialamanan niya 'yon habang nasa kuwarto ako. "Why did you do that, Yuni? Ngayon na nga lang uli kami magkikita ni Bomi, eh."
"You're going to confess to her, aren't you?" sita sa'kin ni Yuni. "You're a very sentimental person so I have a feeling that you'll confess on Christmas Eve."
Nag-init naman ang mga pisngi ko sa pagkapahiya. Am I that obvious?
"I don't want you to confess to Bomi," sabi ni Yuni. "Tray, you're still socially awkward. Hindi ka pa ready magka-girlfriend. I just don't want you to be reckless only to get hurt in the end. What if Bomi gets tired of your shyness or–"
"Stop," saway ko sa kanya. "It's for me to decide whether I'm ready or not. And you know what? I'm ready to confess to Bomi. She's been patient with me all this time. Also, she's considerate enough to go with my very slow pace."
Mahiyain lang ako pero hindi ako manhid. Alam kong may feelings kami ni Bomi sa isa't isa. Mas lalong hindi ako nag-i-ilusyon o nag-a-assume dahil sa ilang buwan na lagi kaming magkasama, sigurado akong ako lang ang lalaking parati niyang kasama at kinakausap bukod sa mga kaibigan niya. Pero alam ko rin na hihintay din niya ako na mag-confess sa kanya para maging official na ang pag-de-date namin.
Maybe it has only been months for Bomi but for me, I've liked her for more than a year now. Hindi ito petty crush lang. I want her to be my girl.
"You can have my phone," sabi ko kay Yuni na halatang nagulat. Pagkatapos, kinuha ko na ang car key sa center table at binulsa 'yon. "I'm still going. Bomi is a smart girl so I know that she won't easily believe a single text message even if came from my phone number. Kung wala na siya sa restaurant, pupuntahan ko na lang siya sa condo niya. I know where she lives anyway. Your plan is so pathetic, Yuni."
Namula ang mukha ni Yuni na parang napahiya. "I hate you, Tray."
"I should be the one saying that, you know? I hope you're no longer here when I return," mapait na sabi ko sa kanya, saka ko siya tinalikuran. "Good night."
Patakbo akong lumabas ng condo ko, saka ako dumeretso sa elevator para pumunta sa basement kung saan naka-park ang kotse ko. Then, I drove as fast as possible.
Pero dahil sa okasyon, naipit ako sa traffic. Usually naman, ten to fiteen minutes lang ang pag-da-drive ko mula sa condominium building papunta sa restaurant na 'yon. Pero heto, mukhang aabutin ako ng kalahating oras dito. Bigla tuloy akong nagmuni-muni.
Nag-decide kami ni Bomi na mag-dinner sa isang restaurant na masasabing midway sa kanya-kanyang condominium building kung saan kami nakatira. September pa lang, nakapagpa-reserve na kami ng table for two kasi alam namin kung ga'no kadaling mapuno ang reservation sa mga restaurant kapag may ganitong okasyon.
Yes, we both believe that our bond will last long so we made plans for the future.
Hindi ba't sign na 'yon na sigurado na ko sa kanya?
Naputol lang ako sa pag-iisip nang maging smooth na ang dinadaanan kong kalsada. Mayamaya lang, dumating na ko sa restaurant. Alam kong late na ko kaya nagmamadali akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob. Na-relieve ako nang sabihin nang kausap kong staff na naro'n na sa table ang ka-date ko.
And there she is.
Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Bomi.
She looks so pretty in her little red dress. Also, she was dolled up and as cliché as it sounds, she really did take my breath away. And when she smiled at me, I knew I was done for.
"I l-like you, Bomi," deklara ko sa malakas na boses dala ng kaba. Napatingin sa'kin ang mga guest na nakarinig sa sinabi ko (at madali sila dahil fullhouse ang restaurant). Alam ko rin na nag-stutter ako. I was so embarrassed that I want to disappear but when Bomi laughed softly, everything faded in the background. "I really like you. Will you be my girlfriend?"
"Yes," mabilis at nakangiting sagot ni Bomi habang nakapalumbaba siya sa mesa. She looks cute in that poise. "I'd love to be your girlfriend, Tray."
BINABASA MO ANG
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.