EXTRA 2: Bubblegum

2K 91 9
                                    

Happy

***
"Bubblegum ice cream?"

Natawa ako sa digust na nakikita ko ngayon sa mukha ni Gardner habang nakatingin sa hawak kong styro cup na may lamang bubblegum flavored ice cream. "Masarap kaya. Try mo."

"No, thanks," umiiling na tanggi ni Gardner, saka niya inangat ang hawak niyang cup na may laman namang coffee crumble flavored ice cream. "I'm okay with this."

Lalo akong natawa sa cute reaction ng boyfriend ko. Nasa isang ice cream parlor kami ngayon habang hinihintay namin sina Tray at Bomi na nakabalik na ng bansa. Siyempre, may pasalubong sila sa'min.

"Wait," sabi ng boyfriend ko nang tumayo siya. "I'll just go to the bathroom for a minute."

Tumango siya. "Okay."

Nang umalis si Gardner, nag-focus naman siya sa pagkain ng ice cream niya habang nagso-social media sa phone niya.

"Bubblegum ice cream?"

Napatingala ako sa lalaking huminto sa harap ng table namin habang may hawak na bubblegum ice cream. Napangiti ako kasi konti lang ang kilala kong mahilig din sa ganitong flavor. "Bubblegum ice cream."

The handsome guy smiled at me. Matangkad siya at disente ang damit. Mukha na siyang corporate guy pero sa tingin ko naman, hindi nalalayo sa age bracket namin ang age niya. "We're rare, aren't we?"

"I know, right?" natatawang pagsang-ayon ko naman. "My boyfriend is so disgusted by my favorite flavor."

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o talagang mukha siyang nadismaya. "Oh. You have a boyfriend."

"Yes," sagot ko, saka lumagpas ang tingin ko sa kanya kasi nakita kong pabalik na si Gardner. "He's back na."

Nang makita ng stranger ang boyfriend ko, nag-excuse na siya at dumeretso palabas sa smoking area ng ice cream store.

"Got hit on again?" tukso sa'kin ni Gardner nang umupo uli siya sa tabi ko. "Did he ask for your number?"

Hindi sa pagyayabang---pero gano'n na rin--- eh maraming lalaki ang nanghihingi ng number ko at inaaya akong makipag-date.

But of course, I always choose Gardner.

"No," tanggi ko sa maling hinala ng boyfriend ko. "Natuwa lang siya na maka-meet ng gaya kong mahilig din sa bubblegum ice cream. We're rare kaya." Nilingon ko si Gardner at binigyan siya ng mayabang na ngiti. "We have taste kasi while people like you who only enjoy mediocre flavor have unrefined tongue."

Tumaas ang kilay ni Gardner...
... saka niya hinawakan ang mukha ko. Pagkatapos, mabilis siyang yumuko at pumikit habang hinahalikan ako.

The sweet he gave me was quick but deep. His tasted my mouth and teased my tongue with his for a minute before he broke the kiss.

Siyempre, kinilig at nag-blush naman ako. Super rare kaya akong lambingin ni Gardner sa mga public place! "Not that I'm complaining but why did you kiss me?"

"To remind you to always choose me," nakangiting sabi ni Gardner, saka niya marahanh pinisil ang baba ko habang tinatanggal ang kung anong mismis sa gilid ng bibig ko gamit ang daliri niya. "And to prove to you that I have a refined tongue..." Yumuko siya sa tainga ko at bumulong. "Only if I taste the bubblegum ice cream from your mouth."

Okay, I only have one word for my boyfriend's sudden kalandian: Kyaaah!!!

My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon