[BOMI]
"TRAY, look at the matching outfits I bought for us," excited na sabi ko sa boyfriend ko habang hinihila ko siya papasok sa bedroom ko. Pagdating naman do'n, binitawan ko ang kamay niya para imuwestra sa kanya ang matching outfits na nakalatag sa kama. "Ta-dah!"
Meron doong mga matching scarf, plaid dress para sa'kin at plaid top para kay Tray, saka couple high cut shoes.
"Wow," nakangiti at halatang impressed na sabi ni Tray habang nakatingin sa matching outfits na ako mismo ang nag-prepare. Pagkatapos, tumingin siya sa'kin. "Someone is excited, huh?"
"Of course," pag-amin ko naman. "This will be our first out of the country trip without chaperone."
Hinawakan ko uli ang kamay niya para hilahin siya palapit pa sa kama habang naglalakad ako paatras. Gusto kong ipa-try sa kanya ang mga damit. Pero dahil hindi ako nakatingin sa nilalakaran ko, natisod ako dahil sa nakakalat na sapatos ko sa sahig. Napaupo ako sa kama at dahil hawak ko ang kamay ni Tray, maging siya eh nahila ko.
Napahiga ako sa kama nang akala ko eh babagsak siya sa ibabaw ko. Thankfully, naitukod ni Tray ang mga kamay niya sa magkabilang-side ng ulo ko kaya hindi niya ko nadaganan.
"I like this position," pag-tease ko kay Tray. Then, I wrapped my arms around his neck. "What about you, baby boy?"
Namula ang mukha niya dahil sa sudden closeness namin. In-expect ko rin na hihiwalay agad siya kasi nasa nature na talaga niya ang pagiging mahiyain. Kaya nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
He actually closed his eyes and leaned down to capture my lips for a kiss.
Nagulat ako kasi bihira mag-initiate ng kiss si Tray. Pero siyempre, mabilis din akong nakabawi at pumikit para sagutin ang halik niya. It started as a light kiss until he gently bit my lower lip. When I slightly opened my mouth to give him access, his tongue found its way to dance with my tongue. There wasn't an ounce of shyness in the way his mouth devoured mine.
If we didn't need air to breathe, he probably wouldn't have ended the kiss.
"Tray," amazed na sabi ko nang sabay kaming magmulat ng mga mata at magkatinginan. "That was amazing. Ang sarap ng kiss mo."
Namula ang mukha ni Tray, saka siya lumayo sa'kin. Nang tumayo siya, hinawakan niya ang mga kamay ko para hilahin din ako hanggang sa nakaupo na ko sa kama. "You're teasing me again, Bomi."
I giggled at his light complaint. "I can't help it. I'm just happy that you're finally out of your shell."
He's still shy but I can see his huge improvement. Saka enough na sa'kin ang nakikita kong super nag-e-effort talaga siya para sumabay sa pace ko. Medyo clingy kasi ako. Saka ako 'yong tipo ng tao na mahilig sa hug at skinship.
"It's thanks to you," sabi ni Tray. Pagkatapos, umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko para iharap sa kanya. Then, he closed his eyes and pressed his forehead against mine. "I used to hate skinship. But your touch feels pleasant to me, Bomi. I love your warmth, too."
Napangiti ako sa kilig, saka ako pumikit. "And I love you, Tray."
"Love you, too, baby," he said, then kissed me on the lips again.
***
[HAPPY]
"THIS IS an emergency, babe!" nagpa-panic na sabi ko kay Gardner habang naglalakad ako ng pabalik-balik sa harapan niya. "Hindi naging boyfriend ni Bomi si Zero pero super iniyakan niya si Zero when he migrated to the States." Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Gardner na nakaupo lang sa kama ko habang nanonood ng Netflix sa flat screen TV sa dingding. "Hey, are you listening? Zero is back in the country!"
"So what?" tanong ni Gardner, saka siya tumingin sa'kin. "Si Tray na ang boyfriend ni Bomi ngayon. And they love each other. Wala ka bang tiwala sa relationship nila?"
"Oh," sabi ko nang bigla akong matauhan. Nagpa-panic kasi si Patrick nang ikuwento niya sa'kin sa phone ang tungkol sa pagbabalik ni Zero. Kaya nag-panic din tuloy ako. "You're right."
Gardner sighed, then he held my hand and pulled me to him until I was sitting on his lap. "You worry too much about other people."
Napatili ako nang bigla na lang siyang humiga sa kama. Pati kasi ako eh napahiga sa ibabaw niya. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa dibdib niya nang bumangon ako. Papagalitan ko sana siya pero natigilan ako nang mapatitig ako sa mga mata niya.
He's looking at me like he wants me.
Ohh.
"Take care of me before you look after other people," paglalambing ni Gardner. "Tray and Bomi don't need our help this time."
"Fine," pagsuko ko naman kasi marupok ako pagdating sa boyfriend kong 'to. "How should I take care of you today?"
And a naughty smile spread across his handsome, smug face.
It's uwu time now, huh?
BINABASA MO ANG
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.