I SKIPPED class for the first time.
Nagtampo kasi talaga ako kay Happy at hindi ko sila kayang makita ni Gardner sa afternoon class namin kaya umuwi ako.
Umuwi ako sa bahay namin since nasa work naman pareho ang parents ko. Alam kong isusumbong ako ng mga kasambahay namin pero wala na kong pakialam. Nagbihis ako ng shirt, pants, at doll shoes. Pagkatapos, dumeretso ako sa grocery store na malapit lang sa village.
At heto ako ngayon, walang tigil sa paglalagay ng junkfoods at chocolate bars sa tinutulak kong grocery cart. Masama ang loob ko kaya wala na kong pakialam kung maubos ko ang allowance ko.
"Uncle..."
Natigilan ako sa paglalakad nang may baby boy akong nakita sa gitna ng aisle. Siguro nasa 4-5 years old siya. Mukha rin siyang foreigner dahil blonde ang buhok niya at medyo blue rin ang mga mata. Ang taba ng cheeks.
Super cute!
Nilapitan ko agad siya at nag-squat sa harap niya. No'n ko lang napansin na may hawak pala siyang chocolate bar na naka-seal pa pero kagat-kagat na niya. Napangiti ako lalo. "Hello, baby boy. Where are your parents?"
Umiling si baby boy. "I'm with my Uncle T." Nilabas niya mula sa ilalim ng shirt niya ang suot niyang malaking ID kung saan nakasulat ang name niya at contact details ng guardian niya. "Can you call him for me, please?"
"Of course, Troy," nakangiting sagot ko naman, saka ko nilabas ang phone ko para tawagan ang number na nakasulat do'n. "Troy" ang nakasulat sa name card na nakasabit sa leeg niya. Nakakatuwa kasi smart boy siya. "I'm calling your Uncle T na."
Ngumiti lang si Troy, saka muling kinagat ang chocolate bar na hawak niya.
Sasabihin ko sana sa kanya na bubuksan ko muna ang wrapper pero natigilan ako nang may marinig akong malakas na pag-ring ng phone. Paglingon ko sa pinanggalingan ng ingay, nakita ko ang isang familiar face ng lalaki. Schoolmate ko yata siya. Pero base sa lanyard ng school ID niya, mukhang college student na siya.
"Troy," halatang worried na sabi ng lalaki, saka siya lumuhod sa harap ng bata. Hinawakan pa niya sa mga balikat si Troy. "I've been looking for you everywhere. I just took my eyes off you for a second and then you already disappeared. Do you have any idea how worried I was?"
"I think hindi lang "for a second" nawala ang attention mo sa bata para mahiwalay siya sa'yo, Kuya."
Kunot-noo niya kong nilingon. Then, for some reason, his face turned red. "B-Bomi..."
"You know me?"
Tumango siya at pati yata ang mga tenga niya, namumula na. "W-We are s-schoolmates but ahead ako sa'yo ng one year kaya nasa college department na ko."
"If you're a year ahead of me, pa'no mo ko nakilala?"
Nag-iwas siya ng tingin pero pulang-pula pa rin siya. "Uhm, my little sisters are Grade 10 students. One of them isn't really my sister but she's like family to me. Anyway, madalas ko silang sunduin kapag sabay ang oras ng uwian namin. Kaya kapag napupunta ako sa h-high school department, nakikita k-kita since nasa same area lang naman ang junior and senior high school b-building." Mukhang na-realize niyang nag-stutter siya kaya tumikhim muna siya bago nagpatuloy. "And you're famous since your batch mates often talk about how pretty you are."
Ako naman ang nag-blush dahil sa unexpected compliment. "What's your name po?"
"T-Tray," halatang nahihiyang sagot niya dahil hindi pa rin siya makatingin sa'kin. "And you don't have to use "po" and "opo" to me because I'm only a year older."
"Okay."
"Anyway, just so it's clear, hindi ko pinabayaan si Troy," pagtatanggol niya sa sarili niya. "Pero aaminin ko na hindi nga lang seconds 'yong tinagal ng pagbabasa ko ro'n sa package ng binibili kong milk. 'Yong cousin ko kasi– na mommy ni Troy– eh masyadong demanding sa mga pinapabili niya. Kaya I always make sure na tama ang nabibili ko." Napakamot siya ng ulo na para bang mas lalong nahiya. "Sorry..."
"It's fine," sagot ko naman. "Sorry din kasi na-judge agad kita as pabaya na tito."
Binigyan niya lang ako ng shy smile bago niya hinarap uli si Troy na nakaupo na sa sahig habang binubuksan ang chocolate bar na hawak. "Troy, let's go home. Lagot na tayo sa mommy mo niyan. Look, o. You're dirty na."
Parang walang naririnig si Troy na hindi man lang nag-angat ng tingin sa Uncle T niya.
"Baby, tinatawag ka na ng Uncle Cute mo, o," sabi ko naman, 'tapos naalala ko na baka hindi siya nakakaintindi ng Tagalog. Nilingon ko si Tray para sana itanong kung English lang ba ang naiintindihan ng bata pero natigilan ako nang makita kong nakatitig siya sa'kin. He was smiling like a fool– o parang bata na excited sa Christmas kasi nagsha-shine pa ang mga mata niya. "What? Why are you looking at me like that?"
"I'm just happy," halatang nahihiyang sagot ni Tray. "Tinawag mo kong "cute," eh."
BINABASA MO ANG
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.