EXTRA 9: Bad Dreams

1.8K 75 16
                                    

[TRAY]

***

"DISGUSTING nerd."

"Why don't you just die already?"

"No one will miss you even if you were gone."

Bigla akong napabangon, habol ang hininga habang pawis na pawis ang noo.

Iyong masamang panaginip ko eh parte ng nakaraan ko. Na-bully ako no'ng high school dahil kay Carmen--- iyong babae na hindi ko sinasadyang masaktan noon. Iyong mga kaibigan at admirers niya, ginawang living hell ang buhay ko pagkatapos ng insidenteng iyon.

Kung hindi masasakit na salita, sinasaktan nila ako physically. I developed fear of skinship because of that. Ilang taon din akong nagdusa pero lahat ng iyon, parang distant memory na lang. Ngayon ko nga lang uli iyon napanaginipan, eh.

Noon, kapag nananaginip ako ng masama, hindi na ko nakakatulog uli. Worse, umiiyak ako para makatulog. Lame, isn't it?

Thankfully, may "panlaban" na ko sa nightmares ngayon.

Kinuha ko ang phone ko, pagkatapos eh tinawagan ko si Bomi. Alas-dos na ng madaling-araw at nakakahiyang tumawag ng gano'ng ungodly hour. Pero kailangan ko talaga siya ngayon.

"Tray?" halatang inaantok na pagbati sa'kin ni Bomi.

"Bomi," relieved na sabi ko. "Sorry, nagising kita."

"No, it's fine," mayamaya ay sabi ng girlfriend ko na parang tuluyan nang nagising. "Ang sad naman ng boses mo, bebe boy. What happened?"

"I had a nightmare," pag-amin ko naman. "I thought I wanted to hear your voice. Kumakalma kasi ako kapag ikaw ang kausap ko sa mga ganitong instances."

"Gusto mo bang magkita tayo?"

"I'd love to, pero hindi na safe bumiyahe ng ganitong oras saka ayokong mapagod ka," tanggi ko. "But I'm really fine, Bomi. Enough na ang boses mo ngayon. Bukas na lang tayo magkita."

"Okay, if you say so."

"Bebe girl?"

"Hmm?"

"Puwede ba kong mag-request."

"Sure, ano 'yon?"

"Kapag nagkita tayo bukas..." pagsisimula ko habang nag-iinit na ang mga pisngi. "Can you hug me really tight?"

***

[BOMI]

The next day...

"GOOD morning!" masiglang bati ko kay Tray nang paglabas niya ng condo niya. Halatang nagulat siya kasi hindi ko naman sinabi sa kanya na pupuntahan ko siya ngayon. Natawa tuloy ako nang nanlaki ang mga mata niya. "Your reaction is priceless, bebe boy."

Namula ang mukha ni Tray pero mukha naman siyang masaya na makita ako. "Bomi, what a pleasant surprise."

"You sounded troubled when you called kaninang madaling-araw, eh," sabi ko naman. "Kaya I'm here to make sure that my boyfriend is really okay."

Pagkatapos, nag-tiptoe ako para mayakap ang leeg niya. Mabilis namang pumalupot ang mga braso niya sa baywang ko. Then, I hugged him tighter.

I heard him release a sigh of relief before he nuzzled his face against my neck. "You're so soft and you smell really good, Bomi."

Napangiti at kinilig naman ako sa mga sinabi niya. "You're warm and you smell great." At bilang patunay, hinalikan ko ang leeg niya na ikinasinghap ng bebe boy ko. Natawa lang ako sa reaksyon niya. "Okay ka na ba talaga, Tray?"

"Yeah," pag-a-assure niya sa'kin. "Napanaginipan ko lang kagabi 'yong mga pam-bu-bully na na-experience ko no'ng nasa high school ako."

Sumimangot ako kasi nanggigigil talaga ako kapag naaalala ko ang nangyaring iyon sa boyfriend ko dahilan para magkaro'n siya ng timid personality. "Which reminds me, hindi mo pa binibigay sa'kin ang pangalan ng mga bully na 'yon. Naku, Tray, sinasabi ko sa'yo. Kapag nahanap ko ang mga 'yon, talagang makakatikim sila ng paghihiganti ko."

Natawa lang si Tray, saka mas humigpit ang yakap niya sa'kin. "You being here is more than enough to make me forget those nightmares, Bomi. Thank you."

"Okay," sabi ko naman habang hinahagod ko ang likod niya. "Pero sure ka bang ayaw mong iganti kita?"

Muli, natawa lang siya sa sinabi ko. "I love you, Bomi."

Napangiti naman ako at nakalimutan na ang galit ko. "I love you, too, Tray."

My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon