EXTRA 1: Eve

2.4K 100 7
                                    

Happy

***

"Nasa Hongkong pa rin sina Bomi at Tray," excited na pagkukuwento ko sa boyfriend kong si Gardner habang nakadapa ako sa kama niya. "Sa Disney Hotel naman sila nag-check in. Ang bongga ng Christmas gift ni Tray!"

"Well, Tray is rich," sagot ni Gardner habang naglalagay siya ng food sa coffee table na nasa tabi ng kama. Siya ang nagluto ng spaghetti, lumpiang shanghai, fried chicken, at fruit salad na nakahain ngayon. Mag-isa lang siya sa condo niya dahil nasa ibang bansa ang parents niya. At may date naman ang kakambal niya ngayon. Para hindi siya malungkot, pinuntahan ko siya rito para samahang salubungin ang New Year. "Sure ka ba na hindi magtatampo ang parents mo kasi dito mo sasalubungin ang New Year?"

"Pinayagan naman nila ko," katwiran ko. "Saka ngayon lang naman ako hindi sasalubong sa New Year na sila ang kasama."

"Anong oras ka uuwi?"

Napasimangot ako sa tanong niya. Kakadating ko lang, tinatanong agad niya kung anong oras ako uuwi. "Grabe ka naman, wala pang ten minutes akong nandito," reklamo ko, saka ako bumangon at tumingin sa kanya. Naka-lotus position siya sa sahig habang nakatingin sa relo niya. "Pinapauwi mo na ba ko?"

"May one hour ka pa para kumain," sagot niya, saka siya tumingin sa'kin. "'Tapos, ihahatid na kita pauwi."

I was hurt. Eh kasi naman, 2 hours ang biyahe ko para lang mapuntahan siya. Pagkatapos, nagmamadali na siyang pauwiin ako.

"This is also for your safety," sermon sa'kin ng boyfriend ko. "'Wag mo na kong simangutan d'yan at kumain ka na rito." Hinarap niya sa'kin ang relo niya. "Look. You only have 57 minutes left."

"Tsk!" naiinis na reklamo ko, saka ako tumayo at umupo sa harap ng mesang nakapagitan sa kanila. "If you can't take me on a vacation like Tray did with Bomi, at least be a little nicer to me."

"Ah. Kino-compare mo ba ko kay Tray?"

"Medyo," pag-amin ko habang inaalis ang hotdog sa spaghetti ko. "I mean, mas nauna tayong maging couple kesa sa kanila pero mas nauna pa silang mag-out of the country ng silang dalawa lang."

"'Wag mong i-compare ang relationship natin sa relationship ng iba," saway niya sa'kin habang kinakain ang slices ng hotdog na nasa plato ko. "Darating din tayo do'n."

"K."

"Pakikuha naman 'yong tissue sa computer table ko."

I rolled my eyes at him. Binago na nga niya ang usapan, inutusan pa ko! Heto naman ako, tumayo at kinuha nga ang tissue box sa computer table niya. Pabalik na sana ako nang napansin ko ang alkansiya sa tabi ng laptop niya.

It was a simple can with a sticker...
... sticker na may picture namin.

In the phote, I was kissing his cheek while he was sleeping. Pero arte lang 'yon kasi gising siya no'n at pumayag na i-kiss ko siya.

Anyway, sa ibaba ng picture eh may nakasulat: "Travel funds. Happy and I will travel the world soon."

Kinilig naman ako.

So, nag-iipon lang pala siya para sa future travel goals namin.

"Gardner?"

"What now?"

Tinawanan ko lang ang pagsusungit niya. Pagkatapos, lumuhod ako sa likuran niya at niyakap siya. I wrapped my arms around his neck, then kissed him on the cheek.

"Gardner," nakangiting pagtawag ko sa kanya. "Sorry sa pagiging demanding kanina."

As usual, Gardner remained pokerfaced. "Okay."

Natawa na lang ako, saka ko pinatong ang baba ko sa balikat niya. "I love you, Gardner."

"I know."

My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon